KANE POV
"salamat naman hijo at dumating ka" si lora
"nahanap niyo na po ba si quen?"
"hindi pa eh, pinapasabe nga nila senyor na tatawag daw ako ng pulis."
"nay lora, pwde po bang Makita yung main ng cctv niyo? Tinignan niyo na po ba dun?"
"oo tinignan na nila, pero wala sa cctv na umalis siya ng mansion. hindi makakalabas ng bahay si quen ng walang nakakakita sa kaniya. Pinalibutan ng cctv ang bahay nato, sa lahat ng gate may guard. Sa lahat ng pinto may maid kaya imposibleng makaalis siya ditto ng walang nakakakita sa kaniya"
At dumating sina senyor at senyora
"oh hijo andito ka na pala."
"magandang gabi po tito at tita"
"ganun din sayo hijo"
"tito tita, nay lora baka naman po hindi talaga siya umalis. Baka nandito lang siya sa mansion. May problema kasi si quen, baka hindi talaga siya umalis baka naghanap lang siya ng matataguan para mailabas ang lungkot niya"
"tama ka hijo, naikwento nga saken ni snow about sa bf niya. Pero saan naman siya magtatago? Eh sa lahat ng pinto ditto sa mansion ay may maid" senyora
"yun nga din po ang sinabi ko senyora" nay lora
"lora natawagan mo na ba mga pulis?" senyor
"hindi pa po senyor, tatawagin ko palang po"
"wag na muna, sabihin mo sa mga guard na bantayan ang lahat ng gate, sabihin mo sa mga bodyguard hanapin sa lahat ng sulok ng mansion na to sa labas at sabihin niyo din po sa mga maid na hanapin sa buong sulok sa loob ng mansion si snow"
" masusunod senyor"
Ng makaalis si nay lora kinausap ko sila tito at tita
"wala po ba kayong alam na lugar ditto sa loob ng mansion po na pwedeng pagtaguhan na walang nakabantay?"
"actually may tatlong room ditto sa mansion na walang bantay"
"anung mga room po yun tita?"
"sa laundry, sa storage at sa library"
"ganito na lang po, tito kaw na lang ang pumunta sa storage si tita sa laundry at ako na po sa library"
" oh sige hijo"
Nang makapasok ako sa library, hindi ko binuksan ang ilaw kundi ang flashlight ng cp ko. Hinanap ko siya sa lahat ng sulok pero nabigo ako ng di ko Makita ang anino ni quen. Palabas na sana ako ng may marinig akong nahulog. Pinuntahan ko ang sulok na yun agad at nakita ko nga si quen na basang basa na ng pawis na walang malay
Binuhat ko siya at napagtantong yung cp pala niya ang nahulog. At kahit na sino hindi siya mahahanap sa lugar na to, likod kasi siya ng bookshelf. As in walang makakahanap sa kaniya kaya nagpapasalamat ako sa cp niya.
Binuhat ko na siya at pinahiga sa kwarto niya
"nahanap mo na ba siya hijo, wala kasi siya sa laundry pati rin sa storage eh" si tito
"opo. Pinahiga ko na po siya sa kwarto niya."
"maraming salamat hijo"
"walang anuman po. Sige mauuna na ako, dadalaw na lang po ako ditto bukas ng maaga"
"sige hijo magiingat ka."
"mauna na po ako"
"teka lang hijo, san mo siya nahanap?" si tita