Chapter 6:Her Mischievous

249 19 5
                                    

Peg’s P.O.V

“What sir?!”sabay sabay naming sigaw nila Selca,Thea at Alexa kaya naman napatakip ng tenga si Principal.

Nandito kami ngayong apat sa Principal’s Office,actually ako lang dapat ang nandito para kausapin si Principal pero pinage kanina habang nag ka-klase na pinapatawag kaming apat.

“Oo,tama ang narinig niyo,kayo ang magiging pambato ng mga babae dito sa campus natin sa debate na gaganapin next next week,ibig sabihin kailangan niyong mag handa para dun,meron kayong two weeks.”paliwanag ni Principal samin.

Nag katinginan naman kaming apat.

“Bakit naman po kaming apat pa? wala na bang ibang pwede ipang laban Principal? Eh hindi naman kamin mahilig sa ganyan Principal,baka mapahiya lang kami.”sabi ni Thea.

“Wala akong magagawa,kayo ang napili ng mga Board of Directors ng School para mag represents ng kababaihan dito. Galingan niyo dahil kayo ang mag o-open ng Foundation Day for that week so dapat matuwa ang Board of Directors.”paliwanag ni Principal samin.

Napakamot ako ng ulo.

“Meaning we have no choice but to follow them.”sabi ko kaya napabuntong hininga ako.

“That’s right,so tingin ko naman sang ayon na ang lahat ito yung mga details ng dabate and that’s all so you can go now ladies.”sabi ni Principal samin.

“Teka lang po,eh sino po ba ang makakalaban namin? Kung kami ang mag rerepresents na kababaihan edi sino sa mga lalaki?”tanong ni Selca.

Good question Selca. Dapat alam namin kung sino para mas makapag handa kami ng maayos.

“And That is a surprise. Hindi namin pwedeng sabihin kung sino,baka mamaya lasunin niyo pa. hahaha!”joke ni Principal.

Eh? Joke na ba yun? Talaga lang? weehh??

“Kahit clue lang Principal, please.”sabi ni ALexa nag pa cute pa ito.

“Haay,wag ng mag pumilit dahil hindi ko sasabihin,sige na,mag break na kayo at baka maubusan pa kayo ng time kumain.”sabi ni Principal.

At dahil hindi naman talaga namin malalaman eh umalis na kami sa opisina ni Principal.

“Sino kaya makakalaban natin?”tanong ni Thea habang nag lalakad kami dito sa pasilyo ng main building.

“Oo nga,gwapo kaya sila? Saka sana hindi naman nila tayo pahirapan.”sabi naman ni Selca.

“Haaay,kahit sino pa sila,kakayanin natin silang lampasuhin! Fighting lang!”sabi ko.

“Tama tama! Sipain natin lahat ng lalaki dito sa school!”energetic na sabi ni Alexa.

It's Started With A Debate (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon