Chapter 10.2 Date

232 10 5
                                    

Peg’s P.o.V

Mga sampung minuto na simula nung mag hintay ako dito sa tapat ng shower room ng boys kay Josh. Kasi nga may friendly date kami,hihihi. Pinaalala ko lang sa inyo na may date kami, baka nakalimutan niyo na kasi sa tagal ng update ni otor!

“Let’s go Ms. Gabucan?”sabi ng boses na biglang sumulpot sa harap ko kaya agad naman akong napatingin.

“Ikaw na pala yan Josh.binigla mo naman ako,uhm,saan nga pala tayo pupunta?”pabebe kong tanong sa kaniya na nasa harapan ko at nakatayo.

Ang hirap kumilos ng mahinhin gosh!

 

“Ako kasi kahit saan naman basta ikaw ang kasama ko siguradong mage-enjoy ako Ms. Gabucan.”sagot niya sa akin sabay ngiti.

 

Kyaaahh! Bumabanat na ba siya? I kennat! Nako Peg! Mag isip ka na romantic puntahan! Yung tipong first time niya din mapunta sa ganun!

“Peg na lang itawag mo sakin Josh,ang formal masyado ng Ms. Gabucan eh.”sabi ko sa kaniya.

“Peg?”tanong niya sakin.

Tumango tango naman ako.

“Oo Peg,as in Princess Elizabeth Gabucan,Peg for short. Mga kaibigan ko nag bigay ng nick name na yan sakin.”paliwanag ko sa kaniya.

“Cute,like you.”sabi niya sakin.

 

Oh My Josh! Cute daw ako. Kyaaaahh~

 

“B-bolero ka pala ha! Anyway ayos lang na akong bahala saan tayo pupunta?”

Tumango-tango naman siya,sign na ok lang sa kaniya na ako ng bahala. At hindi niya pinansin yung bolero thingy,aminado si gwapo!

“Okay! Tara na!”sabi ko sabay masigla akong tumayo sabay hawak sa kamay niya kaya napatingin siya sa mga kamay naming …

HALAA! Hoy kanang kamay! Bakit hawak hawak mo kaliwang kamay ni Josh! Maharot ka!

 

Kamay: sherri nemern, nedele leng Peg! Hihi.

 

Agad ko namang binitawan yung kamay niya. Nakakahiya! Baka naman kung anong isipin ni Josh sakin!

“Oh,bat binitawan mo kamay ko Peg?”tanong niya sakin.

Halos hindi ako makatingin sa kaniya sa hiya. Alam kong normal lang humawak ng kamay pero.. pero.. huhu! Nahihiya ako.

“Ah,a-ano kasi Josh---“ natigil ako sa pag sasalita ng hawakan niya yung kanang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.

“Ngayon siguro alam mo na Peg?”tanong niya habang nakangiti pero.. ano daw?? Alam ko ang alin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's Started With A Debate (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon