Pagkarating namin sa room. Sobrang ingay ng mga kaklase ko. Pinapalibutan nila yung limang lalaki na nakaupo sa pinakadulo na upuan. Paalis na sana si Kane at Rachella pero tinitigan ko agad sila.
" Sabi ko nga hindi na kami aalis" sabi ni Rachella. Buti naman na gets agad nila. May balak pa kasi pumunta eh. Umupo na kami at maya maya pa ay dumating na si sir. Bigla naman umayos ng upo mga kaklase ko at nagsibalik sa upuan.
" Good Morning class " sabi ni sir pagkapasok sa room namin.
" Good Morning sir" we said in chorus.
" Ok hindi pa nga pala ako nakapag- pakilala. So my name is Sir Mark Rodriguez. I will be your adviser at the same time teacher in English. Ayoko ng maingay at magulo sa classroom ko. Kaya sana magkasundo tayong lahat ok?
" yes sir" mukhang mabait naman itong si Sir Mark eh.
" Ngayon ko aayusin ang sitting arrangement nyo. Gusto ko kapag ok na yung mga upuan nyo. Walang magdadaldalan. So ito magiging upo nyo" at inayos na nya mga upo namin. Sana naman malapit lang sa akin yung dalawa ko bff. Saka sana yung magiging katabi ko hindi madaldal. Narinig ko na tinawag na ako ni sir.
" Abigail Willson" tinuro nya na yung magiging upuan ko. Sunod namang tinawag si Kane.
"Kane Ashley Winston" tinuro yung upuan sa likod ko.
" Rachella Gail Willford" tinuro ni Sir yung upuan sa likod ni Kane. Wow. Thanks lord magkalapit kaming tatlo. Haha lakas ko talaga kay God.
Natapos na si Sir sa mga babae. Sunod nya namang inayos yung upo ng mga lalaki. Maya maya pa,naramdaman ko nalang na may nakatayo sa tabi ko. Hindi ko sya pinansin. Naramdaman ko na parang ang daming nakatitig sa upuan ko. Pagtingin ko, lahat ng kaklase ko ang sama ng tingin sa akin. Tiningnan ko sila ng may pagtataka.
Tiningnan ko si Kane at Rachella. Ok ano meron? Maya maya nagsalita si Rachella.
" Ahm. Bessie. Kasi yung Bag mo. Hindi makaupo si Andrew" sabi sakin ni Rachella. Tiningnan ko mga kaklase ko at ang sama parin ng tingin nila sa akin. Kinuha ko agad ang bag ko. At umupo na yung Andrew sa tabi ko.
" Tsk ! Bingi!" narinig kong sabi ni Andrew. Kaya nagtawanan mga kaklase ko. Wait, ako ba sinasabihan nya !?!! Nilingon ko sya sabay sabing
" excuse me? Ako ba sinasabihan mong bingi?" mahinahon kong sabi sa kanya.
" Sino ba katabi ko? Di ba ikaw? Edi ikaw sinasabihan ko ! Bingi ka talaga ano!" inis nyang sabi sa akin. Tingnan mo tong taong to. Tinatanong ng maayos eh kung ano pinagsasabi.
Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Sir Mark.
" Will you please keep quiet! Kasasabi ko lang kanina na ayaw kong magulo sa klase ko ! Kayong dalawa ! One warning to both of you ! Isa pang ingay nyo palalabasin ko na kayo !" inis na sabi ni Sir Mark.
Napairap nalang ako sa kawalan. Nakakainis talaga. Napagalitan pa ako ng dahil sa mokong na to. Kala mo kung sinong gwapo.Well yeah, gwapo pero saksakan naman ng sungit ! Nakakainis !
Nagsimula ng mag discuss si Sir Mark ng kung anu-ano. Hindi na ako nakinig. Nawalan ako ng gana dahil sa mokong na to.
"ok class dissmiss" napabalik lang ako sa sarili ko ng magsalita si Sir. Sumunod na ang teacher namin sa ibang subject. Nakakaasar lang dahil hindi nila binago sitting arrangement namin. Ayos na daw to kasi mukhang ok na naman daw kami sa mga katabi namin. Tsk kung alam nya lang. Natapos na mga klase namin at time na para sa break time.
Tumayo agad tong mokong pagkasabi na break time na. Tss ang takaw. Pinuntahan ako nila Kane at Rachella.
" Bessie anong katangahan ba yang pinaggagawa mo ! Hindi mo dapat ginawa yun ! Pano kung pag usapan ka sa campus na sinasagot mo yung limang yun. Pano kun---"
" Bessie wag kang OA"pinutol ni Rachella si Kane. To talgang to masyadong oa.
" Ano ba kayo. Wag nyo na nga problemahin yun ! Baka nakakalimutan nyong anak ako ng may ari ng school na to?" hindi naman sa pagmamalaki ha? Pero kasi kung makasabi sila ng ganito parang nakakalimutan nilang may ari ako ng school na ito.
" alam naman namin yun bessie ang kaya lang. Mag ingat ka naman. Baka nakakalimutan mo din na walang nakakaalam na anak ka ng may ari ng school na to" sabi ni Rachella. May point naman sya don. Pero hayss ewan ! Tumayo nalang ako at nagsimula na kaming maglakad para pumunta ng cafeteria. Habang naglalakad kami, nakita ko kung pano tumitig mga tao samin. Yes samin. Nagtaka ako kaya tinignan ko sila Kane at Rachella. Nakita ko silang nagtataka rin na tumingin sa paligid.
Bago pa ako makapagsalita ay nagsalita na si kane.
" Anong problema nyo?" sabi nya ng may pagkamaangas na dating. Natawa nalang ako sa naging reaksyon ni Kane. Hayss tao talaga na ito kung makataray wagas. Pero syempre kung mataray sya, wala nang mas tataray pa kay Rachella. Ito pa ee amasona pa naman to. Pero masaya kasi lagi nya kaming napagtatanggol everytime na may umaaway sa amin.
" pwede ba wag nyo kaming titigan ng ganyan. Baka gusto nyong dukutin ko isa isa yang mga mata nyo. Kung may problema kayo sa amin sabihin nyo lang" sabi nya don sa mga tao. Hayss tao talagang to. Nagsimula na kaming maglakad pero nabigla ako ng may humarang sa daan ko.
" excuse me?" sabi ko sa kanya ng may pagtataka
" hoy Abigail ! Sino ka para sagutin si Andrew ha !?!!" Ah kaya pala. Napaka oa naman ng mga tao dito.
" Pwede ba ! Hindi ko sya sinagot! Wag nga kayong OA ! "
inis kong sabi sa kanya.
" OA pala ha !" at hinatak nya buhok ko kaya napa aray ako. Agad naman tinanggal ni Kane At Rachella ang buhok ko sa babaing ito. Grabe. Napaka amasona !
" Huwag mo syang masabunut bunutan kung ayaw mo mapatalsik sa school na to." sabi ni Rachella sa babaeng humatak ng buhok ko.
" Bakit may karapatan ba kayo?" sabi nya ng tumataas ang kilay.
" Huwag mo kaming susubukan !" sabi ni Kane sabay hila sa akin papuntang cr.
" Ok ka lang girl?"
" oo ayos lang. Hindi naman masakit ee"
" Naku yung Elsa talagang yon ! Isusumbong namin yun kay tita !"
" Kane wag na. Hayaan mo nalang."
" ok pero kapag inulit nya pa un, hindi na ako magdadalawang isip na isumbong kay tita yun." napatango nalang ako sa kanila.
Nagsimula na kaming maglakad papuntang room. Pinagtitinginan parin ako ng mga tao pero hindi ko na sila pinansin dahil wala naman ako mapapala. Nagsimula na kaming magklase pero wala parin yung katabi ko pati yung apat nyang kasama. Naku ayos lang yon. Kasalanan nila kung bakit ako napaaway kanina.!
Natapos ang klase namin ng maayos kahit na napaaway ako. Nag aya sila Kane at Rachella na maggala pero sabi ko kailangan ko ng umuwi. Pumayag naman sila kaya umuwi na ako.
Pagkarating ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko at gumawa ng mga assignments. Pass 6:30 na ako natapos. Marami kasi akong sinearch para sa assignments namin.
Tinamad akong bumaba kaya pinadala ko nalang kay Manang yung pagkain ko. Pagkatapos kong kumain. Naligo na ako at nahiga. Hays nakakainis naman yung nangyari kanina.
Kasalanan to nung Andrew na yon ee ! Hindi ko naman sya sinagot saka ilang oras palang kumalat na agad sa school namin yun !! Mga gwapo talaga daming stalker !!
Maya maya pa ay dinalaw na ako ng antok kaya nakatulog na ako.
---
Tnx sa pagbasa guys.
Keep on reading !
Next nalang po ako mag uupdate.
Pafollow :
twitter: @rachellaamaro1
instagram: Rachela_ella04
BINABASA MO ANG
"Love Is Sacrifice and Acceptance" (KathNiel Story) by: rachella amaro
FanfictionHellow There !! This is my very first story here in wattpad. So, sana magustuhan nyo. Hihi. Nga pala guys follow nyo ko sa twitter and instagram :)...