CHAPTER 4

6 2 0
                                    

"Arrah, run as fast as you can alright?mommy and daddy will take care of this mess.Don't look back. " Sabi ng magandang ginang sa batang babae

Tumango ang batang babae at dahan-dahang tumakbo nang hindi lumilingon gaya ng sinabi nung ginang. Tumakbo siya hanggang sa makarating siya sa gitna ng kalsada. Huminto siya na parang napapaisip kung babalik ba siya o hindi.

Naiwan ang mommy at daddy niya sa mansyon. At kita niya mismo sa dalawang inosenteng mata niya na may bahid ng dugo ang kaniyang mga magulang. May mga narinig rin siyang pagsabog at putukan ng baril. Hindi na iba sakaniya kung ano ang kasalukuyang nangyayari dahil alam niya kung ano ang mundong ginagalawan nila. Sa kaniyang murang isipan ay naranasan na niya ito.

Pagsuway man ay tumakbo pa rin siya pabalik ng kanilang mansyon. Takbo siya ng takbo hanggang sa makarating siya sa labas ng kanilang mansyon. Naabutan niya ang mga magulang niya na nakahandusay sa sahig at duguan.

Ang mga luhang kanina pa pinipigilan ng batang babae ay bumagsak mula sa kaniyang mga mata nang makita niya ang kalunos-lunos na kalagayan ng kaniyang mga magulang.

"What happened mom? Dad?" Tanong niya na garalgal ang boses. Nabuhayan siya ng loob nang makita na her dad opened his eyes and smiled at her.

"Didn't your mom said na don't come back?"

"No dad. She just said na don't look back. So I came back."

Her dad laughed. Chocking some blood. Agad siyang nilapitan ng batang babae at dinaluhan.

"You stubborn little girl. Go ahead. We'll be fine here. Just remember that we love you."

Nagulat ang batang babae nang makita na dumilat ang mga mata ng ina niya.

"Mom! Are you okay?! Look, you and dad have many blood! Doctor will come right?" Dire-diretsong sabi ng batang babae habang umiiyak.

"Listen, little lady." Panimula ng mommy niya "I told you to run right? You stubborn girl. What if those bad guys come back? You must leave us here.."

A gunshot fired up.

Nagkatinginan ang mag-asawa at tinulak palayo ang anak nila.

"Now go! They're here!" Sigaw ng daddy niya. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya o magpapaiwan kasama ang mga magulang niya.

May nakita siyang baril sa ilalalim ng itim na sasakyan. Kinuha niya ito at ngumisi..

"Arrah! Gising na! Binabangungot ka!!" Malakas na sigaw ni tita

Napabangon ako agad na hinihingal.
Ano nanaman ba yung napanaginipan ko? Bakit ganun kabrutal? Gawa-gawa  lang ba yun ng imahinasyon ko?

"Bakit ganyan ang itsura mo? Ano ba yung bangungot mo?"

"Wala po ito tita. Hindi lang po siguro ako nakakain kagabi kaya binangungot ako. Oo, tama yun nga yun." Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Tinignan ako ni tita na parang nawiwirduhan sa akin. Mukha nga naman akong tanga.

"Bakit kasi hindi ka kumain kagabi? Pinuntahan kita dito sa kwarto mo pero naka lock."

Oo nga pala. Ni-lock ko yun para hindi makita ni tita kung gaano kagulo yung kwarto ko na parang dinaanan ng bagyo. Magtataka yan eh, masinop ako sa gamit kaya magiging napaka imposible sa kaniya kung makikita niyang ganun yung kwarto ko. Hindi na rin pala ako nakapag hapunan kagabi kasi nakatulog ako. Sayang masarap siguro yung niluto ni tita kagabi. Sa sobrang pag-iisip ko kasi nakatulugan ko na. Gusto ko sanang magtanong sakaniya pero may pumipigil sa akin.

"Nak, na-enroll na pala kita ng school. Gusto mo bang mag-take ng scholarship?" Tanong niya at umupo sa dulo ng kama ko.

Inayos ko ang buhok ko at pinunasan ang mga pawis. Bakit parang ang init?

"Saang school po?" Curious ako kung saang school ako inenroll.

Ngumiti siya at tinuro ang papel na nakakalat sa sahig.

"Sa Davidson ka mag-aaral." Wtf? E ang mahal ng tuition dun eh! Paano nangyari yun?

"Teka.. paano... saan nanggaling.." sa sobrang gulat ko hindi ko na malaman kung ano ang uunahin kkng itatanong. Eh sa nagulat ako eh!

Napatawa si tita sa itsura ko. Aba tinawanan pa ko. Sabagay mukha nga naman akong alien ngayon kasi nanlalaki yung mga mata ko.

Teka hindi kaya.. nagtinda ng ipinagbabawal na gamot si tita? Nagbenta ng kung ano-ano sa bar? Hala! Omigod! Wag naman sana--

Awts! Tae binatukan ako!

"Hoy! Pinag-iisip mo nanaman diyan ha?! Nanlalaki pati ilong mo oh! Akala mo siguro kung saan galing pinambayad ko sa tuition mo no? Baliw ka talaga." Sorry na po. Akala ko kasi talaga eh. "May nagpadala ng sulat dito na iniimbitahan ka daw na mag-enroll dun kalahati lang yung tuition na babayaran. Ang sabi sa sulat kung gusto mo daw na mabawasan pa yung babayaran mag scholar ka. Kung gusto mo lang naman. Alam ko namang matalino ka eh, ikaw pa."

Senior na ko! Sa Davidson University ako mag-aaral! Dream come true. Dear lord, thank you for this opportunity.

"Opo naman po! Mag-a-apply ako para sa scholar para hindi na po kayo mahirapan. Kailan po ba?"

"Sa susunod na linggo daw."

"Sige po. Pupunta ako dun."

"O siya, halika na at mag almusal na tayo. Wala pang laman yang sikmura mo at hindi ka kumain kagabi." Tumango ako sakaniya at sinabing mag-aayos lang ako at bababa nako.

Nauna na si tita palabas ng kwarto kaya tumayo na ako at inayos ang higaan ko.

Pumunta ako sa tukador ko para kumuha ng damit. Black t-shirt at black short. I love black. Sa totoo lang simple lang naman ako manamit. Hindi ako katulad ng ibang teenager na inaabot ng isang oras para lang makapili ng damit. Parang makikipag-date sa tagal kumuha ng damit. Kung ano yung nasa tukador ko edi yun ang susuutin ko. As long as magmumukha akong disente.

Nahagip ng mata ko ang sulat na nakuha ko kagabi.

"We're gonna play hide and seek? Bakit naman ako magtatago? May dapat ba akong takasan?"

Napaisip ako sa nabasa ko. Sa pagkakaalam ko wala naman akong naging atraso kahit kanino. Kaya bakit kailangan kong magtago? Lumaki akong ilag sa lahat kaya napaka imposible na magkaroon ako ng atraso.

The seekers are about to come?

Hay, hayaan na nga makababa na nga lang. Isa pa yung bala ng pana na yun eh. Zaharrah Empire? Ano yun Mafia? Eh hindi naman ako naniniwala sa mga ganun.

Bumaba na ako na iniisip pa rin kung ano ang ibig sabihin ng mga natanggap ko.

Naabutan ko si tita na naghahanda na ng pagkain. Itlog at tuyo pala ang ulam. Ang sharap naman!

"Ansarap pala ng ulam natin 'ta. Tara kain na tayo."

Umupo na ako at sumandok ng kanin at kumuha ng ulam.

"O, hinay hinay lang ha. Hindi ka mauubusan." Natatawang saway sa akin ni tita

"Nagugutom na kasi ako eh."

Nginitian niya ako at sumandok na rin siya.

Agad namanyani ang katahimikan nang magsimula ng kumain. Marami akong gustong itanong pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan.

"Tita, pwede po magtanong?"

"Nagtatanong kana."-_-sabi ko nga.

"Ano po yung Zaharrah Empire?"

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang namutla at nabulunan sa tanong ko.




######
Uhmm. Hi! Una sa lahat, thank you kasi binabasa mo itong story ko! And I'll highly appreciate your VOTES AND COMMENTS. So, don't hesitate to share your thoughts in this story. Keeep reading. 😊😉

-HYPEbhes

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost HeirWhere stories live. Discover now