Chapter 1

48 1 0
                                    

"Ley, nakapagre-search ka na ba sa topic natin sa physics?" Tanong ng kaklase ko over the phone.

"Hindi pa nga eh, pero tsaka na yun, tinatamad pa ako." excuse ko lang naman yun para hindi ako pumasok bukas. Sa totoo lang, sawang sawa na ako gumising araw-araw para lang pumasok sa school a.k.a Hell. Sabi nila pasalamat pa daw ako kasi nakakapasok pa daw ako sa magandang school, pero bakit ako magpapasalamat kung ni isang subject di ako makapasa.

"Sige, pag ikaw napagalitan na naman ni ma'am." Banta sa akin ng kaibigan ko. 

"Eh, pake ba nya eh sa ayaw ko nga magre- search." I said with an eye roll.

"Ay, kilala mo ba yung si-" Biglang naputol yung usapan namin nung nakita ko na dead batt na pala ako. 

Bumaba ako sa living room para kunin yung charger pero malas ko, natyempuhan akong utusan ng tiya kong masungit. Kainis pag minamalas ka nga naman oh.

"Sallina, pumunta ka nga muna sa pharmacy tapos bilihin mo toh." pasigaw na sabi nya sakin sabay abot ng reseta ng doktor sa kanya. Ang nakakainis pa dito, tinawag nya ako gamit ng full name ko.

Nirereklamo nya yung ubo nya na tatlong linggo nang hindi nawawala, mas okay pa sana kung magka tuberculosis na lang sya eh. Hindi naman ganon kalala, gumagawa lang sya ng paraan para makipag tsismisan sa mga kumare nyang social climber tulad nya.

"Tss, gumagawa ka lang ng paraan para makipag daldalan sa mga kumare mong mukhang tuhod." Bulong ko sa sarili ko, buti naman hindi narinig.

Pagtapos nyang magsermon ng sangkatutak, sa wakas nagkaroon na rin ako ng chance para makalabas ng bahay.

Parang feeling ko lahat ng problema nakabaon sakin, kaya parang lagi nalang akong galit. Actually hindi ko naman talaga sya tiya, pinaalagaan lang ako sa kanya at hindi ko na alam kung nasaan yung tunay kong magulang, at wala na rin akong pakialam kung nasaan na sila. Sa tingin ko kung nasa perfect world ako nakatira, hindi ako ngayon utusan lang ng tiya ko at may guidance ako ng mga magulang ko. Pero hindi naman ako nakatira sa perfect world eh, at perfect world doesn't exist. Real life ang pinaguusapan natin dito. 

Habang papalakad ako papuntang pharmacy, narealize ko na wala akong dalang payong. Sakto pa nung tumingin ako sa langit, nagsimulang umambon.

"Arghh, napakamalas ko naman ngayon oh." Lagi naman akong malas, bakit pa ako magagalit?

Wala akong choice kundi tumakbo nalang papunta sa pharmacy.

Pinagtinginan ako nung mga tao at nung guard. Para tuloy gusto ko na umuwi at pabayaan ko na lang ako tiya ko bumili ng gamot nya. Wala eh, nandito na ako eh, sayang lang naman yung effort kong tumakbo ng pagkalayo-layo.

nagpunta ako sa aisle para bumili ng mga cosmetics gusto kong bilhin, wala namang pakialam si tiya kung ano ang pigpnagbibili ko sa sarili ko.

Napansin ko na parang may nakatingin sa akin, lumingon ako sa kaliwa at kanan ko, pero wala namang tao.

"Ano ba yan, nababaliw na ata ako."

Pumunta ako sa counter para bayaran yung mga kinuha ko at yung gamot, pero may isa pa pala akong nakalimutan. Sakto nung pagkalingon ko, may nakabanggaan along lalake.

"Ay sorry po." mabilis kong sinabi.

"Hindi, okay lang." sabi nya.

Hindi ko nakita yung mukha nya eh, bigla nalang kasi sya tumalikod

Pumunta na ako sa counter para makauwi na rin ako agad. Baka abutan pa kasi ako ng ulan eh.

May sumunod na lalakeng matangkad na pumila sa likod ko, parang may pinagtatawanan ata sya?

PharmacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon