ISWAD 1 _The Nerdies

654 32 23
                                    

peg's p.o.v

"n-nasan ako?ano ba tong lugar na to?"sabi ko habang pinag papawisan at kinakabahan.

nilibot ng paningin ko ang buong paligid.tanging mga punong kahoy lang ang nakikita ko.

"sino yan!?"napalingon ako sa kaliwa ko.

may narinig akong kaluskos.baka may tao.pero teka,mukhang nasa gubat ako,h-hindi kaya oso yun o kung ano mang mabangis na hayop!?

unti unti akong naglakad palapit sa isang malaking kahoy.

"m-may tao ba dyan?"tanong ko.

walang sumasagot hanggang sa may lalaking nakatalikod na lumabas.

"a-ah,m-mister!"sigaw ko.

haaay buti na lang tao.nagulat ako ng biglang tumakbo yung lalaki.

"t-teka mister!sama ako!"sigaw ko saka sinundan ko siya.

gusto kong sumama dahil hindi ko alam kung nasaan ako.

"teka mister!"sigaw ko ulit dahil ayaw niyang tumigil kaka takbo.

"SSAAANNDDAALLII LAAANNGG!!!"sumigaw pa ako ng mas malakas.

sa wakas tumigil siya.

"m-mister,alam ko hindi mo ko kilala pero kasi natatakot ako.hindi ko alam kung nasaan ako."sabi ko sa boses na nag papaawa.

"wala akong pakialam."plain na sagot niya.

lumingon siya sa kanan niya pero hindi ako hinarap.

"sorry,natatako--"

"sabi nang wala akong pakialam."sabi niya saka siya tumakbo ulit.

ako naman tong tanga hinabol pa din siya.

takbo lang ako ng takbo hanggang sa bigla siyang nawala sa harapan ko.napatigil ako sa pag takbo.

"asan na siya?"tanong ko sa sarili ko.

dineretso ko ang pagtakbo ko dahil gusto ko siyang makita ulit.kahit na masungit siya pakiramdam ko ligtas ako sa kaniya.takbo lang ako ng takbo hanggang sa hindi ko napansing sobrang lapit ko na sa bangin at hindi ko na naagapan kaya nahulog ako.

"AAAHHHHHH!!"sigaw ko.

"hoy peg!!ano bang ginagawa mo dyan sa baba ng higaan??"sigaw sakin.

unti unti akong dumilat.ay pisti!nanaginip na naman pala ako tungkol sa mahiwagang lalaki na yun.

It's Started With A Debate (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon