Prologue

66 3 0
                                    

"Ang akala ko kapag nagmamahal ka, lagi kang masaya"                                                   

 

"Pero nagkamali ako sa akala kong iyon"

"Kasi nung dumating SIYA sa buhay ko"

"Biglang nagbago ang ikot ng mundo ko"

Sinabi ko noon sa sarili ko na kahit kelan hindi ako magmamahal. Pero bakit ganun? Kung kelan nangako ka dun sya dumating? Na laging sakit ang dulot sayo, At nagpapahirap ng husto sayo. Pero alam ko na malalagpasan ko ito. Sa tulong ng PAMILYA ko.

~~

"Kriiiing !! Kriiiing !! Kriiiing !! Kriiiing !!!"

Arghh! Ang iiiiiingay naman ! Inaantok pa nga ako eh.  Pwede bang iextend. Sobrang antok na ako eh.

"Kriiiing !! Kriiiing !! Kriiiing !! Kriiing !!! "

Hindi ko pinansin yung alarm clock ko. Maaga pa naman saka wala naman akong gagawin. Sobrang antok na kasi talaga ako eh. Hanggang ngayon naririnig ko parin yung alarm clock ko. Hanggang sa huminto ito at narinig ko naman ang pagbukas ng pinto.

"Aby gising na anak pinapagising ka na ng mama mo at may pasok ka pa daw"

Oh shit ! Oo nga pala nakalimutan ko first day of school nga pala ngayon. Ano ba naman. Napabangon agad ako sa paggising sakin ni manang Celly. Katulong namin dito sa bahay. Dali dali akong pumasok sa cr at ginawa ang daily routine ko. Pagkatapos kong magbihis pumunta agad ako sa baba at nakita ko na dun sina mommy na nasa dining area at hinihintay ako.

" Good Morning Mom, Dad. Sorry po kung nagtagal ako" sabi ko habang kinikiss sila mommy and daddy.

" Good Morning din baby. First day of school mo ngayon di ba?" Sabi sa akin ni daddy pagkaupo ko.

" Opo dad. Medyo kinakabahan nga po ako eh." Sabi ko. Eh pano ba naman kasi. Baka hindi ko maging kaklase mga bestfriends ko.

" Bakit naman anak? Kung iniisip mo na hindi mo sila magiging kaklase hayaan mo sasabihan ko yung organizer na magsama sama ulit kayo." Sabi sakin ni mommy na ikinatuwa ko. Ngumiti ako sa kanya ng pagkalaki-laki. Pag mamay-ari kasi namin yung school na pinapasukan ko kaya kahit ano gusto ko pwede. Pero hindi ako nag take advantage don. Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ako kila mommy and daddy na papasok na ako. Hayss buti nalang magiging kaklase ko ulit sila.

Ano kaya mangyayari sakin buong school year? Sana naman ok parin gaya ng dati.

--

Guys sorry hanggang jan muna update ko ha? Busy kasi sa school eh.

Pafollow guys

twitter: @rachellaamaro1

instagram: rachella_ella04

Thank you guys. Promise bibilisan ko pag update ;)

-Rachellaamaro-

"Love Is Sacrifice and Acceptance" (KathNiel Story) by: rachella amaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon