Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Bumangon ako at kinuha ang phone ko. Nakita kong nagtext si Rachella at Kane.
Bessie sabay sabay tayo pasok ha?
Gising na huy !
Nagbibihis ka na ba?
Hoy ! Bangon na !
Nandito na kami sa sala nyo !
Napapunta agad ako sa cr ng kwarto ko at ginawa ang daily routine ko.Grabe napakaaga naman nilang dalawa. Ano bang mayroon ngayon at sumabay sila sa akin pumasok !
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba agad ako at nakita ko don sila Kane At Rachella na kumakain. Wow feel at home tong dalawa na to ah.
" Oh Abby tapos ka na pala halika kain na tayo" sabi sa akin ni Kane.
" Wow naman Kane ! Malamang kakain siya bahay nya kaya to !" sabi ni Rachella. Natawa nalang kaming dalawa dahil sa pag irap nya.
Teka bakit hanggang ngayon wala parin sila daddy ? Hindi ko na sila nakikita kapag umuuwi ako saka gumigising. Tatanong ko nalang nga kay yaya pagpunta nya dito.
Nagkwentuhan lang kaming tatlo habang kumakain. Maaga pa naman eh.
"Abby overnight naman tayo mamaya kila Kane hindi na tayo nakakapagbonding ee." sabi sakin ni Rachella na nag puppy eyes pa. Haha ang cute. Pero hindi naman ako mahilig sa mga ganon ee. Lalo na itong dalawa pa na to kasama ko.
" Naku Rachella alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga ganyan lalo na kung kayo pa yung kasama ko" sabi ko sa kanya kaya nagpout silang dalawa. Haha
" Grabe ka naman ee wala naman sila tito dito ee" sabi ni kane na nakapout parin.
" Anong wala ee mamaya lang dadating na sila ni mommy ee. Next time nalang ok ?" pagkatapos kong sabihin ay sakto namang pasok ni yaya Celly sa dining area.
" Anak tumawag si daddy mo kanina. Hindi ka daw nya makontak kaya sakin sya tumawag. Ang sabi nya mawawala daw sila ng mommy mo ng 1 buwan dahil may kailangan daw silang ayusin para sa bissiness nyo"
0_0- ako
^_^- Kane at Rachella.
" Isang buwan po ?!"
" Oo anak at saka nagpaalam na rin ako sa papa mo na magbabakasyon muna ako ng 1 linggo dahil ikakasal ang anak ko. Ang sabi nya dun ka nalang daw muna matulog sa mga kaibigan mo"
Mas lalong lumapad ang ngiti ng dalawa kong kaibigan. Hayss wrong timing naman tong sila daddy ee. Wala na akong nagawa kaya pumayag nalang ako sa alok ni Rachella.
Pagkatapos naming kumain ay naghanda na ako ng gamit na dadalhin ko mamaya. Pinaayos na kasi ng dalawa kong kaibigan para daw hindi na ako mag ayos mamaya at didiretso nalang kami sa bahay nila Kane. Naghanda lang ako ng damit ko na gagamitin sa loob ng 1 linggo dahil wala nga si Manang dito.
Bumaba agad ako pagkatapos ko mag ayos ng gamit. Naabutan ko naman sila don na naglalaro ng wii. Wow feel at home lang talaga. Akala mo walang pasok buti nalang at maaga pa. Meron pa kaming 40 minutes para pumasok.
" Hoy kayong dalawa tara na nga baka malate pa tayo sa school" sumunod naman agad sila. Wow anong meron ? Bakit hindi sila umangal.
" Ok" sabay pa nilang sabi sakin. May mali talaga sa dalawang to. Hinayaan ko nalang sila at sumakay na kami sa kotse ni Rachella. Yes may kotse siya at dito kami sasakay ngayon dahil wala dito driver namin.
BINABASA MO ANG
"Love Is Sacrifice and Acceptance" (KathNiel Story) by: rachella amaro
FanfictionHellow There !! This is my very first story here in wattpad. So, sana magustuhan nyo. Hihi. Nga pala guys follow nyo ko sa twitter and instagram :)...