MY COLLECTION OF FLASHFICTION(DAGLI)^^*

10.8K 11 0
                                    

                                 " HAGDAN "

"Ayan na naman siya."

Hindi ko alam kung bakit lagi kang umaakyat dyan.Ano ba ang mayroon sa lugar nayan.?

Lunes ngayon mag-isa ako ngayon sa may Dorm, natatakot ako sa hindi ko malamang dahilan , kinikilalabutan ako.Nanunood ako ng TV habang gumagawa ng proyekto ng may marinig akong parang naglalakad sa bakal na sahig.Tumaas agad ang balahibo sa aking mga braso.Hindi k na lamang iyon pinansin at nagpatuloy sa aking ginagawa.

Makalipas ang ilang sandali ay muli ko na naman narinig ang iyong mga yabag.

"Jen ignore!!!!!!!" sigaw ko sa sarili ko at muli iyong nawala.

Sa pangatlong yabag ay tripleng kabog sa dibdib nag naramdaman ko.HIgit pa sa takot ko ng malaman ko ang kwentong may multo sa dormitoryong ito, habang nakatingin sa taong nakatayo sa panghuling baitang ng HAGDAN. Diretsong nakatingin sa akin habang nakangising parang aso na animo'y nakamit ang tagumpay.

---------------------------------

my first dagli na nagawa...sa sobrang boring ng psyche. ay nagawa ko ito.

Koleksiyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon