Sa MAMASAPANO TAONG 2025 (Ni JRA)

2K 6 1
                                    

(Ang mga kaganapan at mga tauhan ay mga imahinasyong naglalaro lamang sa isipan ng manunulat na hinugot mula sa nangyaring trahedya sa MAMASAPANO)

Lumalangitngit ang tulay na kahoy sa bawat pag-apak. Nagmimistulang kulay dugo ang tubig sa ilog na nasisinnagan ng buwan. Sumasayaw ang puno ng mais sabay sa pag-ihip ng hangin. Malamig ang simoy ng hangin. Tinatahak ni Mika, isang journalist ang daan patungo sa pinangyarihan ng Massacre ng apatnapung miyembro ng SAF noong taong 2015. Patapos pa lamang siya ng elementarya ay pauli-ulit niyang pinapakinggan sa balita ang tungkol dito. Ngayon ay tapos na siya sa kolehiyo at nagtatrabaho sa news online. Sampung taon na ang nakakalilipas ngunit wala pang nanagot sa 44 SAF members na ito. At ito ang matagal na nyang hinahangad ang makatuntong sa lupain na ito habang naghahanap ng katotohanan. Dahil ipinagbabawal ang pagpunta sa lugar na ito dahil na din teritoryo ito ng BILF, ay gabi siya nagpunta, patago.


Huminto siya sa kalagitnaan ng tulay. Pumikit siya, maya-maya'y para siyang nabingi sa sobrang katahimikan, nawala ang tunog ng agos ng tubig at ang lagaslas ng mga dahon saihip ng hangin at bigla siyang nakarinig ng mga iyak. Tumaas ang mga balahibo niya sa katawan. Pagdilat niya ng kanyang mga mata ay hindi na siya nag-iisa. Sa kabila ng tulay na kanyang tinatahak ay nakaabang sa kanya ang mga kalalakihan. Nakarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril at tunog ng mga humihiyaw sa sakit at pighating tinig. Nanlaki ang mga mata niya. Parang napako ang mga paa niya sa tulay na kahoy, hindi siya makakilos. Nakikita niya sa harapan niya ang nangyari labinlimang taon na ang nakakaraan. Gumala ang kanyang paningin,naghahanap. Nang napadako ang gawi niya ang lalaking titig na titig sa kanya. At nakita niya kung paano ito pinugutan ng ulo.


Tumulo ang mga luha niya. Bumangon muli ito, bumalik sa simula ang lahat. Paulit-ulit na nagplay sa harap niya ang mga eksenang noon ay naririnig niya lang sa balita. Paulit-ulit pinapatay sa harap niya ang taong ipingkait ang oras sa kanya.


Biglang naglaho ang lahat. Unti-unti ay naigalaw niya ang kanyang mga paa, naglakad siya patungo sa pinagganapan ng bakbakan. Nagitla siya ng naglabasan silang muli. Ang apat-na-pung SAF members, ang mga miyembro ng BILF at isang batang humahagulgol.Gusto niyang igalaw ang kanyang mga paa ngunit parang may mga kamay na nakakapit ditong ayaw bumitaw. Lumuhod silang lahat, waring may gustong sabihin ngunit walang tinig na lumalabas mula sa kanila.


Tumayo ang isang lalaki at palapit ito sa kanya. Sa kabila ng takot an nararamdaman niya ay hindi niya inaalis ang tingin dito. Patuloy lang ang pagpatak ng kanyang luha. Nasa harapan na niya ito, dahan-dahang umangat ang kamay nito at idinampi sa kanyang pisngi. Pinunasan ang kanyang mga luha. May dinukot ito sa sira-sira ng bulsa. Ang madalas niyang hilingin sa pinakaimportanteng lalaki sa buhay niya. Isang kendi na nilusaw na ng panahon.


"Itay"At humagulgol siya ng iyak.

Koleksiyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon