SKY POV
Andito ngayon ako sa mall, sinamahan ko si Zia mag mall pero sinabi ko na hihintayin ko na lang siya ditto sa garden ng mall. Pagkatapos ng ilang minute may umupo sa kabilang side ng garden na parang pamilyar siya, yung damdamin ko parang gusto ko siyang lapitan. Kaya tumayo na ako at pupuntahan ko siya ng Makita kong tatayo na siya kaya umupo ako sa tabi niya agad.
"hi quen. Sorry kung nagulat ka. Pwede ba makiupo sa tabi mo"
"nakaupo ka na eh."
"hehe oo nga no. kamusta na kayo ng boyfriend mo?"
"Si kane? hindi ko naman boyfriend si kane. Kaibigan ko lang siya. Ang boyfriend ko, ayun di ako maalala, yung ex niya ang naaalala niya. Maskit pero wala ako magagwa" aray naman
"akala ko ba bf mo si kane?"
"hindi. Kaibigan ko lang siya"
"ganun ba"
At tumonog yung cp niya.
"Pasensya na sa nangyare nun sa hospital" sabe ko
"kalimutan na natin yun" pero bakit ang lungkot niya. Bakit pag lage ko siyang nakikita eh ang lungkot niya.
"okay."
"pasensya na sky. Hinahanap na kasi nila ako. I need to go."
"okay, thank you sa time"
"sure" at umalis na siya
Nang umalis siya, sinundan ko siya sa labas ng may isang magarang kotse ang kaniyang sinakyan at pinagbuksan pa nila ito. Sino naman kaya mga yun? Eh wala namang bodyguard si kane?
QUEN POV
Nauna na akong umalis. Baka kasi hindi ko macontrol sarili ko.
Pagkalabas ko nandun na pala sit ay rino
@the company
"hello ma, pa sorry late ako."
"its okay dear"mama
After an hour pinakilala nila saken lahat ng mga empleyado nila mama at papa. Pero hindi nila sinabi na ako yung anak nila.
5 pm na nung matapos kami.
Nang makuwi kami ramdam naming yung pagod namin kaya nagsipahinga muna kami.
8pm na nung gisingin nila ako para kumain.
Pagkatapos kung kumain pumunta ako sa kwarto para kunin ang phone ko at nang di ako makatulog pumunta ako ng library.
Nang makahanap ako ng magandang pwesto pinatay ko na ang cp ko.
Umiiyak ako sa isang sulok. Pinangako ko na pag dumating ako ng London airport yun na ang simula ng bago kong buhay. Kakalimutan ko siya at sa pagbabalik ko, ipaparamdam ko sa kaniya ang pakiramdam na kinalimutan. Ito na ang huling beses na iiyak ako para sa kaniya.
Pagkatapos ng 30 minuto ay nakarinig ako ng mga padyak ng paa galling sa labas. Hinayaan ko na muna at Nagstay pa ako ditto nang matagal hanggang di ko na namalayan sa pagod ng pagiiyak ko kaya nakatulog ako.
SENYORA SCARLET POV
"love, puntahan ko lang si snow"
"sure love"
Papunta palang ako sa kwarto niya ng hindi mapakali si lora na naghihintay sa labas ng kwarto ni snow
"lora what happened?"
"maam nawawala po si snow"
"what? Sinearch niyo na ba yung cr niya? Sa kitchen? Sa closet niya?"
"opo senyora. Pero wala siya."
"edi ba pumasok siya sa kwarto niya kanina after dinner?"
"opo senyora"
"yung mga gamit niya? Kinuha ba niya?"
"hindi po senyora, yung phone lang po niya ang kinuha niya"
"kunin mo yung phone ko at tatawagan natin siya"
"nakapatay po yung phone niya senyora"
"papuntahin mo ditto lahat sila. Imposibleng wala ni isa sa kanila ang nakakita kay snow."
"opo senyora"
Pagkatapos nun umalis na ako para puntahan si victor. At sinabi ko na sa kaniya na nawawala si snow
"ano? Tawagan mo si kane love, baka nagpasundo sa kaniya si snow, tsaka baka low batt lang talaga yung cp niya love. Kalma lang love" sabe ni victor.
Paanu ako kakalma. Ngayon na nahanap ko na si snow tapos isang araw bigla na lang ulit siya mawawala samen?
"hindi ko kayang kumalma love, naaalala ko yung araw na nawala saten si snow, ngayon at bumalik na siya di ko makakaya na mawalay ulit siya saten"
"wag ka magalala love. Mahahanap natin siya. Kaya nga tayo pupunta ng London to start a new beginning na kasama natin ang anak natin."
"ok love."
"sige tatawagan ko na muna si kane"
SENYORITO VICTOR POV
CONVO loudspeaker
"good evening hijo"
"good evening din po tito, napatawag po kayo?"
"nasan ka ngayon hijo?"
"nasa bahay po tito, bakit po?"
"hindi mo ba kasama si snow?"
"si quen po? Hindi po eh. Di ko pa po siya nakikita ngayong araw tito. Bakit po?"
"ah sige hijo, pasensya sa storbo"
"ayos lang po tito. Bakit, may nangyare po ba kay quen?"
"nawawala kasi siya matapos kami kumain ng dinner. Kinuha niya phone niya pero ewan ko kung pinatay niya o low batt. Akala naming kasama mo siya"
"sige po tito, pupunta na po ako jan, tutulong sa paghahanap."
"oh sige hijo. Magingat sa pamamaneho ah"
CALL ENDED
"ngayon mo sabihin saken love na kakalma ako? Paanu ako kakalma?"
"baka naman nagpadrive si snow love, kaya halika na puntahan na natin sila"
At pumunta kami sa sala kung saan andun lahat ng mga trabahador ditto sa mansion
"lora, tignan mo nga kung sino ang wala?"
"senyor, lahat po kami kompleto"
"love, panu yan kumpleto sila. Paanu kung may dumokot sa kaniya sa kwarto niya. Tapos nakuha nga niya yung cp niya kaso nakita nung kidnapper kaya ito binasag"
"love, wag ka ngang magisip ng ganyan"
"paanu ako hindi magiisip ng ganun love eh nawawala ang anak natin, at sa ganun ding paraan kaya siya nawala satin"
"lora, tumawag ka nang pulis"
At dumating na si kane