CHAPTER 2

7 2 0
                                    

Matapos ng madramang eksena kanina sa kwarto ay napagdesisyonan namin ni Tita na lumabas muna at pumunta sa pinakamalapit na parke. Kaya't nandito ako ngayon sa labas ng aming bahay hinihintay siya. Habang naghihintay hindi ko maiwasang mapaisip kung ano yung mga nangyayaring kaabnormalan sa akin.

'Ano yung mga naaalala ko? Parte ba yon ng nakaraan ko?bakit parang natatakot ako? O hindi naman kaya eh parte ako ng sindikatong pamilya kaya ganon.' 

Diyos ko po! Ang wild ng imagination ko! Sana hindi totoo lahat ng laman ng utak ko ngayon.

Agad naputol ang pag-iisip ko nang makita kong lumabas si tita na may dalang basket. Hinintay ko siyang makalapit sa akin at kinuha ang bitbit niyang basket.

"Tita para saan po itong dala niyo?"tanong ko. Saka siya iginiya sa paglalakad.

"Mamamalengke tayo 'nak. Ubos na kasi yung laman ng ref natin, matakaw ka kase!" Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Hala, hindi naman ako matakaw eh sadyang gutom lang po talaga ako. Grabe ka naman sakin"reklamo ko pa

"Sus, reklamo ka pa. Kurutin kita diyan sa singit eh!" sabi niya kaya agad akong napalayo sakaniya.

"Osiya, halika na't baka abutin pa tayo ng ulan. Dadami ka na naman o kaya'y maging sirena," napairap nalang ako sa mga sinasabi ni tita. Hay nako mga kalokohan talaga niya.

"Maiba po ako. Saan po pala ako mag-aaral? Gusto ko po sa magandang eskwelahan ah."

"Sigurado ka bang gusto mo sa magandang eskwelahan? Okay lang naman sakin basta hindi masyadong mahal yung tuition at  basta gusto mo yung papasukan mo." agad naman akong napaisip sa sinabi niya. Ang ibig sabihin ko sa magandang school ay  yung walang mga bully. Nagkaroon na kasi ako ng trauma noon sa mga bully. Kapag naaalala ko ang mga eksenang iyon ay parang ayoko ng balikan ang pagkabata ko.

"Hoy Arrah! Ibili mo nga ako ng makakain don!"utos sa akin ng aking kamag-aral.

"Ha? May ginagawa pa kasi akong inutos ng teacher natin eh.Sa iba ka nalang magpa-utos."

"Aba umaangal kana ha? Kaya mo na ba ang sarili mo?!" nagulat nalang ako nang bigla niya akong sugurin at sabunutan. Dahil doon ay nabitawan ko ang mga papeles na hawak ko at napasalampak sa sahig dahil sa paghila niya sakin pababa.

"Tama na Beatrice! Maawa ka naman!"daing ko. Agad nagsilapitan ang aming mga kamag-aral. Ngunit sa pag-aakala kong tutulong sila para tumigil si Beatrice ay kabaliktaran ang nangyari. Merong nanunuod lang, nag-chi-cheer, may nakisabunot pa na dumagdag sa hapdi ng anit ko.

"Tama naman na! Ansakit na!"hindi ko napigilang mapaiyak dahil walang awa nila akong sinuntok kung saan- saang parte ng katawan ko. Yung ibang kaibigan ni Beatrice ay pinasasampal yung mukha ko. Habang yung iba ay patuloy sa pagsabunot sa akin. Agad nahagilap ng mga lumuluhang mata ko ang nakangising si Beatrice.

Hindi tumitigil ang panakit nila sa akin. "Tama naman na! Aray ko!"tumama yung ulo ko sa kahoy na lamesa at doon ko naramdaman ang matinding pagkahilo. Ganito na ba talaga kakaiba ang mga elementaryang estudyante? masyadong takaw sa gulo. Asan na ba ang aming mga guro?Naramdaman ko nalang na parang may dumaloy na likido mula sa aking ulo, nang tignan ko ito ay mas lalo akong napaluha--may dugo.. 

Biglang tumahimik ang buong silid na parang may dumaan na anghel.

Nagsialisan ang mga nambugbog sa akin at nakita ko ang isang lalaki na palagay ko ay nasa labing tatlong taong gulang. Tinignan niya ako ng may galit sa kaniyang mata. Bakit? nagagalit ba siya dahil ako ang dahilan ng gulo?

"Who did this to her?"tanong niya na puno ng awtoridad ang boses. Wala ni isang nagsalita sa aking mga kamag-aral. Sino ba kasi siya ? Bakit parang lahat sila takot sakaniya?Atsaka bakit siya napunta dito ang pagkakalam ko nasa section 1 siya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at tinignan ng maigi ang itsura ko.

"I'll repeat."nagtitimpi ang kaniyang boses"Who the hell did this to her?!"galit na tanong niya.Walang nagsalita, lahat ay nanatiling tahimik.

Ngumisi siya at biglang ibinaling ang tingin sa akin. "Who did this to you?" nagulat ako sa biglaang tanong niya sa akin. Ayokong magsalita dahil baka ang mga kaklase ko ang mapahamak.

Iniwas ko nalang ang tingin ko sakaniya at pasimpleng tumingin kila Beatrice.

"It's Beatrice huh?"nagulat ako ng malaman niya iyon. Inalalayan niya akong makatayo at inalalayang makalakad. Huminto kami sa bukana ng pinto.

"Huling babala mo na ito Beatrice. At sainyong lahat na nanakit sakaniya ay may matatanggap kayong kaparusahan. Pinapangako ko na hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko sainyo."huling sabi niya at doon na ako nawalan ng ulirat.

Hindi ko mapigilang magalit sa tuwing naalalako ang ipinaranas sa akin ng aking mga kaklase  noong ako ay elementarya pa lang. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang pangalan ng lalaking yun dahil hindi ko pa siya napapasalamatan mula noong araw na iligtas niya ako kila Beatrice. Nang magising kasi ako ay agad ko siyang hinagilap para pasalamatan,pero ang sabi ng mga kakalase niya lumipat na daw siya ng school. Kaya yun hanggang alaala nalang ako.

Kung sino man siya laking pasasalamat ko sakaniya dahil tinulungan niya ko noon. Bihira nalang kaya yung mga lalaking tumutulong sa babae. Minsan kasi sila pa yung madalas na mang-asar eh. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit niya ako tinulungan at pinagbantaan niya pa sila Beatrice. Napadaan lang ba siya sa room o nandoon na talaga siya nun? Hayy, hayaan na nga. Dapat hindi muna ako masyadong nag-iisip baka sumakit nanaman yung ulo ko.

Buti nalang nakta ko si manong na nagtitinda ng ice cream kaya bawas pag-iisip na rin. 

"Tita may ice cream po dun oh! Bili mo na po ako please!"pangungulit ko sakaniya nang may nakita akong nagtitinda ng paborito kong sorbetes. Nakita kong napangiti si tita sa inasal ko kaya agad ko siyang hinila sa mamang nagtitinda.

"Magandang araw po manong! May vanilla pa po ba tayo diyan?"tanong ko at sinilip ang mga lalagyanan niya. 'Nako sana naman meron pa'

"Oh eto iha!"tuwang-tuwa ako nang bibinigay sa akin ni manong ang ice cream. Agad kong kinalabit si tita. "Ta, bayaran mo na po"

Kumuha siya ng barya sa kaniyang bulsa at inabot kay manong.

"Halika na pumunta na tayo ng grocery. Baka mamaya eh abutin pa tayo ng ulan."Tumango nalang ako kay tita at naglakad na kami para humanap ng masasakyan.

#############

Hey GUYS? Thanks for continue reading this story. Eventough, there are many TYPOS and ERRORS.

Votes and Comments are also highly appreciated!

-HYPEbhes





The Lost HeirWhere stories live. Discover now