FITTING THE WRONG SHOE

54 0 0
                                    


Agad nahuli ang tingin ng isang sapatos na tanaw mula sa glass window ng isang kilalang brand ng sapatos. Bigla akong napaniwala sa love at first sight. Nangangati ang mga paang lumapit, upang pagmasdan ng malapitan. At kung maari ay mahawakan man lang. 

Ngunit sa sobrang pagtitig sa magadang sapatos sa Glass Window na iyon ay naanig ko din ang repleksiyon ko sa dito. Simpleng babaeng naka-short na maong at t-shirt at tig-iisang daan na sandals sa divisoria ang suot. Bagsak ang balikat at tumungo ang ulo. 

Nagsimulang maglakad palayo, nang may biglang may matigas na kala mo pader sa akin ay bumnggo na dahilan kaya ako ay napaupo. At napatilapon ang mumurahing sandals. 

"Miss, are you okay?" Dinampot niya ang sandals ko't sinuot sa paa ko saka ako tinulungang makatayo.

"Ah yup yup. I'm okey." Sagot ko. Saka nginitiaan siya.

"Oh you have a beautiful smile and a beautiful face. Heads up."

Nakangiti ay pumasok ako sa store ng sapatos na yun.

Di naman siguro masamang pagmasdan.

Koleksiyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon