Transferees

33 0 1
                                    

Nakalabas na kami ng Detention room sa wakas. Pumunta agad ako ng room at hinanap ko sila Kane at Rachella pero wala sila. Nagpunta ako sa cafeteria at dun ko sila nakita. Napansin naman agad ako ni Kane kaya pinuntahan nya ako.

" Bessie ok ka lang ba? Grabe first time mo mapapunta don ah !" sabi nya sakin habang papunta kami sa madalas naming pwesto.

" Oo nga bessie. Nag alala nga kami sayo kaya nga kinausap namin si Sir Mark na wag na uulitin yun kundi papaalisin sya ng Mommy mo dito. Pero ang kapal lang ng mukha ng hilaw na teacher na yun !" sabi sakin ni Rachella na nakasunod sa amin.

" Grabe ka naman kung maka hilaw Ella. Eh ano ba sinabi sa inyo ni Sir Mark?" tanong ko sa kanila nang makaupo na kami.

" Ang sabi nya"

-Flashback-

Ella's POV

" HAHAHAHA. AKO?! MAGKAKAGUSTO SAYO?! HAHA. NEVER NOH!! HAHA. WAG MO NGA AKO PINAPATAWA!" nagulat ako sa biglang

pagsigaw ni Abby. Napatingin kaming lahat sa kanya pati na si Sir. Hala ! Ano nanaman bang kalokohan pinaggagawa nitong babae na to at bigla bigla nalang sumisigaw. At ano daw sinabi nya? Magkakagusto? Hay ang labo naman ng babaeng to.

" KAYONG DALAWA !! GO TO THE DETENTION ROOM NOW !!" nagulat kaming lahat sa biglang pagsigaw ni Sir Mark at pagtingin namin. Mabilis na lumabas si Abby at kasunod nito si Andrew.

Ang kapal naman ng mukha ng teacher naming hilaw na to kung sigawan si Abby ! Iniiwasan nga namin na masigawan yan ee !!. Mahal na mahal kasi ng daddy nya yan . Ayaw nya na napapahiya si Abby.

Anyway, kinalabit ko si Kane na nakaupo lang naman sa harap ko. Tumingin sya sakin na parang naiintindihan na nya yung sinasabi ng mga mata ko.

" You know what to do" sabi nya sakin at sabay kami nagsmirk. Anong gagawin namin? Well, REVENGE for Abby. Syempre hindi naman namin hahayaan na sigawan si Abby ng isang baguhang teacher lang. Tutal hindi naman magagalit si Abby kapag ginawa namin yun dahil lahat naman ng teacher dito alam na anak sya ng may ari ng school na to kaya iniiwasan nilang sigawan si Abby. Bakit? Syempre mawawalan sila ng trabaho. Aba ! Bihira lang ang mga teacher na natatanggap sa school na to noh dahil ang mga tinatanggap nila ay yung malalaki yung standard at talagang magaling magturo.

Maya maya lang natapos na din ang klase namin kay Sir Mark. Tumayo agad kami ni Kane at agad agad na nilapitan si Sir.

" Sir !" tawag namin kay Sir Mark kaya napalingon sya sa amin. Sinenyasan ko si Kane na sya na ang mauna. Tumango naman agad sya. Lumapit kaming dalawa at nagsimula ng magsalita si Kane.

" Ahm Sir, yung tungkol po sa kanina, hindi nyo po dapat ginagawa kay Abigail yun" panimula ni Kane. Napakunot naman ng nuo si Sir Mark.

"Why? What's wrong of telling Abby to go out. I just did what's right. They are so noisy and I dont like that."

" YOU did'nt TELL her Sir. You SHOUTED to her." pagtatama ko sa kanya. Totoo naman ee. Ok lang sana kung sabihan nyang lumabas si Abby pero hindi nya kailangang sumigaw.

" Then what's wrong of shouting to her? She is just my student and I AM her teacher. Dont worry children. Edi kung pumunta dito yung parent nya, sasabihin ko yung totoo na maingay ang anak nila. In the first place, I am the Adviser of her child so I can do better than her" mayabang nyang sagot. Ang kapal talaga ng mukha nya ! I cant believe him ! Kaya nyang magmayabang dahil lang teacher sya? Wow nice ! Tingnan lang natin kung makapagmayabang ka pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Love Is Sacrifice and Acceptance" (KathNiel Story) by: rachella amaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon