Chapter 2

13 0 0
                                    

"Aray naman!"

sino bayun? Papansin tae. Galitin mo na lahat wag lang ako. Kase palaban ako kung sa palaban lang din. Hindi kita uurungan! nilingon ko na badtrip nako e. Baka makasapak ako ng wala sa oras nito.
"Miss sorry. Hindi ko sinasadya. Eh.. Ahh.. Sorry talaga. Pasensya na.." Yung lalaking transfer. Nabangga niya kase ako sa hallway. Pasalamat ka fafa ka kundi. Hayst. Haha! Nawala badtrip ko sa mukha niya. May future clown to! WAHAHAHAHA.
"Ah okay lang. Di naman ako namatay eh." Pabiro ko na may kasamang taray. Syempre ako si Icka eh! Hahaha.
"Sige.. So-sorry talaga a..ahh? Sige alis nako." Na-stun siguro yun sa ganda ko kaya nauutal. Haha! Haynako.

Pag pasok ko umariba yung dalawa kong bestfriend. With their evil smile. Alam ko na 'to. Psh! Akala mo talaga may ginawa akong masama eh. Hays.
"Who's that fafa?" Sabay pa talaga sila kasama ng nakakalokong ngiti.
"Wala yun. Kala niyo naman! Nabighani lang yun sa kagandahan ko." Sabay tawa ko sakanila.
"Walang something sa kanya?!"
"Syempre. Abnormal ba kayo? Hindi siya ang tipo kong lalaki." Oo. Hindi naman talaga ganun mga tipuhan ko. Yung parang bading na torpe na ewan. Hindi naman siya panget. Ang dami ngang nagkakagusto dun bali-balita ko eh. Mala-Prince-Charming kase gusto ko. Naks. Yung hindi pa nag eexist sa mundong ginagalawan ko ang gusto ko. Haha. Yung mahal ko ganun eh! Akala ko totoo yun pala hindi. Sa umpisa lang magaling. Kayong mga lalaki talaga.
"Talaga lang ha?" Sabi ni Angel. Bakit? Anong tinitingin-tingin mo sakin dyan?
"Tara na mag-uumpisa na yung klase oh." Sabat ni Rina. Oo nga pala may teacher na kami. Hahaha.

So natapos yung klase na para kaming anghel. Ganun kami eh. Anghel naman talaga kami.
Afternoon..

May naririnig rinig ako na pinaguusapan ng mga girls namin sa likod. Heartthrob daw. Aba matinde! Hahaha.
"Lance daw pangalan nun eh"
"Ang tangkad grabe"
"Gwapo pa"
"Lance kieper name nun."

Wow. Ang mga dakilang chismosa. Hahahaha! Ang lalakas ng boses. Sino naman kaya yung Lance Kieper nayun? Gwapo? Psh. Mabiktima nga ng kagandahan ko. Sabagay ang kyot ng surname niya. Like ko! XD
"Uy bangag!"
"Ay kipe ka!" Nagulat ako kase biglang sumulpot si Angel.
"Anong kipe? Pauso kana naman te!"
"May chika ko sayo!" sabi ko sa kanya.
"Ano yun? Go ako lagi dyan sa mga chika nayan!" Tapos mahahalata mo sa kanya na sobrang excited.
"Kilala mo ba yung Lance Kieper?" Umpisa ko sa kanya.
"Naririnig ko lang. Transfer daw yun eh. Sa kabilang section. Madami naman kaseng transfer dun. Bakit ba? Nu meron dun?"
"Hehe. You know." With my evil smile.
"Don't tell me..?"
"Syempre aalamin muna natin kung sino yun, gaga." sabi ko.
"Okay sige. Kawawa ka naman kase napag iiwanan ka ng mga mas bata sayo. Sila may Lovelife ikaw WALA." Sarcastic niyang sabi.
"Bakit ikaw meron?" Pagtataray ko. Kung makapag salita kase akala mo meron. Eh parehas lang naman kami ng sitwasyon. Sabi nga, Kung sino pa yung Magaganda sila pa yung walang Lovelife. Kami yun! WAHAHAHA.
"At least maganda tayo." Ganyan na kami. Masanay na kayo.
"Nasan si Rina?" tanong ko.
"Ewan. Lumalandi na naman siguro dun sa Mark niya."
"Tara asarin natin!" Isip bata. Hahahaha! Aasarin namin yung dalawa na yun pag nakita namin. Si Mark naman kase tahimik pero marunong makisama.

Tutal malapit na naman mag uwian at wala kaming teacher. Napadpad kami ni Angel sa canteen kakahanap kay Rina.
"Yun si Lance oh"
"Grabe nanliliit ako"
"swerte ng gf niyan"
"ang tangkad tapos ang gwapo pa"

Pati dito sa Canteen pinag uusapan yang Lance nayan. Nakaka-excite mga ganun. Liningon ko kung sino yung tinitingnan nila. Pag tingin ko..

What?! Si Transferee?! I mean si Lance yung nakakabunggo ko?! Akala ko naman kung sino. Pero ang gwapo niya ngayon. Mas gwapo parin ako.

Tiningnan niya ko. Tapos ngumiti. Simpleng ngiti lang. Yung hindi plastik. Wtf?! Close ba kami? Tumingin ako sa likod wala namang tao kase bumibili si Angel na iniwan ako dito. So ako talaga yung nginitian niya? Why naman kaya? He likes me?! Tae. Ang OA ko naman masyado. Sareh, okay? Sareh. Naexcite lang.
"Uy ano bang tinutunga tunganga mo dyan!" Siniko ako ni Angel. Dun lang bumalik sa katinuan yung utak ko.

Pag kaalis na pagkaalis namin sa canteen kung nasaan si Lance, kinwento ko agad sa kanya kung anong nangyari. At kung sino ba yang Lance nayan.
Kinagabihan..
Kieper
Kieper
Kieper..

Ang ganda ng apelyido niya noh? Haha. O ako lang ang nagagandahan? Grabe kase. Sakin nalang SN mo.
Ericka Kieper..

Bagay diba! Hahaha. Bagay. Parang kami. Hala? Ano to? Yuck. Kadiri mga pinag-iisip ko. Makatulog na nga.

Only Know You Love Him When You Let Him Go.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon