Hi ako si Ericka Lupan. Also known as Icka. Icka Magayon! :) Haha. 15 years old. Maagang lumandi. Charot lang! Maganda. Cute. Chubby. (hindi masyado) Matangkad. Pala-kaibigan. Masayahin.
3rd year high school ako. Junior syempre! Sawa na nga ako sa mga classmates ko kase kami-kami lang din ang magkakasama although may ibang transferee.
Kasalukuyan ko ngayong hinahanap ang dalawa kong best friend. Si Rina Hermosa. At si Angel Namos. Odiba! Mga pangalan palang namin dyosa na. Kami lagi ang magkakasama. Sa tawanan. Iyakan. Sigawan. Kalokohan. Lahat na! Bestfriends nga diba? Nabansagan lang naman kaming TATLONG MARIA. HAHAHA! Mga classmates namin gumawa ng pangalan nayan, wag kayong ano!
"Uy san ba kayo galing? tara na kain na tayo gutom na gutom nako!" Sabi ko yan sakanila. Recess na kase namin. Kaya ako nataba kakakain eh. Buti pa sila kumakain pero di naman nataba. Alam niyo yun? LAMON NG LAMON PERO HINDI MAN LANG NAGKAKALAMAN! Napaka unfair naman.
"Dyan lang humanap ng fafa." Sabi ni Angel. Boys yung ibig niyang sabihin nun. Ganun kase kami hanap ng crush. Kumbaga parang may masabi lang na crush. Ganun kami! Hindi naman kami pabaya sa studies noh. Like other girls dyan.
"Wala namang gwapo. Hays" Sabat naman ni Rina. Yan si rina! May mark na nga naghahanap pa! Pero syempre joke lang yun. Echos niya lang din yun. Para sumabay sa trip naming dalawa ni Angel. Loyal kaya yan si Rina kay Mark! Tagal na niyang dalawang yan. Kakainggit nga eh. HAHAHA!
"Ewan ko sainyo. Basta ako nagugutom na."
Bigla nakong tinamad. Nagugutom na kase talaga ako. Ganun ako pag gutom. Kaya pag gutom ako umayos kayo baka malapa ko kayo ng wala sa oras. Just kidding! Hehe.
So ayun nga. Fast forward na natin. Wala naman kaseng kwenta eh. Gaya ko.
Sa bahay..
Eto ako nagmumuni muni na naman. Inaalala ko na naman yung ex kong mahal na mahal ko. Hindi ko malaman at bakit ipanagpalit niya pa ang diyosa sa isang engkantada lang? How sad. Ikaw na nga nagmahal ikaw pa nasaktan. Sabagay, parte naman ng pagmamahal yun eh.
Eh bakit nga kase pinagpalit niya ako? Ang isang Ericka Lupan ipinagpalit niya lang sa putik! Huhu. Okay bitter na kung bitter. Ganun naman talaga eh. Nasaktan ka eh! Alangan naman mag pa-party ka? "Oy alikayo party tayo! Kase iniwan nako ng taong mahal ko. Sobrang saya ko" ganun ba gusto niyo? Mapapa hays kana lang talaga.
Di ko namalayan umiiyak na pala ko. Hanggang sa nakatulog nalang ako. Sanay nako. Na ako yung nasasaktan? Sa ganda kong 'to ako pa yung nasasaktan? Wala eh. Ganun ang buhay. Kung bumalik kana lang kase sakin edi ayos. Wala ng umiiyak dito at nasasaktan. Eh kaso nga hindi nako mahal diba? Wag tanga!
"Oy. Rina. Rina! Oy! Rinaaaa! Gising na! Papasok kapa. Aba kakaumpisa niyo palang sa school tinatamad kana." Ay maaga na pala? Mama ko yan. Ang pinakamamahal kong ina na putak ng putak. Kahit ganyan yan mahal na mahal ko yan!
"Mama naman tinanghali lang ng gising. Tsaka hindi pa naman ako late oh! May time pa." Sabi ko sakanya. Syempre may kasamang lambing yun. Ganun ako eh. Malambing talaga.
"Osige na tumayo kana diyan. Umiyak kana naman kagabi. Sinabi ko naman sayo. Maganda ka. Syempre galing ka sakin eh!" Ha? Mama naman eh! Ganyan yan. Minsan lakas pa niyan mang asar sakin. Kaya mahal na mahal ko yan e.
Ritual ng mga girls. Syempre maligo. Etc.
Sa School
Papasok nako. Good mood eh. Syempre walang dalaw eh. Hahaha!
Tapos biglang..
"Ay ang ganda k--" Napatigil ako ng sinabi kung sino yung bumangga sakin. Bago lang siya dito? Uhh. Ngayon ko lang nakita. Matangkad. May itsura naman. Pero di ko siya type. Duh! Maarte ako sa lalaki.
"Miss sorry ha?" Bumalik ako sa sarili ko nung nagsalita na siya.
"Ahh.. Eh.. Okay lang. Hehe." Nautal naman daw ako. Haha!
Tapos umalis na siya iniwan akong nagiisa. Charot! Harhar. Dami kong alam sa buhay. :3
"Uy te! Ang saya mo ata? nakahanap kana ng mabibigwit mo?" Sabi ni Rina. Gaga ka talaga! Tinulad mo pako sayo.
"Sira! Hindi noh. May nakabangga lang sakin kanina." Kalmado kong sabi sa kanya.
"Wow. Nag iba na ata ang lola? Nabangga ka lang masaya kana? Diba nga dapat inaway mo pa? Tsktsk."
"Ganyan kaba talaga sakin? Haha. Lalaki yun. Transfer. Sa kabilang section ata junior rin. Fafa." Biro ko sa kanya. Dyan siya enteresado eh.
"Ay oh? Wala naman kasing mas gagwapo sa mark ko eh." Sabay pacute pa. Ikaw na may lablayp!
"Labas muna ko." CR ang punta ko pag nalabas. Magsasalamin lang naman ako. HAHAHAHA.
BBOOOOOGSSSHHHHH!....
"Aray naman!"
BINABASA MO ANG
Only Know You Love Him When You Let Him Go.
Novela JuvenilNasa huli ang pagsisisi. Kaya girls wag na kayong dumagdag pa sa mga tanga.