Ericka's POV
"Mano po." Sabi ko kay mama at inabot ang kamay niya.
"Kamusta anak?"
"Okay naman po. Hihi."
"Kamusta school mo?"
"Okay naman po. Nakatayo parin. Hindi naman nagigiba. Yung aircon ayos lahat. Tapos yun--" Hindi na niya ko pinatapos saka tumingin ng masama. Kaya naman nagsalita agad ako.
"Hehe. Okay naman ma, nag aaral akong mabuti. Hihi." Sabay ngiti ko kay Mama.
"Kumain kana." Sabi niya sakin.
Pagkatapos kong kumain, pumunta nako sa kwarto at nagpahinga. Maya maya...
1 Message Received
Unknown Number: Hi. :)
Sino naman kaya 'to? Wala naman akong pinagbigyan ng number ko ah?
Hindi ko nalang pinansin at humiga nalang ulit.
1 Message Received.
Unknown Number: Hi. :)
Paulit ulti? Tss. Replayan ko na nga! Mamaya nanalo pala ako ng House and Lot tapos di ko man lang replayan to. Sayang naman!
Hello. :) Sino 'to?
Message failed.
Eh?
Wala na pala akong load. Magloload nalang ako! Hihihi. ^_____^
"Ma! Paload lang ako ha?"
"Hindi pwede. Gabi na. Bukas nalang."
Hala? Eh pano ko marereplayan yung prize ko? Huhuhu.
"Saglit lang naman ako eh. Dali na ma!" Pag mamakaawa ko kay mama.
"Osige. Basta bilisan mo!"
"Opo ma!" Sabay takbo ko dun sa tindahan. Malapit lang naman kase ang paload-an dito kaya hindi na ako mahihirapan.
Pagkatapos ko mag load... Syempre ni-register ko muna diba? Sayang naman yung unli!
Hello. :) Sino 'to?
Message Sent! √
Ayuuuun. Kaya humiga na ulit ako.
Your Batman. ;)
Hala? Baliw ata tong nag tetext sakin eh. Batman ko daw siya! -_____- hays.
Ano po bang name niyo?
Pag niloko pa ko nento sapak abot nento. HAHAHAHAHA.
Lance Kieper 'to Icka!
Eh? Saan mo nakuha number ko?!
Kay Aldrin.
Dodong talaga! Kung kani-kanino nalang ako ibinibigay! Hayst!
Kita nalang tayo sa school bukas. Goodnight! :)
BINABASA MO ANG
Only Know You Love Him When You Let Him Go.
Genç KurguNasa huli ang pagsisisi. Kaya girls wag na kayong dumagdag pa sa mga tanga.