JUNE POV
"June! Gumising ka na!" sigaw ng mama ko. Aish! Ano ba yang si mama? Umagang-umaga ang laki na ng bunganga. Naku 'tong si mama.
Bumangon na ako at niligpit ko na ang higaan ko, itinali ko na rin ang mahaba kong buhok at isinuot ang kunwareng eye glass ko, hehe. Kapag isinisuot ko kasi 'tong eye glass na 'to ay parang mahaba nang tingnan ang ilong ko, ang hirap kasi magpatangos ng ilong gamit ang isang clip kaya heto, straight na straight na. Ang liit kasi ng ilong ko kaya iniipit ko ng clip kung gabi na para tataas. At tsaka iba kaya ako sa kapatid kong si Jane, gagawin ko kaya lahat lahat upang gumanda lang ako para madagdagan naman confidence ko kapag nasa school na ako. Bumaba na ako at naaamoy ko ngayon ang napakabangong nilulutong ulam ni mama.
"Hep. Hep. Hep. Ako diyan kundi gugulpihin kita," banta ni Jane. Ang sama-sama naman niya! Sino siya para pagbantaan ako? Ako ang ate! Ako!
Alright, ako nalang ang mag-adjust para di ako mapagalitan ni mama at para di na rin ako ang masaktan. Baka kasi papaluin ako ni mama ng sanga ng bayabas. Ganyan naman talaga eh, ikaw nalang mismo ang aadjust para lang di ka masaktan.
Nakakainis talaga pag may nakakabatang kapatid ka, iba kasi 'tong si Jane, siya lang naman ang pinakapeyborit ni mother. Siya nalang din kasi ang binibaby at out na kami ni kuya, gusto ko pa namang magpababy ni mama, hehe.
"Kumain lang kayo at ihahanda ko pa baon niyo," sabi ni mama. Sweet talaga 'tong mother namin kahit pasuway ako---- ay kami pala ni Jane.
Pagkatapos naming kumain, nagligpit na kami. Si kuya naman ay naliligo pa tapos si Jane naman ay naghuhugas pa ng mga pinggan. Buti lang sa kanya. Ako naman ay nanonood lang ng romantic movie again habang hinihintay si kuya na matapos para makaligo na ako, tutal 5:15 AM pa at may oras pang pumasok. Nakakaiyak naman 'tong movie na 'to, grabe.
Tsik. Tsik. Tsik.
"Maaa..!!" sigaw ko. Si mama naman kasi, ginupit niya ang matagal ko nang inaalagaang mahaba kong buhok. Ma naman, di ba niya alam na mahirap ang magpahaba ng buhok? Tsk.
Sabi kasi ni Lola ay magaganda raw ang mga babaeng may mahahabang buhok. Eh naputol na at wala na akong magawa.
"Tumahimik ka nga. Di na uso ngayon yan at tsaka ang init-init kaya ng panahon," sabi niya at ipinatuloy ang paggugupit ng buhok ko. Ma naman eh. "At yang pagsusuot mo ng eye glass, tanggalin mo yan. Di sayo bagay at tsaka nakakasira yan ng mata. Mataas naman ilong mo, gaya ka kaya ng mama, maganda at matalino," dagdag niya. Lalo niya akong pinapahiya eh.
Sumimangot lang ako at nakita kong tawa lang nang tawa si Jane. Tch. Nangigil na ako. Gugulpihin ko talaga siya mamaya. Eksakto, tapos nang maligo si kuya.
Tumingin nalang ako sa salamin at ang liit na ng buhok ko. Tangeneys. Woah, humaba na nang kaunti ang ilong ko, mama's right. Yes! di na kami pareho ni Jane ng ilong. Wahaha. Ang problema ko nalang ay ang buhok ko at ang napakaitim kong balat, yaycks naman.
"Hoi June! Keylan ka pa matatapos?" engot niya ah. Sisigawan pa niya ako, iba 'tong kapatid na 'to ah. Wala man lang kagalang-galang.
"Shut up! Papalabas na akong panget ka!" haha. Eat those words.
Lumabas na ako at nakita ko siyang nakaharap sakin na ang pula pula na nang teynga. Malamang, baka nagagalit na yan sakin. Di kaya ako magpapatalo.
Nagbihis na ako at isinuot yung napakapasyonet kong uniform, ano ba? Ba't ba ang oa ng uniform na 'to? Well, maganda naman at tsaka sulit. Maganda 'to di gaya ng uniform namin pagkahighschool, cheap kaya nun. Simple lang siya pero maganda, jumper ang style na may pakonting-konting something siya tapos di siya mainit pag iwe-wear.
Tumingin ulit ako sa salamin ko dito sa kwarto at nag-ayos na ng buhok. Di ko na tuloy maitali ang buhok ko. Si mama kasi. Paano ko kaya papuputiin 'tong mukha ko? Di naman 'to puputi pag maglalagay ako ng pulbo o foundation mas lalo lang iitim. Tsk. Wala na akong pakialam. Di naman ako naglalagay ng kahit ano sa mukha ko since birth, kahit pulbo at lip tint lang, Never.
"Kuya, ito-tour mo kami mamaya ni Yangyang ah," sabi ko kay Kuya. Aba-aba, ako pa 'tong nagpa-puppy eyes tapos ako pa ang tiningnan ng masama.
"Ayaw ko. Makakaisturbo lang kayo sa first day namin ng mga barkada ko," sabi niya. Don't care. Tutal, kaya naman namin ni Yangyang mga sarili namin.
"Tsk. Bahala ka na,.whatsoever. Papara nalang ako ng tricycle," sabi ko tapos pumara na nang masasakyan. Hirap nitong kausapin ng kuya kong magaling.
Bahala na sila sa mga sarili nila. What evs.
Sumakay na kami at nahatid na si Jane sa dating paaralang pinapasukan ko kung saan naiwan ko na ang mga masasamang ala-ala ko. Good bye sa kanya.
Kinabukasan, dumating na kami. Sa'n na si Yangyang?

BINABASA MO ANG
LOVE MUST BE CRAZY
Teen FictionLove matters. Love is such a beautiful thing that everyone have it. And also, Love must be crazy