CHAPTER 6

2 1 0
                                        

JUNE POV

Kadadating ko lang sa school at mabuti naman ay pinapasok na ako ng manang guard. Di ko pala nakita si Yangyang sa labas baka andito na siya sa loob ng school.

Tama nga ako kagabi na malaki ang kikitian namin, gutom kase ang mga Tao ngayon eh dahil sa works nila at school days.

Pagulong-gulong lang ako dito at hayan, nakita ko na si Yangyang na mukhang matamlay. May sakit ba siya?

"Ah-yang, ba't parang matamlay ka ngayon?" tanong ko. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang mga gasgas at sugat niya sa paa at braso. "Anyare?"

Tiningnan lang niya ako at nabigla ako nang umiyak siya at niyakap niya ako. "Bes, ang hapdi ng mga sugat ko," sabi niya.

"Sa heart?" Biro ko sa kanya. Mukhang nga siyang broken hearted pero naiintindihan ko naman na masakit nga ang mga gasgas at sugat niya.

"Ikaw talaga! Hindi, 'tong sugat ko ang masakit. Tingnan mo oh," sabi niya sabay pakita sa akin ang mga sugat niya. Oa. Charoot.

Sarap hampasin eh. Joke lang.

"Ikaw naman, di mabiro. Oo nga pala, ano nga pala ang nangyari diyan?" tanong ko sa kanya.

"Si Macky kasi! Nakakainis! Binusenahan niya ako ng malakas habang nagmamaneho ng bisekleta ko kaya ayan, natumba ako at nasaktan," sagot niya. "Kakaiba nga eh dahil nagsorry siya sa akin at tinulungan niya pa akong makapunta dito at binuhat pa," sabi niya.


"Tsk. Just let him be. Pabayaan mo na siya at huwag ng bigyan pansin, at tsaka kalaban is kalaban," sabi ko at umakbay sa kanya. Tumatawa lang kami at di naming namalayan na andito na pala kami sa room.

MACKY POV

Lintik at di ako pinaniwalaan ng babaeng yun. Tch. Paano na ba ang mga plano ko? Kailangan kong paglaruan siya dahil bagay sa kanya ang mapaglaruan ng mga tao.

Tangina! Ano na ang gagawin ko? Kalaban ko siya at kailangan ko siyang ingitin, sungitan at paglaruan. Tsk. Dibale na, huwag ko nalang siyang pansinin tutal nasaktan na siya sa malakas Kong pagbusena at siyay natumba. Dapat lang yun sa kanya. Masungit kasi eh kaya di ko mapigilang sungitan din siya.

Pumasok na ako sa room at nakatambay lang ang dalawa dun. Himala naman at walang ganang mambabae si Jake. Di ko namang maisipan na may magagawang pagrerebelde si Lyle dahil mabait yan di katulad namin, haha.

Kailangan ko pa palang sumama sa mga tropa ko mamaya sa bar dahil matagal na akong di nambabae at umiinom. Kaya party-party lang kami mamaya.

"Pre, sama kayo mamaya sa bar ah," pakisama ko kina Lyle at Jake. "Don't worry Lyle, naiintidihan naman kita kung sa ganun."

"Okay, game na kami ni Jake dahil matagal ko na kayong di nakasamang magbabar," sabi niya. Himala at pumayag din siya. "Pero di ako iinom."

Okay naman sa amin basta magkakasama lang. Basta off muna ako ngayon sa mga problema ko about sa family ko, business at about that Nora the girl I hate the most.


YANGYANG POV

sabi nga pala ng teacher namin sa English ay may ipeperform raw kami bukas na role play kaya ginawan niya kami ng group.

Mabuti nga lang at kagroup ko si June.  Ang mga kagroup ko pala ay mga mukhang trip girls at may dalawa ring mukhang bad boy, may isa ring nerd. Weird naming pakisamahan ni June eh.

"PST."

Tumingin ako sa gilid ko at may binubulong na pala si June.

"Bukas na ang role play, ano ang gagawin natin? Di ba madali lang yun?" bulong niya sa akin.

"Oo nga, hirap naman nito at di pa mga matitino ang mga kagrupo natin," bulong ko pabalik sa kanya.

Mabuti nalang at binigyan kami ng teacher ng 20 minutes upang pagplanuhan ang performance task. Kailangan na pala naming magparticipate ni June para lalaki at babawi na kami sa mga grades namin.

"Okay guys para madali, I tetext ko nalang sa inyo ang address na pupuntahan niyo mamayang gabi para makapagpractice na tayo. Don't worry, may Plano na ako sa gagawin natin," sambit niya.

Pagkakatiwalaan ba namin 'tong babaeng 'tong mukhang trip girl? Tsk. Para 'to sa grades namin, andyan naman si June eh. But before that, tutulungan ko muna si mama sa pagdedeliver mamaya ng mga orders.


Oo nga pala, pagkatapos ko mamayang pagtulong Kay mama, didiretso nalang ako mamaya kina June dahil wala akong cellphone eh. Hirap. Chos.


JAKE POV

Mabuti naman at tapos na ang day ng class hours namin, ng lahat.

Pumunta na ako agad-agad sa coffee shop namin at nagpaalam Kay mama na may lalakarin kami mamaya kasama ang mga tropa ko. Pumayag naman siya pero may kapalit. Kailangan ko muna raw tutulong sa pagseserve ng mga pagkain sa mga customers. Ano ba yan?

Ang gwapo ko raw kasi eh.


Kasisimulan ko lang ng pagseserve at may naalala ako. Nakalimutan ko palang magbigay ng gift sa girlfriend Kong si Chasty. Muntikan, kailangan ko lang namang ibibigay ng mabilis sa kanya ang gift sa bahay nila at aalis agad para makakainom na ako mamaya.

"Ma, aalis po kami ni Yangyang mamaya dahil may gagawin po kaming role play," rinig ko Kay Juna. Umalis na rin siya agad-agad. Tsk.

About her best friend, mukhang pinoproblema na masyado ni Macky ito. I wonder kung pinagtagpo ba sila ng tadhana. I dont believe in that anymore, kami ni Chasty ay di naman tinadhana dahil ito ay aksidentehan lamang. Gets?

Its already 6:30 pm na kaya pupunta na ako ng bar. Di ko lang sasabihin kay mama na sa bar kami tatambay mamaya kundi lagot ako kay mama, papa pati na kay Chasty.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE MUST BE CRAZYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon