YANGYANG POV
Gumising na ako ng maaga para makapaghanda na para makapasok. Humanda yun sa'kin yung Macky na yun, di pa niya alam kung gaano ako kamaldita.
Naging ganito lang naman ako dahil sa ginawa niya. Di naman ako ganito dati pero di po ako magrerebelde. Mabait naman ako pero sa Macky na yun, eek. Lagot siya. Kung malalagot ako, malalagot din siya.
Naligo na ako at nag-ayos na sa sarili ko tapos na kasi akong kumain. Di na pala ako makakatawag Kay June dahil wala na akong cellphone. Ang mamahal kaya ng mga cellphone, hello? Year 2008 po 'to at ang mamahal na po ng mga cellphone lalo na ang touch screen kaya ang ginagamit lang namin minsan ni June ay telepono nalang.
Ang hirap kasi ng buhay namin na ngayong wala na ang papa ko, umalis na siya kasama kabit niya sa Singapore. Oo, mayaman yun ngunit kahit katiting ay wala yung naibigay sa'min ni mama. Kaya nga ang gusto ko sa susunod ay makakapangasawa ako ng mabait at mapursegeng lalake di gaya ng tatay Kong bastardo.
Let's forget about that. Sasabihin ko nalang nga pala mamaya kay June na di kami makakameryenda sa coffee shop nila dahil tutulungan ko pa si mama na magdeliver ng mga damit na inorder ng mga customers niya.
Yes, ganyan kami kahirap. Di naman na as in mahirap, simple lang. Kung tatanungin niyo ako kung paano ako nakapasok sa SU, ang sagot ko ay may isang mayaman na lalakeng nagpumulit raw sa akin na pumasok dun at dahil makapal mukha ko, pumasok nalang ako. Kaya nga kailangan ko nang magbago sa kabobohan ko. Kailangan ko na rapat mag-aral ng mabuti para di matanggal sa school. Eh, mukhang mahihirapan ako dahil may nakabangga akong isang masungit at bad boy. Lintik.
Aish! I want to cool myself now. Hinanda ko na rin ang mga gamit ko at baon para makapasok na. Naisip ko tuloy na kailangan ko palang maglagay ng konting polbo at liptint para iharap ko ito sa witch na manang guard na yun.
Nag-goodbye kiss na ako Kay mama sa pisngi at sumakay na ako sa bisekleta ko. Napapakanta lang ako habang nagmamaneho sa bisekleta ko nang may bumusena sa akin ng napakalakas.
"Ahh!!" sigaw ko at ako'y natumba. Litsi naman 'tong driver ng kotseng 'to. "Hoi! Lumabas ka! Ipakita mo mukha mo!"
Mukhang pamilyar ang sasakyan ah, kanino ba 'to?
Bumaba ang nagmamaneho at nanlaki ang mga mata ko. Mas naiinis na ako sa kanya ngayon keysa kahapon. Napahiya kasi ako dahil natumba lang naman ako at puro gasgas ang mga braso at paa ko.
"Nora? Okay ka lang?" tanong ng bad boy na Macky na 'to.
Kapal ng mukha niya. Huwag na huwag niyo talaga akong tawaging Nora! Yangyang lang, yangyang. At tsaka ang kapal talaga ng mukha niya. Nakakainis.
Di ko pala naalam kaagad na nanggigilid na ang luha ko mula sa mata. Nakakahiya, umiiyak ako sa harapan ng enemy ko, ang hapdi kasi ng mga sugat na 'to.
"Sorry talaga, Nora. Sandali lang, kaya mo pa bang tumayo?" tanong niya. Ba't siya nagsosorry? Kala ko magkalaban kami? Ba't ba ganito siya?
Alam ko na, pero dapat di ako magpahulog sa mga magasgasang traps niya. Don't me bad boy.
Nabigla ako nang binuhat niya ako at nilagay ang mga braso ko sa kanyang leeg. Anong ginagawa niya? Pinaupo niya ako sa front seat kung saan makakatabi ko siya. Nilagay na rin niya ang bisekleta ko sa likuran at saka pinaandar ang kotse niya.
Naguguluhan ako. Ba't siya ganito? Kahapon lang ay magkalaban kami tapos ngayon ay binusenahan niya ako nang malakas tapos ano naman ang susunod na mangyayari? Baka may balak siya na pagsamantalahan ako. No way!
"Don't worry Nora, wala akong masamang balak sa'yo," sabi niya. Nakakabasa ba siya ng mga isip? Paano niya nalaman na ganun ang mga iniisip ko? Psh.
Sa ngayon ay mas nainis pa ako sa kanya lalo dahil tinawag niya akong Nora, tuturuan ko muna.
"Excuse me Mr. Bad boy? Ipapaalala ko lang po sa inyo na huwag niyo po akong tawaging Nora, Yangyang po. Gets?" pagpaliwanag ko sa kanya.
Simple lang naman yan kaya madali niya Yang makukuha. Kung gets ng iba dapat gets din niya. Alam ko namang matalino yan.
"Of course Yang. Madali naman akong turuan, don't worry dadalhin kita sa schools clinic," sabi niya tas tingin sa akin.
Ginagawa ba niya ngayon ang ipafall ako? Tsk. Kala niya mafafall ako sa mga lalakeng gwapo nga pero ang sama naman ng ugali. No. No. No. Never. Gwapong-gwapo na siya sa sarili niya ah. Eww.
Suddenly, dumating na rin kami sa SU. Nagpark kaagad siya ng kotse niya at mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang binuhat niya ako. Nakakahiya, ang rami pang mga estudyanteng nakatingin sa amin.
Lumakad lang siya at binabalewala ang mga taong nakapaligid sa amin. Siya ay may confidence na gawin 'to sa harapan ng mga Tao ngunit nakakahiya sa part ko dahil isang campus heartthrob ay bubuhatin ang isang babaeng katulad ko.
Para sa iba ay sweet na 'to pero para sa akin ay kahihiyan. Pinahihiya lang niya ako. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at itinago ang mukha ko sa leeg niya. Humanda siya sa akin mamaya nang makalakad at magamot na 'tong mga sugat ko. Siya lang naman ang may pakanan nito eh.
--
Nagamot na ang mga sugat ko at makakalakad na akong muli. Humanda Yang si Macky sa akin.
"Salamat naman at nagamot ka na... Sorry nga pala kanina. At tsaka---" di niya natuloy ang sasabihin niya nang kinausap ko rin siya.
"Just please. I know what you were doing lately. At tsaka halata namang magkalaban tayo, di nga tayo nagkakasundo eh dahil diyan sa kagaguhan mo. Just please stop it. At dapat mo pa akong bayaran dahil dun sa ginawa mong pagbusena sa akin at nahulog ang phone ko," sabi ko.
Nice at nakahinga na ako dahil mukhang ako na ang nanalo ngayon.
"Okay. Fine. Ako na nga 'to ang hihingi ng sorry sa'yo pero iisipin mo pa ring kakalabanin kita pero di naman. Kung ganyan nga ang gusto mo, fine. Magkaaway pa rin tayo. Tingnan lang natin kung sino ang susurender, " sabi niya tas labas na.
Oh yes. Mas komportable pa akong magkaaway kami keysa sa paglaruan niya lang ako. Tsk. Kala niya di halata, eh sa mga bad boy moves niya.
Humanda ka sa akin at mabagsik na tayong magkakaaway. Dapat lang ay di ako mahuhulog sa mga traps niya.

BINABASA MO ANG
LOVE MUST BE CRAZY
Teen FictionLove matters. Love is such a beautiful thing that everyone have it. And also, Love must be crazy