Iisa lang ako sa daan-daan na taong nasa likod ng itinayong mataas na gusaling iyon sa Sta Ana. Meron itong 39 na palapag, at may ilang mga kilalang establisyementong nakatayo sa baba.
Dalawang taon ang ginugol na puno ng pagod at hirap papanik-panaog sa gusaling unti-untin naming nabuo ng mga katrabaho kong nakasama sa mga barracks sa hindi pa noon kagandahang istruktura ang mga kasamahan kong nagtatrabaho sa konstruksiyon, mga boss na inhinyero nagmamando at nagiinspeksiyon sa bawat sulok nito, at ang mga guardiyang nagbabantay sa amin. Sila lang ang kasabay kong mag-umagahan, mananghalian at sa gabihan. Ka-kuwentuhan sa oras ng pahinga, at sa mga holiday naming wala naman kaming mauuwian. At sa pagsapit ng pagwawakas, di na kami kailangan at dapat ng maghiwahiwalay. Lumipat na ang mga may kakayahang manirahan sa tapos ng gusaling wala naman talaga kaming karapatang apakan. Natapos ang gusali natapos rin ang kabuhayan at wala ng titirhan ang mga tulad kong wala namang inuuwian.
Tapos na ang gusali at sinubukan kong dumalaw upang pagmasdan at namnamin ang pakiramdam na isa ako sa nagbuwis ng pagod at hirap ngunit mukhang hindi na niya ako kilala.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Dagli
RandomMabilis ngunit may iniiwang mensaheng nais iparating.