WHOWILLITBE-ELEVEN:MEMORY LOST

1 0 0
                                    


habang naghahantay kay kane. Nakita ko si yaya ali

"yaya ali, musta na po"

"ayos lang. ikaw?"

"eto ho, nahihirapan sa sitwasyon namin ni sky. Buti nga anjan si kane parati saken"

"buti naman"

"ikaw yaya. Kasama mo ba si zia sa pagbabantay kay sky"

"oo. Nga pala. Binantaan niya ako na wag na wag ko daw sasabihin kay sky ang tungkol sayo"

"grabe din yung babaeng yun. Hayaan niyo na lang po nay. Hindi naman po pang habang buhay na magkaka amnesia si sky, malalaman at malalaman din po niya"

"kaya nga eh. Nagaalala ako sayo hija."

"wag po kayong mag alala saken yaya kaya ko po ang sarili ko"

"buti naman"

"yaya pwd ba habang di ako naaalala ni sky, pwd kaw muna tumingin sa kaniya, wag mong papabayaan na si zia lang ang nag aalaga sa kaniya. Sigurado ako gagawa at gagawa si zia ng paraan para di na ako maalala ni sky. Please yaya ipangako mo saken"

"wag kang magalala hija. Oh anjan na pala yung kasama mo"

"hello po yaya ali, musta po kayo"pagbati ni kane kay yaya

"ayos lang naman hijo, ikaw?"

"ayos na ayos ya. Tara na quen"

"oh sige, magiingat kayo huh" at napaiyak si yaya

"tama na yang iyak ya. Magkikita pa po tayo, manalig tayo kay papa god nasana malapit na niyang ibalik satin si sky"

"sana nga hija. Oh sige magiingat kayo, balik na rin ako sa loob"

At bumalik na sa loob si yaya

YAYA ALI POV

Miss na miss ko na si quen, napakabait niyang bata.

Kelangan ng malaman ni sky ang tottoo.

"oh ya, san ka nagpunta? Bakit ngayon ka lang?"

Di ko sinagot yung tanong niya

"nasan ang nobya mo sky. Kelangan ko siyang makausap"

"sa cr po ya, katukin mo na lang" at kinatok ko yung pintuan. At lumabas si zia

"oh yaya, kaw ba yung kumatok"

"oo ako nga, kelangan nating mag usap"

"anung paguusapan natin"pero nagaalala na siya kasi nasa harap namin si sky pero nanunuod siya ng tv

"tungkol lang naman yung mga sinabi mo saken kanina"

"anung tungkol sa kanina yun yaya?"sabe ni sky

"wala yun babe,. Yaya pwede sa labas na tayo magusap, naiistorbo na natin si babe ko sky sa panunuod".

At kinaladkad niya ako papunta sa labas

"now talk."

"di na ako papayag na pansamantalahan mo ang pagka amnesia ni sky."

"pinagsasasabi mo"

"sasabihin ko na sa kaniya ang lahat ng di niya naaalala. At wala akong pakialam kung maalisan man ako ng trabaho at least malalaman na ni sky ang lahat"

"wag na wag mo akong kakalabanin. Katulong ka...."di na napatapos ni zia ang sinasabi niya kasi lumabas na si sky

"anu ba ang ibig sabihin sa mga narinig ko yaya"

SKY POV

Nasan na ba sila yaya at zia. Bakit kelangang sa labas pa sila magusap

Nung papalapit ako sa pinto my narinig ako, si yaya parang galit sa kaniyang mga boses.

"di na ako papayag na pansamantalahan mo ang pagka amnesia ni sky."

"pinagsasasabi mo" sabe ni zia na parang kinakabahan ang boses.

Meron ba talaga akong di nalalaman?

"sasabihin ko na sa kaniya ang lahat ng di niya naaalala. At wala akong pakialam kung maalisan man ako ng trabaho at least malalaman na ni sky ang lahat" anu ang dapat kong malaman.

"wag na wag mo akong kakalabanin. Katulong ka...."

Bago pa matapos ni zia ang sasabihin niya. Di ko na kaya na makikinig lang ako sa sulok habang ang memorya ko ang pinagtatalunan nila. Di na ako makakapayag kelangan ko ng malaman ang lahat ng di ko maalala

"anu ba ang ibig sabihin sa mga narinig ko yaya"

"ah wala yun babe. Wag mong intindihin si yaya"at tumingin ako sa kaniya na galit na galit

"di ikaw ang kinakausap ko. Now tell me yaya, anu ang ibig sabihin ng mga narinig ko?"

"bakit hindi mo tanungin sa nagpapanggap mong girlfriend mo. Uuwi na ako. Sana sky maibalik na yang alaala mo bago pa may makaagaw ng tuluyan sa taong tottoong mahal mo." Sa sinabing yun ni yaya, dun ako natauhan. Ng makaalis si yaya. Pumasok na si zia sa loob.

Sabi na nga ba eh, kasinungalingan lang ang lahat ng naaalala ko.

Kelangan kong magsagawa ng planu. Alam kong may alam si yaya at si zia sa mga nangyayare.

Pumasok na ako ng room

"now tell me zi...."di ko naituloy kasi may pumasok na doc. At nagpunta sa cr si zia

"oh anyare sayo Mr. Sky Villafuente?" familiar siya saken

"doctor olivia? Is that you?"

"buti naman at naaalala mo ako. So kayo na ba?"

"oo naman doc. Nga pala doc san nga pala tayo nagkakilala? Ah si zia doc? Oo kami na"

"hindi mo maalala? Zia ba ang pangalan niya? Di ko na kasi matandaanan eh. Nakilala mo ako dit..."di naituloy ni doc ang sasabihin niya kasi lumabas na sa cr si zia.

"siya po si zia doc. Gf ko"

"hindi siya yung babaeng mahal mo na sinabi mo saken"

"po?" at tinignan ko si zia at parang kinakabahan siya at nagsitakbuhan papuntang cr

"hindi mo naaalala si...."di niya ulit naituloy kasi may tumawag sa phone niya

"5 minutes"sabe ni doc at ibinaba na niya ang phone niya

"aalis na ako. Magpagaling ka huh sky. Nga pala, nagkakilala tayo ditto sa hospital. Nasugatan kasi yung gf mo nun, kaso galit siya sayo kaya sinabi mo saken na ipapunta ko siya sa lab para madecorate mo yung room niya. At nung nabasa niya yung letter mo pumunta agad siya sa rooftop. Sinabi ko nga sainyo na kapag ikinasal kayo eh iinvite ako. Sige alis na ako."

At saktong pagalis niya lumabas na si zia sa CR.

"uuwi na ako" at kinuha niya ang bag niya at umalis na agad.

Grabe naguguluhan na talaga ako.

Anu ba ang tottoo?

"gago ka pare. Sana wag kang magsisi pag bumalik na yang kukute mo."

"ayos ka lang ba? Sana bumalik na yung dating ikaw"

"di na ako papayag na pansamantalahan mo ang pagka amnesia ni sky."

"sasabihin ko na sa kaniya ang lahat ng di niya naaalala. At wala akong pakialam kung maalisan man ako ng trabaho at least malalaman na ni sky ang lahat"

"Nga pala, nagkakilala tayo ditto sa hospital. Nasugatan kasi yung gf mo nun, kaso galit siya sayo kaya sinabi mo saken na ipapunta ko siya sa lab para madecorate mo yung room niya. At nung nabasa niya yung letter mo pumunta agad siya sa rooftop. Sinabi ko nga sainyo na kapag ikinasal kayo eh iinvite ako."

Paulit ulit yan na nasa isipan ko. Ang dami kong mga katanungan. Sino nga ba ang dapat kong pagkatiwalaan? Kasinungalingan ba ang lahat ng to? Sino ba sa kanilang lahat ang nagsasabi ng tottoo? Anu ba o sino ba ang nawala sa memorya ko? Ang daming katanungan pero di ko alam ang kasagutan.

WHO WILL IT BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon