In The Morning..
"Ma. Pasok nako. Babye!" Pag papaalam ko kay mama.
"Sige. Aral ng mabuti ha? Ingat!" Ma? Nag aaral naman ako ng mabuti ah? Matataas nga ang grades na pinapakita ko eh. Hahaha.
Sa School..Nag umpisa na yung klase. Ayun magkakatabi kaming tatlo nila Angel tsaka si Rina bale ako yung nasa gitna. Habang nakikinig sa teacher.
Tapos bigla akong napalingon sa bintana dun sa lalaking dumaan.
What?! Kakapasok niya lang?! 9:30 na ah! Ano siya batas? Tinalo niya pa yung gawain ko? Para lang sa kaalaman niyo. Gawain ko din minsan yung malate. Pag tinatamad talaga ako pumasok super late nako dadating niyan sa school.
Nag excuse ako sa teacher namin para lumabas muna papuntang CR. Malapit lang kase yung CR sa room namin. Tapos narin naman siyang mag discuss kaya pinayagan ako.
Pagkalabas na pagkalabas ko. Si Lance agad yung bumungad sakin. Nakatingin siya sa salamin. Nakita niya ko sa salamin na nakatingin sa kanya. Kaya napatingin siya sa kinalalagyan ko.
Hinayaan ko nalang at dumiretso nako sa CR.
Pagkatapos ko babalik nako sa room.
BOOOOM! Ayan. Nakabangga ko na naman siya. Ano bang problema niya at binabangga bangga niya ko?
"Ano bang problema mo?" Tinarayan ko na. Abusado eh.
"Hehe. Sorry." Sabay kindat niya sakin. Eww. Alam kong gwapo ka pero di ka papasa sakin.
"Sorry lang? Paulit ulit mo nakong binabangga ah!" Kalma icka kalma.
"Sige miss alis nako" Aba bastos to ah. Sabay umalis na siya patakbo.Badtrip. Nakakainis. Binabangga bangga lang ako. Ayoko pa naman ng ganun. Kung babae ka lang talaga sinabunutan na kitang Lance ka!
"Icka. Anyare? Nakabusangot kana naman dyan." Sabi ni Rina. Aynako kung alam mo lang na inis na inis nako.
"Wala. Nabadtrip lang ako."
"Sino nang badtrip sayo? Resbakan nayan!" Sabi ni Angel. Syempre biro lang yun.
"Si Lance." sabi ko.
"Ha?! Bakit?!/Why?!" sabay nilang dalawa. Kilala na kase nila si Lance. Sila paba? Mga chismaker din tong mga to.
"Wala. Wala. Sino sunod nating teacher?"
"Gaga. Recess na. Dun tayo sa canteen!" sabi ni Angel.
"Uy te si Lance oh. Kausap yung muse ng school." Sabi ni Rina habang nakatingin sa kinaroroonan nila Lance at dun sa Muse ng School na 'to. Si Roselyn.
"Pakealam ko?"
"Wala. Siguro pinopormahan yun ni Lance." rina.
"Di naman maganda yang si Roselyn eh. Matangkad lang talaga." Angel. True naman.
"Wag nga kayong ano. Pinaguusapan niyo pa. Hindi naman interesting!" sabi ko. kairita.
"Para ka namang nagseselos." Ha? Hibang ba kayong dalawa? Ako? Magseselos? Dyan kay Lance? Duhh!
"Eww. Like duhh. Kadiri kayo." Pabiro ko.Tapos bumalik na kami sa ClassRoom. Kainis lang. Inaasar nila ko kay Lance. Eh wala naman akong gusto dun! Sa SN niya lang. Oo aminado ko. Type ko lang yung Kieper niya! Pero yung buong siya? No way!
Tapos naririnig ko na naman pangalan nung mokong dito sa loob ng room. Ganun ba siya kasikat? Ang dami palang nagkakagusto dun sa aso nayun. Joke. Ang sama ko haha.
Nag umpisa yung klase hanggang sa natapos at uwian na. Diba! Ang bilis!
Andito ko sa hallway malapit sa CR uuwi narin ako maya maya. Nauna na kase si Angel. Tapos si Rina naman nandun sa Mark niya. So ako lang mag isa dito.
"Hi." Nagulat naman ako dito. Susulpot nalang bigla!
"Hello. Anong kailangan mo?!" Akala naman niya nakalimutan ko yung pagbubunggo niya sakin.
"Sorry pala kanina ah. Ako si Lance. Lance Kieper." Tapos nakipag shake hands siya sakin tapos bumalik ulit yung tingin sa iba habang kausap ako.
"Alam ko. Ako si Ericka Lupan. Icka for short."
"So kilala mo na pala ko?"
"Naririnig ko lang pangalan mo."
"Oh? Ganun pala ko kasikat." kapal ng mukha mo. Mas sikat ako sayo.
"Tss. Ge uwi nako ha. Bye!" Nagpaalam nako sa kanya. Baka tuluyan niya na kaseng sirain ang araw ko.
LANCE'S POINT OF VIEWKilala niyo naman nako diba? 14 palang ako. Baka ano kayo dyan.
Bago lang ako dito sa School nato. Actually may type na nga ako eh. Guess who?
.
.
.
.
.
Si Roselyn Vervet. Unang kita ko palang sa kanya. Nagustuhan ko na. Attraction? Maybe kind of that. Pero ang hirap niyang makuha kase masyado siyang popular sa School nato. Hays kung minamalas ka nga naman. Marami pa ata akong kaagaw.
"Aray naman!" May nabangga akong babae. Lagi ko nalang to nababangga tuwing iniisip ko si Roselyn. Mukha pa nga siyang badtrip eh.
"Miss sorry. Hindi ko sinasadya. Eh.. Ahh.. Sorry talaga. Pasensya na.." sabi ko. Hindi ko naman talaga sinasadya eh.
"Ah okay lang. Di naman ako namatay eh." Ang ganda pala nitong babae'ng 'to. Ngayon ko lang napansin.Tapos humingi ulit ako ng pasensya sa kanya.
Nagklase na hanggang sa nag Recess kami. Pumunta ko ng Canteen para bumili. Tapos nakita ko yung babae na nabangga ko. Nginitian ko siya. Ewan. Napangiti lang ako nung napatingin siya sakin. Nakita ko pa ngang tumingin siya sa likod eh. Akala niya siguro hindi siya yung nginitian ko. Bahagya akong napangiti.
Tapos natapos yung klase.
Kinaumagahan..Late na ako pumasok. Tinanghali ng gising eh. Buti nga pinapasok pa ako ng guard. Kilala ko naman kase si manong guard. Nagsalamin muna ko bago pumasok ng class room para narin mag ayos. Nang makita ko yung babae na nakatingin sakin sa salamin kaya napatingin rin ako sa kanya. Umalis rin naman agad.Pupunta yata ng CR.
Pagkatapos ko mag ayos..
"Ano bang problema mo?" Tinarayan niya ko.
"Hehe. Sorry." Sabay kindat ko sa kanya. Kase halata mong inis na inis na.
"Sorry lang? Paulit ulit mo nakong binabangga ah!" Hala galit na.
"Sige miss alis nako" Umalis nako. Baka awayin pa ko nito eh.
BINABASA MO ANG
Only Know You Love Him When You Let Him Go.
Teen FictionNasa huli ang pagsisisi. Kaya girls wag na kayong dumagdag pa sa mga tanga.