SKY POV
(A/N: guys, nung kahapon yung pag visit ni quen at kane kay sky. Tapos ngayun naman yung pagsabi ni sky kay zia na si quen ang gf ni kane. Kaya nung time na naghihintay si kane ky quen , dun nalaman ni zia na magkasama sila.- sorry if magulo hehe, intindihin na lang po ninyo)
Ang gulo gulo ng isipan ko. Di ko alam kung bakit ko nararamdaman ang mga to. Anu ba ang ibig sabihin ng lahat ng to. Sabe ng doctor ko may amnesia daw ako pero lahat naman naaalala ko pero pakiramdam ko hindi ako kompleto, yung pakiramdam na parang may nagbago o prang may kulang sayo? Tama nga ba ang pinaniniwalaan ko sa mga naaalala ko o isang malaking kasinungalingan lang ang mga to? Diba dapat masaya ako pero hindi eh. Si zia lang ang nagiisang taong nagpapasaya saken pero nung Makita ko siya parang wala lang, walang spark, walang excitement as in wala akong naramdaman na kahit ano. Yung babae na girlfriend ni kane, bakit nila tinatanong kung bakit di ko siya kilala, bakit parang nasaktan ako nung tinanong niya kung bakit di ko siya nakikilala, bakit parang gumuho mundo ko nung nakita kong pumatak ang luha niya, bakit parang pakiramdam ko bahagi siya ng buhay ko, parang isa siyang isang babasagin at mamahaling gamit na kailangang ingatan?
"babe, are you listening to me?" nagbalik na pala si zia, di ko man lang napansin dahil sa mga deep thought ko.
"sorry babe. By the way akala ko ba sasamahan mo ako ditto kagabe? Di ka na bumalik ah.?" as I hug her pero di niya ako hinug back
"sorry babe. May importante lang akong ginawa. Don't worry sasamahan kita maghapon"
"promise? Nga pala Di rin kita macontact kasi iba yung number ng babe ko ditto sa phone ko. Did you change it"
"promised. Baka naman pinalitan mo babe?"
"no. why would i?"
"eh sino? Si yaya ali? Do you want me to ask her?"
"no need. Di niya rin ako pinapansin eh"
"huh? Bakit naman? Siguro dahil napagalitan kay grandpa panu ba naman kasi siya ang nagaalaga sayo, di ka man lang mabantayan ng maayos"
"siguro nga babe."
"gusto mo kausapin ko siya?"
"no need babe. Syaka nga pala babe sabe saken ng doc ko first time ka lang daw niya nakita. Ibang babae daw yung kasama ni yaya na nagbantay saken. Nasan ka ba nung naaksidente at nasa operasyon ako babe?"
"kalalaman ko lang kasi babe na na-aksidente ka nung natapos na yung opera mo, sorry babe"
"di ka ba tinawagan ni yaya ali? Eh sino yung kasama niya na nagbantay saken?"
"tinawagan babe pero yun nga after operation na niya ako na inform. Siguro new maid niyo babe"
"ah ok"
"nga pala babe bakit Parang ang lalim ng iniisip mo kanina, anu ba yun? Mind if you share?"
"ah wala babe. May naaalala lang"
"anu yun"
"wala."
"sabihin mo na kasi babe, cge ka magagalit ako sayo?"
"Is that a threat babe?" magwawalk out na sana siya kaso I grab her hand and hug her.
Bakit ganun, sa pagkakatanda ko ayaw na ayaw ko siyang nagagalit especially to me pero ngayon parang wala lang.
"sorry babe. Sige sasabihin ko na. kilala mo ba yung girlfriend ni kane?"
"girlfriend ni kane? Sino? Wala siyang girlfriend sky"