Mask 4

38 1 1
                                    

-04-
●Party●
____________________________________

✴Jasmine D. Makapili✴

"Magandang Gabi sainyong lahat.
Ako'y nag babalik para sabihin sainyo na may panibago na naman biktima ang taong kung tawagin ay Human Doll maker. Kanina lamang bandang 2pm ay nakatanggap na naman ang mga police ng isang Malaking Kahon. Napag alaman na ang bangkay ay Si Jenelyn Sicat ang panganay na anak ng may ari ng Isang 5 star hotel. Sa itaas ng Kahon ay may isang papel at nakasulat dito ay Meet My Angel.
Muling pinapasabi ng kapulisan na mag ingat ang lahat lalo na ang mga kababaihan dahil mukhang ito ang tinatarget ng Human Doll Maker. Muling Nag uulat Mary Gabrielle Hernandez"

2 days have passed, ay may pangatlong biktima na naman ang Human Doll Maker, tinawag siyang human doll maker dahil gumagawa siya ng Doll na gawa sa tao.

Mas lalo tuloy akong kinabahan.
Pero at the same napapatanong din kung ano ba talagang motibo niya kung bakit niya ginagawa yan. Trip niya lang ba o baka kaya ay may atraso sakanya ang pamilya ng mga taong pinapatay niya.

Mas lalong nakaka-kaba dahil puro sa High University nag aaral lahat ng pinapatay niya, baka ako na ung next o di kaya si Juni or worst baka si mary- ay hindi naman siguro magiging target si mary kasi di naman siya pumapasok sa school. Speaking of mary, hindi na pumasok ang babaeng un, sabagay lagi naman siyang ganun. Papasok tapos biglang aabsent.

Huminga ako ng malalim bago patayin ang Tv.

"Nakita mo ba ang nangyayari sa mga katulad mong teenager, dahil sa kakagala ay napapahamak kaya mag ingat ka jasmine"Napatingin ako kay kuya.
Na kakalabas lamang sa kwarto niya.

"Alam ko"Sagot ko. Yan na naman siya sinesermonan na naman niya ako. Bakit tuwing may napapahamak na katulad kong teenager 'e parang kasalanan ko pa?

"Ahh oo nga pala kuya speaking of
That case, may pinag hihinalaan na ba kayong suspect?"Tanong ko.

"Wala pa pero kung meron man ay hindi ko rin sasabihin sayo"Sagot niya at pumasok sa kusina, sinundan ko naman siya.

"Okay, pero kuya napapaisip lang ako, ano kayang motibo niya kaya niya ginagawa yan?"

Binuksan niya ang ref at kumuna ng bottled water saka ito ininom.

"Ewan ko, pwedeng may atraso sakanya ung mga taong pinatay niya or baka dahil May sakit siya sa pag iisip kaya niya ginagawa un"Napapaisip na sagot niya.

"Hmm pareho din pala tayo ng iniisip pwera lang sa part na may sakit siya kaya niya ginagawa un. Pero kuya last nalang. Matagal tagal ko na rin tong pinagiisipan 'e. Baka lang 'to kuya ha baka lang naman. Ung human doll maker baka sa isang doll shop nag ttrabaho na try niyo na rin bang tignan lahat ng doll shop or toy shop dito?"

"Of course we do, bakit? May balak ka bang mag invistiga at puntahan lahat ng doll shop ha jasmine? Naku tigil tigilan mo yan jasmine, ikakapahamak mo yan, sinasabi ko sayo"

"Ayt? Hindi pa ako nasisiraan ng ulo kuya 'no para gawin yan, tsk sige na kuya tulog na ako, kasi alam kong MAAGA mo akong gigisingin kahit na HINDI NAMAN MAAGA PASOK KO"Sabi ko at nag tungo na sa kwarto ko narinig ko pa na tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin.

Hindi pa ako masisiraan ng ulo para gawin un pero bakit hindi ko kaya gawin? Hayst jasmine tumigil ka, mapapahamak tayo pag ginawa mo yan jasmine naku!

Pinagalitan ko pa ang sarili ko bago napag pasyahan matulog na dahil maaga pa akong gigising bukas.

-

THE BLOODY MASKWhere stories live. Discover now