hoi best!!

3 0 0
                                    

     Oh aking kaibigan bakit ka ganyan??? Hindi porque ako ay isang masiyahin, kalog, at mabait na tao ay aabusohin nyo na ako. Sa mga joke na inyong binibigay ay aking sinasabayan kahit minsan ito ay bellow the belt na. Ang pakiusap ko lang naman sa inyo makiramdam naman sana kayo....... Kahit na lahat ng joke nyo ay aking sinasabayan kahit masakit ay ok lng dahil ayokong mag away pa tayo. Pero dahil sa ok lang sa akin ay uulit ulitin mo ito??? Hoy! di mo ba alam na nakakasakit ka na??? Paano kaya kung sayo ito nangyari makakaya mo kaya ang lahat ng pagpapasensya ko sayo?? Oo masakit pero kaya ko ito tiisin dahil mahal kita bilang isang kaibigan. Mahal kita kahit na ako ay iyong nasasaktan. Pero ang isang hiling ko lang sayo ay makiramdam ka naman best intindihin mo naman lahat ng jokes na sinasabi mo kung nakakasakit ka na ba, baka ang akala mong joke na sinabi mo ay joke lang sayo pero sa iba ito ay pa prangka na pala. Best makiramdam ka naman kahit konti.
       Nasunod nanaman ng ilang masasakit na joke ang lumabas sa iyong bibig. Ang tanong sa aking isipan kelan ka kaya magbabago?? Kelan ka kaya makikiramdam sa ibang damdamin. Kelan ka kaya hihinto sa mga joke mo na nakakapagpasakit sa damdamin ng iba?? Oh aking kaibigan kelan kaya matutupad ang munting hiling ko sayo??? Sana Hindi  pa huli ang lahat sayo na magbago at maging sensitibo sa ibang damdamin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

poetryWhere stories live. Discover now