Umiiyak na naman ang kalapati.
Sa maliit nitong mukha'y kita ang kawalan ng pag-asang makalaya sa pagitan ng mga rehas. Ang mga mata'y balot ng lungkot sa pagkakaposas sa nakakatakot at masikip na kulangang iyon. Bakit nakagapos pa ang mga paa sa bakal na pinto? Animo'y kaya nitong wasakin ang bakal na kahit magkabali-bali ang mga pakpak nito'y di kayang pigtalin.
Kaawa-awang kalapating nawalan ng layang lumipad.
Kalapating nakatitig sa aking mga mata na wari mo'y umaasang masoklolohan ko.
Ngunit papaano kita aabutin kawawang kalapati?
Lumingon ako sa salaming nakasabit sa dingding.
Umiiyak na naman ang kalapati.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Dagli
SonstigesMabilis ngunit may iniiwang mensaheng nais iparating.