CHAPTER VI

27 2 0
                                    

Kinabukasan..

Papasok na ko ng school sinarado ko ang gate ng bahay.
Nakita ko si chen na kalalabas lang din sa kanila.
Napangiti ako at lumapit.
"Chen"
Tumingin sya.
"Hmm yung sa role play hmm patalo nalang kayo oh..." pakiusap ko.Medyo nawawalan kasi ko ng tiwala sa sarili.Sinuot muna nya yung helmet saka tumingin uli sakin.
"Bakit.Wala ka bang tiwala sa sarili mo" 

Napatungo ko at di agad nakaimik sa sinabi nya.Sana pala di nalang ako nakiusap nakakahiya baka ayaw ni chen sa mahihina kaya 

"meron!" sigaw ko pero ..


nakalayo na sya. Sana lang narinig padin nya.


~Sa school

Dipa nga nagsisimula ang role play sobra na kong kinakabahan.Ang sweet pa nila chen at marie sa unahan.Nag ngingitian sila sa isa't-isa habang nagbabasa ng script.Sana lang mabungi si marie.


"Boss relax ka lang kaya natin to"
tumabi sakin si leo.Napangiti ako.
"May chocolate kaba uli?" baka sakaling maging energetic ako.Natawa sya.
"hmm" tingin ko wala syang dala.
"wait jan ka lang" sabi nya at nanakbo.San yun pupunta?
Dumating si rowell na busy sa pagbabasa.Siguro yun yung script namin.Napangiti ako.
"Wow naman pinag-aaralan talaga"sabi ko. Tumingin sya at ngumiti sakin.
"Oo adik kasi ko sa *lumapit at bumulong* spg story"
(0 .. 0)- ako
"HAHAHAHA" tawa sya ng tawa,pinakita pa sakin yung title ng libro at eto nakalagay ↓


"Pumasok si jun-jun"

(- __- ) -Akala ko talaga nagkukusa syang magsaulo nung script yun pala ... Grrr!! ang inosente kong utak huhu.
Inosente nga ba?HAHAHAHA.
Tinago ni rowell yun ng lumapit samin si andrey.
"Uy kayo?tapos na magpractice?"
Tumingin muna ko kay rowell bago ko sumagot kay andrey.
"Hindi pa. Hinihintay pa namin si leo"
"Ahhh"
Mukhang di mapalagay si rowell sa pwesto.Iniisip nya siguro ang nasa isip ko haha humanda sya sakin.
Diko na talaga to palalagpasin.Tumingin uli ako kay andrey.
"Diba nagbabasa ka ng libro?" tanong ko dito tapos ngumisi ko kay rowell dahilan para mapalunok sya ng malaki.Alam ko naman kasi na hilig din ni andrey yun like meeehhh.
"Hmm slight, bakit?"
"Si rowell kasi may librong pinakita sakin" 

Nanlake mata ni rowell sakin tapos umiling-iling na parang  nagsasabing "plss wag mo na ituloy" pero huli na dahil nagtanong si andrey.

"Talaga?ano?" -andrey
"Nas-----"  -ako
"Nasa bahay nakalimutan ko"pagputol ni rowell sa sasabihin ko.Aba inunahan talaga ko.
"Uy boss eto na yung chocolate mo" biglang dating ni leo.Parang hingal na hingal sya teka....
"Bumili ka pa talaga?"
"Oo"
"Baliw ka pwede namang hindi na ih pero sige salamat hehe"
"Wala yun" ginulo nya pa yung buhok ko.Nakita ko namang napatingin si chen samin kaya umiwas ako kay leo.Baka magselos kasi si crush hihi.  

PAST FORWARD

Nagpalakpakan ang lahat matapos magpresent nila chen.
Grabe ang ganda nung role play nila maski ako nadala kasi tungkol sa high school life (T - T)
"Ngayon honey's group naman" sabi ni ma'am.
Kinabahan ako.
Baka di namin magawa ng tama.
Si rowell kasi spg pa binasa kanina, Si leo naman bumili pa ng chocolate.Di man lang kami nakapagpractice.
Bahala na lang kung ano na mangyari.
"Oh aking kapatid bakit mo sinagot ang ating ina?" -matapos bigkasin ni leo yun napapikit ako.Sana di magkamali ng sagot si rowell.....
.
.
.
.
.
.
"Dahil isa syang pabaya!"
.
.
Nakahinga ko ng maluwag. Hu! Thank you lord natama din, akala ko baliw na naman sasabihin nya.
Ngayon line ko naman. Tumingin ako kay rowell.
"Naging pabaya man akong ina ngunit kailan ma'y di kayo nawala sa aking puso't isipan.Mahal na mahal ko kayo anak" damang-dama ko ang pag-arte. Naluluha yung dalawa.
"Totoo ba yan ina?"- rowell at leo.
"Oo mga anak"- niyakap ko sila.
Duon ay natapos ang presentation namin. Nagpalakpakan lahat.
Yeee >\\\< ang saya ko. Di ko akalaing magagawa namin.
"Magaling! Nakuha nyo ang mga damdamin namin at di lang yun dahil hindi ko talaga inaasahan na magagawa nyong tatlo yan kaya naman kayo ang napili ko! Goodjob guys. Hope na mag improve pa lalo" sabi ni ma'am na kinatuwa namin.Nag group hug kaming tatlo pati si andrey nakisama. Si chen naman nakangiti lang sakin.Mukhang masaya din sya sa pagkapanalo namin. Kinikilig tuloy ako >\< Sila marie naman ayun pumapalakpak pero halatang "fake" tsk.

My Genius CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon