Hanggang kaibigan na lang ba talaga??
Hanggang dito na lang ba ang aking halaga sa iyong buhay??
Na pag kailangan mo ng karamay nandyan na ako agad??
Na kahit palihim akong nasasaktan pag ika'y aking nakikita na may kasamang iba??
Siguro nga ang tanga ko, ang tanga ko dahil kahit alam ko na hanggang dito na lang tayo umaasa parin ako na iyong mapansin.
Na iyong mapansin ang aking damdamin na para sa iyo lamang. Na kahit ilan pang lalake ang aking nakasamaat naiwan din sa pagiging kaibigan ko... dahil ikaw, ikaw lang ang nilalaman ng aking puso at isipan. Na ikaw lang ang gustong makasama pang habang buhay. Oo ang tanga ko dahil hanggang paramdam lang ako at hindi ko ito masabi sa iyo ng harapan. Na hindi ko masabi ang aking nararamdaman. Na kahit ilang beses ko iparamdam sayo na mahal kita... Kaso manhid ka e.. Wala na akong magagawa dun kundi ang manatili na lang sa iyong tabi na nagbabakasakaling na ako'y iyong mapansin.... at hinihiling na ako'y iyong lingonin na hindi bilang isang kaibigan na nandyan lagi sa iyong tabi pag kailangan mo ng masasandalan. Oo akala mo kaibigan lang kita pero ang totoo mahal kita hindi bilang isang kaibigan ngunit bilang isang taong mahalaga sa akin na kahit kailan hindi ko makakayanan na ika'y mawala sa aking piling...
Hanggang dito na lang ba tayo??
Kailangan ko na ba itigil itong aking nararamdaman sa iyo at ibaling na lang sa iba?? Hanggang dito na lang ba?? Wala na ba talaga tayong pag asa na maging tayo?? Kung hanggang dito na nga lang talaga.... Mahal paalam na... kahit hindi mo alam na mahal kita kahit na ang akala mo ay hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo pero hinde. Paalam na sa sawi kong puso na kahit kailan hindi mo pinansin. Hinihiling ko na maging masaya ka sa taong makakasama mo panghabang buhay kahit na hindi ako iyon. At ako naman ay aalis na sa iyong tabi at mag momove on sa mcdo.... na bakasakaling may makapansin sa aking nararamdaman at makahanap ng ibang mamahalin na kaya ring suklian ang aking pagmamahal. Alam ko ito ay magiging mahirap dahil sa tagal nating nagkasama at sa mga magandang memorya na ating pinagsamahan ito ay mananatili na lang isang ala ala na hindi na nating mababalikan dahil hindi natin kayang bumalik sa nakaraan pero kailangan nating gawin ito sa kasalukuyan hanggang sa gumanda ang ating kinabukasan. Mahal hanggang dito na lang mahal na mahal kita ngunit kailangan na kitang pakawalan para sa iyong ikaliligaya at para sa ating ikabubuti.
Paalam na......
YOU ARE READING
poetry
OverigRandom poet lang po ito PS:ito po ay nilikha lamang po ng magulo Kong utak pasensya na run po sa wrong typos po... Thank you sa pag consider