"Tita, bili naman po tayo ng chocolate dun! Sige na po! "ngawa ko habang tinutulak ang push cart. Pano ba naman kase pang sampung beses ko na ata sinabi yan kay Tita iling lang siya ng iling.
"Hindi nga pwede eh, next time nalang nga . Ang kulit mo namang bata ka. Magtigil ka nga sa pagmamaktol mo diyan nakakahiya sa mga tao oh! Naku! Dalaga ka na ganyan ka pa rin. Napaka isip bata."naiiritang saway sakin ni tita.
"Eh kasi naman po eh! ilang beses na po tayo pumunta dito hindi niyo pa rin po ako binibilhan. Nagtatampo na po ako ha!"
" O edi magtampo ka!"sigaw ni tita
Hmp! Hindi naman talaga ako galit eh. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niya akong bilhan. Syempre marami kaming gastusin, hindi pa sapat yung kinikita ni tita para sa pangkain namin. Tapos sa susunod na buwan start na ng pasukan. Saan naman kami kukuha ng pang tuition ko? Ang hirap naman ng buhay! Kung sana lang mayaman kami eh kaso hindi. Iniisip ko ngang kumuha ng part time job pero si tita lang talaga ang may ayaw. Hayy, ayoko na laging nakaupo sa bahay. Naawa na nga ako kay tita minsan pag umuuwi parang nanggaling sa matinding gera. Kung hindi pagod na pagod tulog naman agad kapag uwi. Hindi na nga siya nakakakain minsan eh, nung nagsabi naman ako sakaniya na may nag alok sakin ng part time job bigla nalang niya akong binatukan at sinabihang baka illegal yung ipapatrabaho sakin. Oh diba? Advance mag-isip si tita!
Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko hindi ko namalayan na may nakabangga na pala ako.
"Watch where you going!"Aba english speaking si kuya."Stupid"
What? Stupid daw? Aba kahit mukha akong ewan nakakaintindi pa rin ako ng english no! Inangat ko ang ulo ko only to see na ang gwapo ng nakabangga ko! Relax Arrah, alalahanin mo sinabihan ka niyang stupid
"Hoy ikaw! Sino ang sinasabihan mo ng stupid ha?!" Sigaw ko sakaniya. Nako, buti nalang talaga nahiwalay ako kay tita kundi babatukan ako nun dahil nakikipag away ako. Nakita ko siyang napakunot-noo at tinitigan ako. Kinunutan ko rin siya ng noo at pinameywangan. Aba! Di ako papatalo sa poging to ha! Suntukan pa kame eh. De joke.
"Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo that's why you're stupid." Walang emosyon niyang sabi habang tinutuloy ang pagkuha sa shelf.
"Ikaw yung stupid! Alam mo naman palang hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko hindi mo pa ko iniwasan" gatol ko
He smirked. Owkey? Para saan yun mga bes?
"I'm not the one who'll gonna move or adjust. See this handsome face of mine?"
Aba yabang neto ah! Handsome face daw?
"Oh eh ano naman kinalaman ng kapogian mo kuno?"
"Every girl will give a way just to please me. Got that?"
"Well mister. FYI lang ha! Hindi ako ganung babae at isa pa hindi nga ako nakatingin sa dinadaanan ko diba? So panu kita mabibigyan ng daan ha?!" Galit na sigaw ko. Nabubwisit nako sa kayabangan niya eh! Wala akong pake kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. E sa nakakainis eh!
"Anu ba yan bakit niya inaaway si pogi?"
"Uy tignan mo bes oh! Ampogi ni kua!"
"Naku, away mag jowa lang yan. Mga kabataan talaga." Wtf?
"Pakasalan mo na ineng para di ka iwan!" Tae na talaga.
Nanlalaki ang mata kong hinarap ulit siya. Nakita ko siyang nakangisi nanaman na parang tuwang-tuwa pa sa mga narinig niya.
"Why don't you just say sorry to end this?" Ha! At ako pa talaga ang magso-sorry? Ang kapal niya talaga.
"Wow man! Away nanaman?" May isang lalaking sumulpot sa likod niya.
Isa nanamang POGI mga kapamilya.
Sinilip niya ako at tinignan mula ulo hanggang paa. Ngumisi siya. Bakit ba andaming ngumingisi ngayon?"I didn't know na pati sa babae nakikipag-away ka. Matanong ko lang pre, Bakla ka ba?" Ok. He hit the ego.
Sinamaan siya ng tingin ng lalaking nakaaway ko at binatukan siya. Napangiwi ako dahil muntik ng makipaghalikan sa sahig si Pogi 2 eh.
Since na-divert naman na yung atensyon niya tumalikod na ko at nagsimulang maglakad para hanapin si tita. Hindi ko naman kailangang mag-sorry sakaniya eh! Sa ganyan kayabang na tao? Never akong magso-sorry no!---
"Where do you think you're going?" Hindi pa ako masyadong nakakalayo nang may humila ng damit ko.
Hinila niya ako paharap only to see his annoying face. Funny. Mukha siyang inagawan ng laruan.
"Ano nanaman kailangan mo?" Iritang tanong ko at inalis ang pagkakahawak niya sa damit ko.
"Hindi ka manlang ba magso-sorry?" Ako naman ang napangisi ngayon.
"Bakit ko naman gagawin yun?" Pang-aasar ko
Napahilot siya sa sentido niya at tinalikuran ako.
"Haha! Ang galing mo miss! Hands up ako sayo!" Sabi nung kasama niya.
Hindi ako magpapatalo no! Sa ganyan kayabang? Ha! Suntukan nalang.
Umalis na ko dun, sakto nakasalubong ko si tita na palabas ng grocery. Tinulungan ko siyang magbitbit ng mga dala niya pero wrong move ata yung ginawa ko kase bigla niya akong binatukan.
Luh?
"Hoy ikaw bata ka! Mamili ka naman ng binabangga mo! E galing sa mayamang pamilya yun halata naman. Baka mamaya diyan ipakulong ka nun. Aba! Wala tayong pangsintensya! Ikaw talaga! Ang hilig mo sa away!"
"Kanina ka pa diyan tita?" Imbis na intindihin ko yung sakit ng pagkakabatok niya sakin eh yun ang naitanong ko.
"Hindi ah! Napapadaan lang ako kanina tapos nakita kitang nakikipag sagutan dun. Hinayaan nalang kita alam ko namang di ka papaawat eh!"Hehe. Iba talaga takbo ng utak ng tita ko. Una baka ipakulong daw ako nun, bakit naman ako ipapakulong nun? Ano siya bakla? Simpleng away lang naman yun eh. Oh well. Oo nga pala nasabihan din siya ng bakla kanina. My bad.
Pangalawa, hindi daw ako magpapaawat? Partly true. Pero magpapaawat naman ako pag si tita na eh. Love ko kaya yan.
"Tara na, humanap na tayo ng masasakyan at gabi na oh."
Tumango nalang ako at nagpatiuna sa pagalakad.
Pumara ako ng jeep at dun kami sumakay. Pinauna ko si tita na makapasok.
Ansikip talaga kapag jeep. Parang wala na nga kaming maupuan dito halos ikandong nako ni tita kawawa naman.
After 30 minutes nakauwi na kami.
Dumiretso sa kusina si tita habang ako ay nagpaalam na aakyat sa kwarto ko para magpalit ng damit.
Binuksan ko ang pintuan. Dark room welcomed me. Kinapa ko ang switch ng ilaw only to see na ang kalat ng kwarto ko.
Teka anong nangyare? Bakit parang hinalughog tong kwarto ko?! Nakita kong nakabukas ang bintana. Agad akong tumakbo sa pintuan at ni-lock iyon. Baka makita pa ni tita ang nangyari sa kwarto ko, mag panic pa yun.
Dumiretso ako sa bintana at hinawi ang kurtina. May nakita akong sulat na naka pana. Teka, baka kay robinhood to galing? Takte, ang wild nanaman ng imagination ko. Ganito na nga yung sitwasyon nagawa ko pang magbiro. Tinanggal ko ang bala ng pana at kinuha ang sulat. Sinarado ko rin ang bintana.
Tinitigan ko ang bala ng pana at napansing may nakasulat sa dulong parte nito.
'Zaharrah Empire'
Zaharrah Empire? Anong ibig sabihin nun?
Tinignan ko naman ang sulat at binasa kung ano ang nakasulat dun.
"We're gonna play hide and seek princess. You must hide. Because the seekers are about to come."
YOU ARE READING
The Lost Heir
RandomArrah Imperial is just a simple girl with a big dream when it comes to life. She's smart.. She's gorgeous.. She's undefeatable.. She is every man's dream.. In other words, SHE IS PERFECT. But, despite all these facts about her is the past keeps on h...