Guns...
Knives..
Blood flowing...
What are those scenes? Agad akong napahawak sa ulo ko nang bigla nanamang kumirot ito. Im enduring this pain for almost two weeks. God! Im tired pretending that i'm okay. Ano ba yung mga nakikita kong eksena na iyon? bakit sa tuwing may pinipilit akong maalala bigla nalang lumalabas ang mga eksenang yon? parte pa rin ba yon ng nakaraan ko? Kailan ba titigil to?
"Hoy Arrah! Ano nanaman ang inaarte mo diyan ha?!"sigaw sa akin ng tiyahin ko
Napangiwi naman ako sa biglaang pagsigaw niya. Kahit kailan ba hindi ito marunong magtanong ng hindi nakasigaw?
"Tita, I'm just.."agad akong nag-isip ng magandang dahilan"..trying to remember kung may nakalimutan ba akong mga gawain." agad na depensa ko
"Aba siguraduhin mo lang bata ka ha! Akala mo ba? Ilang araw na kaya kitang nakikita na parang tuod diyang laging nakahawak sa ulo mo. May masakit ba sayo? Magsasabi ka ha! Baka makita nalang kita na nangingisay na diyan!" walang tigil na litanya niya sa akin.
She's my armalited mouth aunt. Mula bata ako'y siya na ang nag-alaga sa akin. Mabait yun di lang talaga halata. Ang sabi niya iniwan daw ako ng mga magulang ko sakaniya noong pitong taong gulang pa lamang ako. Nakatira lang kami ngayon sa bahay na hindi man kalakihan ay malinis naman kung tignan. Tinanong ko kay Tita kung kaano-ano ko siya ang sabi niya malalaman ko rin sa tamang panahon. Daming alam eh no?--
"Hoy bata! kinakausap kita! Anong iniisip mo diyan ha? May nobyo ka no?Ano?Ano?"sigaw niya sakin at talagang nilapit pa ang mukha niya na parang nang-uusisa.Kung anu-ano talaga ang laman ng utak ng tita ko. Ang wild ng imagination!
"Wala po akong boyfriend tita! Naku, nag-aaral nga po ako ng mabuti eh."agad na sabi ko sabay pakita ng alanganing ngiti.
Pinameywangan naman niya ako at piningot ang tenga ko.
"Aray naman tiyang! Wala namang ganyanan nagsasabi lang naman ako ng totoo."Diyos ko! Matatanggal na ata tenga ko! Hindi niya pinansin ang daing ko at kinaladkad sa aking kwarto. Pagdating namin doon ay saka niya lang binitawan ang tenga ko at tinignan ako ng seryoso.
"Arrah. Mag-usap nga tayo ng seryoso. Ako hindi kita pinag-aaral para magbulastog lang ha? Hindi ako nagpapakahirap na magtinda ng kung anu-ano para lang may maipangbaon ka. Kaya pagbutihin mo ang pag-aaral mo. Ayokong makita kita na balang araw eh mas mahirap ka pa sa daga."saglit siyang huminto at ibinaling ang tingin sa picture frame na nasa itaas ng tukador ko.Hinawakan niya ito at nakangiting tinitigan.
"Alam mo ba noong bata ka pa, hinahangaan ka na ng lahat dito sa ating lugar. Ang ganda mo kasi noong bata ka eh. Sabi ko pa nga sa sarili ko noon, lalong gaganda ang batang ito kapag laki at iaahon ako nito sa hirap. Na balang araw makakasakay din ako sa kotse, magkakaroon ng marangyang bahay, at hindi ko na kailangang magpakahirap sa pagtitinda para lang may pangkain."
Hindi ako nakaimik sa mga sinabi ng tita ko. Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan siyang nakatingin sa larawan kong hawak niya. Hindi naman niya kailangang sabihin ang mga bagay na yun eh. Dahil una palang yun na ang plano ko. Gusto kong masuklian ang mga kabutihang nagawa sa akin ng tita ko kahit hindi niya naman ako kadugo.Nakangiti ko siyang hinarap nang may saya sa aking mga mata.
Agad ko siyang nilapitan at kinuha ang hawak niyang litrato.
"Wag kang mag-alala tita, magtatapos po ako ng pag-aaral at magkakaroon tayo ng marangyang buhay. Hindi ako tutulad sa ibang kagaya ko na lumihis ng landas at pinili ang mahirap na buhay,"hindi ko na napigilang mapaiyak"Salamat po sa araw-araw na pagsubaybay niyo sakin. Kahit minsan minumura niyo ako, pinapagalitan,sinasabihan ng masasakit na salita at kahit na minsan nagsasawa ka na sakin. Walang makakahadlang sakin para maabot ko ang mga pangarap mo para sakin. "mahabang sabi ko at inakbayan si tita.
"Sigurado ka diyan sa sinabi mo Arrah ?"sabi niya at kinurot pa ako sa tagiliran.
"Opo naman tita. Nadala kasi ako sa mga sinabi niyo eh.Tignan niyo nga oh napaiyak niyo pa ako.Naku, tita ko talaga..."pinahid ko ang luhang dumaloy nanaman sa pisngi ko,"maganda." dugtong ko pa.
Saglit na namayani ang katahimikan.
Nagkatinginan kami ni tsaka sabay na natawa.
###
Hey readers! Thanks for reading this story. I really appreciate that. Votes and comments are highly accepted. And,
Many typos and wrong grammars. So guys, just Read at your own Risk.
-HYPEbhes

YOU ARE READING
The Lost Heir
De TodoArrah Imperial is just a simple girl with a big dream when it comes to life. She's smart.. She's gorgeous.. She's undefeatable.. She is every man's dream.. In other words, SHE IS PERFECT. But, despite all these facts about her is the past keeps on h...