CHAPTER III

27 1 1
                                    

"Class may bago kayong classmate" sabi ni ma'am sabay pasok nung lalaki teka eto yung tinulungan namin kahapon ah?

"Hi. Im Rowell Mendez transferee from AMA University. Bilang baguhan dito sana po maging close tayo" -pagpapakilala nya sa kanyang sarili tapos parang natuwa ng makita si Andrey.
Nagpalakpalakan mga classmates ko na tila welcome sya.
Pinaupo na sya ni ma'am sa likod ni
"Ayeeeee" -sabi ko kay Andrey.
Tinignan nya ko ng masama.
"Tumigil ka nga"- sabi nya.
"Ang likot"-pagpaparinig nung nasa kaliwa ko.Sino pa nga ba?edi si chen na busy'ng-busy sa pakikinig kay ma'am. Sya na! Syang-sya na!
Umayos ako ng upo at lumingon kay Rowell na nasa likod nga ni Andrey.
Kakaibiganin ko sya. Ngumiti ako.
"Hi ako nga pala si honey. Naaalala mo?" -bulong ko habang nakaharang isa kong palad sa gilid ng mukha ko para di makita ni ma'am. Gets nyo?
"Oo*ngumiti sya* ikaw yung nakiresbak din kahapon diba?salamat ha" tapos nagshake hands kami.
"Wala yun basta friends na tayo"- sabi ko.
"Uy wag mo nga syang daldalin.Makinig kayo kay ma'am"- paniniko sakin ni Andrey. Isa pa sya napaka active din sa klase.Ako lang ata bobo saming dalawa.Tinignan ko uli si Rowell.
"Sya naman si Andrey"- bulong ko habang tinuturo si bes.



"Honey!"


Nagulat ako.
Patay ..
Nakita ako ni ma'am. (>!!!<)
"Po?"- sabay tayo ko.Tinaasan nya ko ng isang kilay.Grabe nakakatakot.
"Mukhang may kinukwento ka jan baka gusto mo ding i-share dito sa unahan?" -sarcastic na sabi nya dahilan para magtawanan iba kong classmates.Yung iba tahimik lang at
si Andrey naman umiiling-iling na para bang nagsasabing "di kasi ko sa kanya nakinig" tapos si Chen naman as usual (- _ -) serious mode.
Hindi ako makaimik.
Hanggang sa...  



  Cringggg==========
Save the bell!
Nagpaalam na si ma'am at tumingin uli sakin bago umalis.Ang taray nya.

"Yan daldal kasi" sabi ni Andrey.

"Oo na.Nga pala*tumingin ako kay rowell* gusto mo sumabay samin?" baguhan palang kasi sya kaya alam ko wala pa syang makakasama.
"Pwede ba?" tanong nya sabay tingin kay Andrey.Iniisip nya siguro baka ayaw nito.Siniko ko si andrey
"Oo naman diba?" pinandilatan ko ng mata kaya di sya nakatanggi.
"Si Chen di mo din ba yayayain?"-sarcastic na tanong nya.Napatingin ako kay Chen na busy'ng-busy sa pagbabasa ng libro.
"Wag na busy naman sya"- sabi ko.
"Di naman ako sasama" -sabi nya habang nakatutok padin sa libro.
Edi wag! Pake ko!
May lumapit sa kanyang babae.
Si Marie na dakilang pabebe ng taon
(- _- )
"Ahm chen pwede mo ba kong samahan magrecess?" tanong nito. Napakapabebe pang ngumiti.
Tumingin sa kanya si Chen.
"Sige" tapos inayos mga gamit at umalis na sila.  


  Akala ko ba... 


Grrrrr!!!!!!! Kainis! Pag sa iba ang bilis nyang sumama. 


"Uy honey dahan-dahan lang sa paglamon baka mabilaukan kana nan" -sabi ni andrey.

Wala kong pake! Nakakagigil yung nakikita ko. Magkatabi sila Chen at Marie sa iisang table.

"Sana sila mabilaukan" -sabi ko na tuloy padin sa pagsubo ng meat balls.
"Crush mo yun?" tanong ni rowell na napatingin din dun.
"Hindi"- deny ko.
"Sus crush nya yun kaya nga ganyan eh selos na selos haha"- andrey
"SINONG MAY SABI SAYONG NAGSESELOS AKO? HINDI AH!"
(0 _ 0) Napalakas ata sigaw ko dahil napatingin din sila chen samin at ang iba pang studyante.
Gulat na gulat sila maski ako nagulat sa sarili ko.
Parang naiiyak ako kaya nanakbo ko palabas.Siguro nga selos ako.
"Huhuhuhuhu" umiiyak ako sa may garden. Inis na inis kong binubunot yung mga damo.Bat kasi sya pa?huhu..
"I hate you! I hate you!" sabi ko.

My Genius CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon