Two weeks na rin ang nakaraan simula nung hindi ako magpunta sa lugar na yun. Nalaman kasi ng parents ko kaya heto ako at nakakulong sa bahay.
Wala naman akong magawa dahil tama naman lahat ng sinabi nila sakin. Kaya heto at tanging pagdungaw nalang sa bintana ang maaaring magawa.
Umuulan na naman.
Parehong ulan na nakisama sakin nung araw na nawala ang pinaka importanteng bagay sakin.
Ulang bumuhos kasabay ng mga luha kong naguunahan.
Tanda ko pa ang mga nangyari noong araw na yun. Malinaw pa sakin ang lahat.
Pero kailangan ko nang kalimutan.
Bakit?
Tinatanong pa ba yan?
Paano ako makakalakad ulit kung patuloy akong lilingon sa nakaraan?
Nakakatuwang isipin na, alam ko naman ang dapat gawin pero hindi ko magawa.
Alam ko naman ang dapat gawin pero natatakot ako kasi alam kong babalik ako sa simula.
Simula kung saan hindi siya kasama.
Simula kung saan ako lang mag-isa.
OO
Aaminin ko na, hindi ko kayang itapon nalang ang lahat ng nakaraan ko na kasama ko siya dahil natatakot akong maging mag-isa na naman.
Pero gaya nga ng sinabi ng bestfriend ko sakin.
“Nabuhay ka for seventeen years na wala siya. Nakasurvive ka for seventeen years na hindi siya kasama bakit ngayon hindi mo na kaya ulit mag-isa? E kung tutuusin sa tagal mong nabuhay sa mundong to parang saglit lang siyang naging parte ng buhay mo e.”
Tama siya. Nabuhay nga akong mag-isa, kasi wala akong kakambal.
Isang anak pa ako.
Lagi wala ang parents ko sa bahay. Kaya sariling sikap ako simula bata palang. Natuto ako sa buhay bata palang.
Kahit may maids kami, hindi ko sila inaasahan. Ayoko.
*tok*tok*
“ma’am, hinahanap po kayo ng mommy niyo”
Bumaba na ako agad pagkasabi nun ni yaya.
“hi hija. How are you?” bungad agad sakin ni mommy pagkababa ko sa sala.
“Still not okay mom.” Plain na sagot ko.
Huminga lang siya ng malalim.
Kung nakakabawas ang paghinga ng malalim sa mga bagay na dinadala ko ngayon? Hihinga nalang ako palagi ng malalim. =_=
“what brought you here mom?”
“ Actually, you’ll be living to a family friend for the mean time Raine.”
O_O
What?
“Why so sudden mom?”
“Hija, I still care for you even if you think I’m not. Nagaalala kami ng dad mo sa mga kinikilos mo ngayon. Wala kami palagi to watch you. Kahit may mga maids, hindi mo naman sila nakakainteract madalas kaya nonsense lang din. Raine, we’re doing this para naman may magbabantay talaga sayo ng mabuti. Para may makakausap kang matino. Para, para maging masaya ka.”
Hindi nako nakipagtalo pa kay mommy kasi I know, she’ll just insist what she wants.
Ganon na ba ako kaawa-awa kaya gusto nila akong maging masaya?
“Raine,”
“mom. It’s okay, I understand”
Umakyat nalang ako ulit sa kwarto ko.
Iniwan ko lang si mommy doon,
nakatayo
habang sinusundan ng tingin ang bawat hakbang ko.
- - -
*tok*tok*
“pasok”
Bumukas naman ang maliit na pintuan ng bago kong kwarto at sumilip si tito Jerry
“kakain na”
“ok po. Bababa na ko.”
=dining area=
“mabuti naman at bumaba ka na hija. Eto at naghanda ako ng mga paborito mong ulam. Sana magustuhan mo.” Sabay ngiti saakin ni tita Gelly. Siya yung kabigan ni mommy at nandito na ako ngayon sa kanila. After nung nalaman kong titira ako dito pinaempake na ni mommy yung mga gamit ko tapos dumeretso na kami dito.
Ang bilis nga ng mga pangyayari
Kanina lang nung sinabi ni mommy ang tungkol dito and now I’m here.
“Salamat po” sabay ngiti ko sa kanila.
“MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Si kuya oh!” may sumigaw sa living room
Miko’s P.O.V
“ano ba naman kayong dalawa! May bisita tayo umayos nga kayo!” suway ni mama habang papalapit samin. Ito kasing si Angie pikon e! hehehe
“si kuya kasi!”
“Miko!”
“Sooooowry!”
“oh siya, pumunta na kayo sa dining at wag niyong pinagaantay ang pagkain.”
Agad naman kaming pumunta sa dining at laking gulat ko sa nakita ko.
“MISS!?”

BINABASA MO ANG
Summer rain
Teen FictionStrangers turned friends and into a lovers then what will happen next?