Chapter 3 - Please Take Care of Him

173 4 0
                                    

After ilang days nakalabas nadin ako ng hospital .. HIndi padin sinasabi sa akin ni Mommy yung about sa sinabi ng doctor .. hindi niya rin alam na gising ako nung time na yun kaya naman kahit hindi na nila sabihin sa akin .. 

Hanggang ngayon, gabi'gabi padin akong umiiyak .. Hindi naman dahil sa hindi ko tanggap na heto talaga ang nakalaang mangyari sa buhay ko pero bakit? bakit ang aga .. pa-extend naman oh .. please ..

Pero sa lahat ng nangyari, kay Mommy ako bilib .. kasi kahit na alam na niya yung sitwasyon ko .. hindi parin siya nawawalan ng pag-asa .. everytime na nakikita niya ako, kahit alam kong masakit para sa kanya, she keeps on smiling whenever she looks at me ..

Pumasok nadin ako sa school pagkatapos nun .. pero classroom lang ako .. hindi ako lumalabas or even tumayo from my seat .. ayoko lang mapagod .. May program ngayon sa buong university kaya naman halos walang tao ang classroom ..hindi na ako naglakas loob mag-ikot .. 

Saka isa pa, nahihiya padin ako kay Vince .. sa inamin ko ba naman nung araw bago ako mahospital .. aish .. bahala na nga siya dyan ..

Hay.. ewan ko ba .. i lean on my seat .. naramdaman kong may tumabi sa akin.. kaya naman inangat ko yung ulo ko para makita ko kung sino yung tumabi sa akin .. si Tracy pala .. Bestfriend ko ..

"Raffy .. okay ka lang ba?" < tanong niya habang nakatingin siya sa akin .. 

Umiling-iling ako .. at dahil dun .. nagsimulang tumulo yung luha ko ..

"Trace .. anong gagawin ko?"

"ituloy mo yung bucket list mo Raff .. ayaw mo ba nun? nagawa mo lahat ng gusto mong gawin bago ka man lang ma ... mawala" < naluha si Tracy bago niya masabi ang mga linya na yun .. ang mawala ako ..

"Tama ka .. Tracy .. do me a favor please?"

"kahit ano Raff para sa yo .." < sabi niya ..

"pwede bang hanapin mo si Kristelle ...?"

"Yun lang pala eh .. teka .. WHAT!!!!???? s-si Kristelle? Bakit??"

"may sasabihin lang ako .. sige na please .. " < sabi ko sakanya na may paawa effect ..

"ano naman sasabihin mo dun sa gf ni Vince?" 

"dami mo naman tanong .. sige na kasi "

"oo na .." < at umalis na nga siya ..

OO!!! tama kayo .. si Kristelle .. si Kristelle ang GIRLFRIEND ni Vince .. at alam niyo ba? saksi ako sa pagmamahalan nila .. haha ... eh kasi po, friend ko dati si Kristelle .. nasira lang yung friendship namin dahil mas pinili niya ang pagboboyfriend kesa sa amin na mga friends niya .. Kaya hindi na ako nagtaka bakit ganun ang reaction ni Tracy nung sinabi kong hanapin niya si Kristelle ..

*After Class*

Andito na nga kami dalawa ni Kristelle  sa park ng school .. Wala nadin masyadong students dahil uwian na nga .. 

"Gusto mo daw akong kausapin?" < tanong niya sa akin ng mahinahon ..

"oo,tama ka .." < sabi ko sa kanya habang nakayuko ako ..

"Ano yun Raffy?" < at tinabihan niya ako sa pag-upo sa bench ..

Matagal ako bago nakasagot .. Kaya mo ito Raffielle ... 

"Kristelle .........P-please promise me one thing?" < sabi ko sa kanya at tiningnan ko siya ng diretso ..

"What? Ano nanamang drama ito Raff ..?" < palusot niyang sabi sa akin ..

Kilala ko si Kristelle .. she hates me being emotive .. pero wala siyang magagawa ngayon dahil moment ko ito ..

"Promise me.. Hindi mo iiwan si Vince .. aalagaan mo siya at mamahalin .."

seryoso ako habang nakatingin sa kanya at sinasabi ang mga salitang yun .. Hindi ako naiiyak .. Pinipigilan ko .. dahil ayoko talaga ..

"Ano bang sinasabi mo Raff? Hindi kita maintindihan .." < takang tanong niya sa akin ..

"Basta gawin mo nalang Kristelle .. Please... wag mo siyang iiwan .. alam kong sayo siya masaya at ikaw ang mahal niya .. Sana masaya ka din sa kanya .." 

Tatayo na sana ako ng biglang hawakan niya ang kamay ko .. Tiningnan ko siya at nagulat akong parang naluluha siya .. 

"Nag-papaalam ka na ba Raff?" < 

o.O  

Nabigla ako sa sinabi niya .. NAgpapaalam na nga ba talaga ako?

Tumayo na ako pero tumayo rin siya at niyakap ako ..

"Yes Raff .. I promise .. hindi ko siya iiwan at aalagaan ko siya .. mamahalin ko din siya kung gaano niya ako kamahal ngayon" < naiiyak niyang sabi sa akin ..

"Dapat lang Kristelle .. Kasi ,, kapag hindi mo ginawa yun .. mumultuhin kita .." < tumawa ako ng konti sa biro ko ,..

"Ikaw naman.. nagagawa mo pang mag-biro sa lagay na yan?" 

"Ayaw ko lang ng malungkot ..hehe"

"Ikaw talaga .. "

"Basta, wag mo akong kakalimutan ha? Wag mong kakalimutang may naging kaibigan kang emotera katulad ko dahil nag-iisa ata ako .." < sabi ko sa kanya ..

"Huwag mo naman akong paiyakin Raff .. Hinding hindi naman kita makakalimutan eh .. Dont worry .."

Pagkatapos nun .. Nagstart na kaming maglakad palabas ng gate ...

Napatigil ako sa paglakad ng makita ko kung sino ang naghihintay kay Kristelle sa gate ..

Si Vince .. 

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Author's Note:

Hanggang ilang Chapters ang gusto niyo guys? Short story kasi eh .. hehehe .... PM niyo lang ako .. gusto ko sa readers ko mang-gagaling kung ilang chapters ang gusto nila .. 

Thanks ..

Comment, Vote and Be a Fan if you like ..

>>heart_broken<<

Mission AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon