THE BLOODY MASK

126 5 3
                                    

Prologue
____________________

"ITAAS NYO ANG INYONG MGA KAMAY AT WALANG MAG IINGAY!!"sigaw ng isang lalaki habang may hawak na baril, nagulatan naman ang mga tao sa loob ng isang restaurant.

"MAY MAG NANAKA-"

*BANG*

Bago pa ito matapos ang sasabihin ay binaril sya nito sa binti dahilan upang lalong matakot ang mga tao sa loob ng restaurant

"SINABI NG WAG GAGAWA NG INGAY EH"galit na sigaw nito
Binaling nito ang tingin sa cashier at tinutukan ito ng baril, natakot at kinabahan naman ito "Ikaw ibigay mo saakin lahat ng pera at kayo"muli nito binaling ang tingin sa mga tao at tinuro ang isang mesa

"Ilagay nyo dito lahat ng wallet,pera, at alahas nyo, kung ayaw nyong pasabugin ko lahat ng mga bunggo nyo BILIS!!!"sigaw nito dahilan upang lalong manginig sa takot ang mga tao pero sa huli ay sinunod din nila ang sinabi ng lalaki "ano pang hinihintay mo dyan BILISAN MO!!"bulyaw nito sa cashier, tumango tango naman ito at sinunod ang sinabi ng lalaki sa takot na baka patayin sya ng lalaki. Matapos makuha ng lalaki ang mga pera ay dali dali ito lumabas at tumakbo palayo, habang tumatakbo ay bigla syang nadapa

"ARGHH"daing nito at hinawakan ang binti nya na nag sisimula ng mag dugo dahil may barahang kulay pula ngunit gawa sa metal ang nakabaon sa kanyang binti. May naramdaman syang taong nakatayo sa harapan nya. Unti unti nyang inangat ang paningin nya at nakita nya ang taong nakamaskara na kulay pula at naka hoodie jacket na pula na may pantalon na kulay itim

"Alam mo bang ang pag nanakaw ay isang masamang gawain?"malamig na sambit nito. Napalunok naman ang lalaki at may butil ng pawis ang namumuo sa kanyang noo

"B-bloody M-mask"utal-utal ngunit natatakot na sambit ng lalaki, napangisi naman ang taong tinawag nyang bloody Mask,umupo ito para pantayan sya at may kinuhang isang panyong kulay pula at nilagay iton sa binti nyang dumudugo(Syempre tinanggal nya ung Baraha) pag katapos nyang itali ang binti nito ay tumayo ang taong naka maskara, at nag lakad na palayo, maya maya dumating na ang mga police at inaresto na ang lalaking nag nakaw

**End**

WM:ako'y labis na nag hihingi ng pasensya sapagkat ito'y maikli lamang at ako'y nag tataka kung bakit ganito ako mag salita hahaha. Anyways, thanks for reading this story (kung may nag babasa man)
At ako rin po ay nag hihingi uli ng pasensya dahil sa mga typos(kung meron man) sana'y intindihin nyo nalang dahil ako'y hindi perpektong Manunulat. Inuulit ko po, SALAMAT ^_^


THE BLOODY MASKWhere stories live. Discover now