“WOOOOHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!” sigaw ni Fiona pagbaba ng sasakyan.
Para talagang taga bundok =____________=
Pero, grabe namiss ko tong lugar na to!
Ang tagal ko ng hindi nakakapunta dito.
“Miko?”
Napalingon naman ako sa tumawag.
Si Gino pala, pinsan ko.
“Yow Gino!”
“Angie?!” sigaw naman ng kapatid niyang si Karen
At yun tumakbo na ang dalawa. Kahit kelan talaga mga isip bata.
“Musta insan? Tagal din nating hindi nag—“
Naputol yung sasabihin niya nang bumaba si Raine sa sasakyan.
“Ah may kasama pala kayo. Sino siya?”
“I’m Raine.” Sabay ngiti niya
Yung pinsan ko naman akala mo nakakita ng anghel.
Aba! E hindi na siya nakapagsalita pa.
“siya si Gino, pinsan ko. Anak ni tito Ronie.”
“tara pasok na tayo” ako na nagyaya e yung unggoy kong pinsan nagka jaw locked ata. =______________=
“Oh! Jerry! What brought you here and your family?” sabi ni tito Ronie kay papa pagkapasok palang namin ng bahay nila.
“sus ikaw naman Ronie parang hindi na nasanay sa amin!” si mama na yung sumagot si papa kasi patawa-tawa nalang.
“haha oo nga pala ang hilig talaga ng pamilya niyong manggulat nalang! Bigla-biglang bumibisita e!”
“hindi kasi kami nakapunta nung bagong taon diba? Kaya ngayong bakasyon nalang. Saka isa pa maganda tong lugar niyo, malapit sa beach tiyak makakapag relax kami ni Jerry ng todo! Yung mga bata rin. Ay!
Si Raine nga pala?” tanong sakin ni mama.
“nasa labas po ma nagpapahangin ata.”
“Raine? Girlfriend mo ba yon Miko?”
“huh?! Nako tito hindi po!”
“anak siya ng kumare ko Ronnie at samin siya ngayon nakatira. Wala kasing kasama sa bahay nila e.”
“ah ganon ba? Hoy Miko aliwin mo yung bisita!” natatawang sabi ni tito sakin.
tss. Problema niyo?
Lumabas nalang ako. si Gino kasi inutusan ni tito sa bayan kaya mamaya pa balik nun. Ang layo kaya ng bayan dito sa lugar nila!
Raine’s P.O.V
Nakalubog na pala ang araw.
Medyo madilim narin
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!”
Ang sarap sumigaw!
Nakakagaan ng loob.
Nakaupo ako ngayon dito sa dalampasigan
Ang tahimik ng dagat.
Ang sarap ng hangin!
Malayong-malayo sa hangin sa manila
Ang hangin dito nakakagaan ng nararamdaman
Ang hangin sa manila, nakakalungkot,
Nakakasakit,
Nakakamatay.
Sa pagdaan ng oras, di ko namalayan na,
napapakanta na pala ako.
Kinakanta yung kantang
Nakakapag-paalala nung sa… amin
Kasabay ng hangin
At mga alaalang durog gaya ng mga buhangin.
Miko’s P.O.V
Napadpad ang mga paa ko sa tabing dagat.
Ang sarap maglakad ng nakayapak.
Ang lambot ng buhangin
Ang sarap ng hangin
At ang tahimik.
Pero, nawala ang katahimikang yon ng may narinig akong kumakanta.
Malapit na sa dulo ng beach.
Kung saan, halos wala nang taong pumupunta.
Siya nga yon.
“ang ganda pala ng boses mo.”
Ang lamig,
Parang hinehele ka
Umupo ako sa tabi niya
“bakit ba, gustong-gusto mong laging nag-iisa?”
“paano pala kung may nag-aalala sayo?”
“wala ka bang gagawin?”
“why do you always bother me?!”
Tinignan niya ako ng may galit sa kanyang mga mata
“umiyak ka na naman?”
“ha! Who cares?!”
Mugto ang mga mata niya.
Malungkot.
Puno ng sakit.
“tsk. Di mo dapat sinosolo mga problema mo.”
“mahirap yun. Lalong nakakadepress.”
“just leave me alone.”
“Remember what I told you? That, there’s something about you I wanna know?”
“gusto ko mang iwan ka dito,
Hindi ko magawa.
Ayaw gumalaw ng mga paa ko.
Hindi ko rin magalaw ang katawan ko.
Parang may force na naglalapit sakin sayo?”
“…”
“Raine, lahat ng problema may kasagutan.”
“Talaga?! Bakit hanggang ngayon wala pa yung sakin?!
bakit hanggang ngayon nagdurusa parin ako?!
bakit hanggang ngayon ang sakit-sakit parin?!
Sabihin mo nga! Kelan ko malalaman ang sagot sa problema ko?!!”
Saka siya umiyak.
Sinigaw niyang lahat yun sakin.
At habang sinisigaw niya yun,
Nararamdaman kong sobra nga siyang nasasaktan.
Ramdam na ramdam ko ang emosyon niya.
Sa itsura niya, di mo aakalain na may mabigat siyang problema.
Sa itsura niya, di mo iisiping ang bigat-bigat ng dinadala niya.
Gusto ko tuloy siyang tulungan.
“you can treat me as a friend.”
pero wala siyang imik.
umiiyak parin siya.
At sa pagiyak niyang yan,
Naaalala ko tuloy yung dati.

BINABASA MO ANG
Summer rain
Genç KurguStrangers turned friends and into a lovers then what will happen next?