Chapter 10.1:Friendly Date

246 17 4
                                    

Chapter 10.1

Yvette’s P.o.V

Arrghhh! I cant stand with this! Nakakainis! Sa tuwing iisipin ko na araw araw kong makikita sa loob ng class room yang Princess na yun nang gagalaiti na ako sa galit! Kailangan kong makausap si Dad tungkol dito! Bakit siya pumayag na malipat sa amin yang Princess na yan eh unang una hindi siya mayaman! Hindi siya nababagay na maisama samin at lalong lalo na hindi ako makakapag na manguna siya at maiwan ako sa klase! Hate this feeling!

Agad akong tumayo mula sa pag kakahiga dito sa kwarto ko saka bumaba para i-check kung nasa office pa si Dad.

“Dad? Still there?”tawag ko kay Dad ng makababa ako.

“Yeah honey”tugon ni Dad.

“Good,may gusto lang akong tanungin,bakit pumayag kang malipat saming mga high standards student si Princess? We all know na scholar lang siya ng foundation niyo sa school kaya siya nakapasok dun? She doesn’t  really need to one of us,as a matter of fact she’s so stupid,a social climber bitch!”daretsong tanong at pag tataray ko kay Dad. Naiirita na talaga kasi ako!

Nakatayo lang ako sa harapan ng table niya habang si Dad patuloy sa pag babasa. So ano to? Wala siyang pake sa concerns ko?!

“Honey, Princess is  a great student. Mataas ang grades niya,at isa pa President na siya ng S.G so kailangan niyang umangat sa ranking and don’t call her stupid,hindi maganda yan,hindi ka namin pinalaki ng mom mo na maging ganyan sa ibang tao.”paliwanag ni Dad.

What a reason!? Umangat sa ranking para ano?! para malamangan ako?! No way! Walang karapatan yang si Princess na lamangan ako dahil ako si Yvette! Hindi nag papatalo sa iba! Lalong lalo na kung hindi ko ka-level!

“So yan yung reason niyo? Dad! Halos pumangalawa na ako sa ranking sa room because of that girl! Hahayaan niyo na lang bang maging ganun ang ranking ko? Mauunahan niya ako! Isa pa wala naman siyang naco-contribute samin!”sabi ko kay Dad at pabagsak niyang inilapag yung folder na binabasa niya kaya nagulat ako.

“Cut that honey! Kung ayaw mo pa lang may umangat sayo bakit tinanggihan mo ang pag takbo bilang S.G president?! And lastly,hindi mo pwedeng gamitin ang pagiging chairman of the board ko para sa kagustuhan mo. Kung ayaw mong lamangan ka ni Princess well pag hirapan mo. Now get out. Can’t you see that im busy? Wag mo muna akong istorbohin.”sabi ni Dad sakin.

I can’t believe na magagalit pa si Dad sa sinabi ko! Im his daughter! Only daughter kaya dapat sinusunod niya ako! Mukhang wala din naman akong mapapala kaya padabog na akong lumabas ng office.

Kung hindi ako matulungan ng Daddy ko,ako ang gagawa para mapatalsik yang si Princess sa room, or I think much better kung sa school siya mapapatalsik. Tama! Mas makakampante ako kung wala ng nag mamarunong sa school.

“Ok,mas kampi kayo dun? Go! Kay mom ako hihingi ng tulong!”sabi ko kay dad at padabog akong lumabas ng office niya.

Agad kong kinuha yung phone ko at tinawagan si mom.

It's Started With A Debate (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon