JUNE POV
Katatapos lang ng klase namin na last period kaya uuwi na ako. Sabi nga pala ni Kuya ay di raw siya makakasabay sa akin dahil tatambay raw muna sila ng nine sa shop nila Lyle.
Si Lyle nga pala, ang naalala ko lang naman sa kanya ay siya ay matalik na kaibigan ni kuya at tsaka noon ay palagi silang tumatambay sa bahay kasama ang mga iba pang kaibigan nila at tsaka.... Aha! Crush siya ni Jane. Naalala ko na, di ko lang masyado maalala ang lahat dahil matagal na yun, mga bata palang kasi kami noon eh.
Crush pala siya ng napakasungit Kong kapatid. Naalala ko nga na palaging nagpapansin si Jane Kay Lyle, nakakahiya di ba? Wahaha. Tanging si Lyle lang ang naalala Kong kaibigan ni Kuya sa kadami-dami niyang kaibigan.
Umiba lang naman siya ng konti, mas gumwapo siya ngayon at tumangkad ng kaunti, matangkad naman talaga siya. Alam Kong maeexcite si Jane nito. Sana nga lang na di ako mafall, wahahaha.
Ay, mahuhuli na ako sa pagsakay ng tricycle.
Huminto lang ako sa coffee shop namin at tutulong nalang din ako. Wala naman akong ibang gagawin dahil first day pa at wala pang mga assignments.
Tumungo na ako sa loob at sinuot ko na ang apron at ang hairnet. Mukhang marami ang customers ni Mama dahil pasukan na at alam Kong marami ang nagugutom.
"Anak, ihatid mo ito sa counter at ikaw na ang magbantay, magluluto lang ako ng mga orders," utos ni mama. Marami ang mga customers ngunit maliit lang ang mga trabahante, mga nasa 4 lang including mama.
Marami pa rin ang nag-oorder dito at kumakain kaya sigurado akong marami ang kikitain namin.
Dumating na si Jane at isinuot niya na rin ang kanyang apron at hairnet. Tumulong din siya sa pagseserve ng mga pagkain at pagluluto. Isasabi ko nalang sa kanya mamaya ang good news ko sa kanya.
LYLE POV
Nandito kami ngayon sa shop kasama ang mga barkada ko. Nagkatuwaan, nagkukwentuhan at nagbibiruan. Wala lang namang pakialam si Uncle sa amin dahil mas lalo raw dumadami ang mga customers dahil sa'min.
Matagal ko na silang di nakakasamang magkatuwaan kaya iskip ko nalang muna ang pag atopa sa ginagawa Kong isa pang misyon na hahanapin at kakausapin ang kabusiness partner ni mama.
"Pre, pupunta muna ako sa coffee shop namin dahil bibili muna ako ng mga makakain natin," pamamaalam ni Jake.
Oo nga pala, wala akong nahandang pagkain dahil sumabay lang sila ng deretsuhan sa akin.
"Wag na pre, ako nalang ang pupunta at bibili sa coffee shop niyo, tutal di ko na rin nagawang bumisita sa coffee shop niyo. Baka makita ko pa si Auntie," sabi ko at tumango lang siya.
Ako nalang nga dapat dahil matagal ko nang di nakapunta sa coffee shop nila at tandang-tanda ko rin naman ang address.
Umalis na ako at pinaandar ko na ang kotse ko. Dumeretso na akong pumasok at ang raming tao. Nakita ko din na nasa counter si Juna at nakita ko rin ang kanyang kapatid na si Jannie. Umiba na talaga ang mga kapatid ni Jake.
JANE POV
Woah, may point of view din ako dito? Haha, nakakatuwa naman.
Nagseserve ako ng mga inoorder ng mga customers dito sa coffee shop namin. Gusto ko sanang nasa counter ako ngunit naunahan ako ng napakasungit kong ate na mas masungit pa sakin.
Kahit hate na hate ko sila ate at kuya, love ko pa rin sila, di ba ganyan dapat ang magkakapatid?
Nagserve pa rin ako nang nagserve pero nung tumingin ako sa pintuan, may nakita akong isang anghel na hulog ng langit. Charoot.
Si Lyle? Si Lyle nga! Wahh! Matagal ko na siyang di nakita for almost 8 years, pero seven lang ang inabot eh. Balita ko lang naman noon kay kuya nung mga 7 years before na aalis na raw si Lyle papuntang Korea. Namiss ko siya, namiss ko ang mga ngiti at boses niya.
Siya lang naman ang nag-iisa kong crush sa buhay ko. Simula pa lang nung 5 years old ako ay natutunan ko nang magkacrush kay Lyle. High school pa lang sila nang magkagusto ako sa kanya. Di ko nga alam kung ba't sa kanya pa ako nagkagusto eh sa rami-raming anggagwapong barkada ni kuya.
Mabait siya at magalang. Isama ko na ring gwapo rin siya at siya ang pinakagwapo among them all.
Nag-order lang siya kay ate at sigurado akong kikiligin 'tong si ate, well, baka di naman dahil wala pa yang nagugustuhan eh dahil sa ampapangit ng mga boys sa school namin. Wahahaha.
Lumapit lang ako sa kanila at nakikinig baka may gusto na si ate kay crush.
"Um. Chocolate shakes lang for nine," sabi ni crush. Chocolate favorite niyang flavor? Well, bibigyan kita sa susunod.
"O sige. Hintayin mo nalang dahil alam ko namang itake out mo ito at dadalhin sa shop niyo," ate's respond.
Hmp! Di man lang tumalikod para mapansin ako. Pupunta nga nalang ako sa harap.
"Grabe, nagbago na nga ang coffee shop niyo, pati ikaw.... J-jannie. Ikaw na ba yan?" kala mo ipapahulog mo yan si ate? Di ah.
Ningitian ko lang siya at mukha namang di nagbublush ang pisngi ni ate.
"Oo. Oo nga pala, long time no see," my respond.
Hanggang ngayon ay hinihintay niya parin ang order niya. Sayang nga di niya nakita si mama, matutuwa pa sana si mama. Hindi na kami nagpansinan dahil sa busing-busy na kami ngayon.
Umalis nalang ako at nagsimula nang muling magserve sa mga customers. Mukha di niya namiss ang makulit na Jane.
JUNE POV
Kala siguro ni Jane na may gusto ako dito kay Lyle. Pero baka susunod. Hehe. Dont pray.
Ang rami pa rin ng mga customers at ang rami pa rin ng mga orders. Nakatayo lang dito sa giliran si Lyle ng counter habang hinihintay ang order niya. Malapit nang gumabi kaya dapat bilisan na ng pagluto.
Okay lang naman dito dahil 24 hours 'tong coffee shop namin at sulit ang mga pagkain na inoorder, masarap kasing magluto si mama. Baka nagseserve si Jane ngayon dahil di marunong magluto. Wahaha.
Dumating na rin ang order ni Lyle at nagbayad na siya.
"Sige salamat. Send me regards to tita dahil alam kong busy siya at di ko pa siya makikita. Thank you ulit. At tsaka ang cute mong tingnan sa apron mong may cute cartoon," sabi ni Lyle tapos umalis na.
Ako cute? Mukhang di naman. Ayiee. Namumula na 'tong pisngi ko eh. Huwag mo akong ipapahulog Lyle.
Ngumiti lang ako pag-alis niya at tinuloy ang pagseserve ng mga customers.
Mukhang unting- unti na akong mahuhulog nito kay Lyle dahil sa mga sweet words niya. Aish!
![](https://img.wattpad.com/cover/162928077-288-k889359.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE MUST BE CRAZY
Teen FictionLove matters. Love is such a beautiful thing that everyone have it. And also, Love must be crazy