CHAPTER NINE

720 25 6
                                    

She was just sat on her office chair when her phone suddenly rang. Nagulat siya nang makitang ang boss ang tumatawag. She hurriedly composed herself and breathed deeply, pagdating talaga kay Robbie pakiramdam niya lagi siyang kinakapos ng paghinga.

Kahit natataranta man ay sinubukan pa rin niyang maging tunog professional nang sagutin ito.

"Good Morning boss, what I can do for you?" halos paanas niya tanong.

Narinig niya itong bumuntunghinga nang malalim.

"Miss Saavedra, did you happened dropped by here last night?" seryosong tanong nito.

Mabilis pa sa alas kuwartro siyang sumagot. "No po Sir! Bakit po?" pasimpleng pagsisinungaling niya.

"Forget it, akala ko kasi dumaan ka kagabi, I thought I saw you before sleep got me." nag aalinlangan saad nito na boses masungit pa din. "And also someone brought a snacks for me and a books!"

Biglang napaawang ang kanyang labi, nag alala siya sa biglang naisip.

"Ay, boss huwag po kayong assuming, hanggang ten hours lang po ang binabayaran niyo sa akin, kaya po never po ako pupunta diyan ng gabing gabi na." mabilis na palusot niya.

"Gabing gabi?" tanong ni Robbie na halata ang pagdududa boses.

Bigla siyang nag aalala, paano kung mag request ito nang copy  ng CCTV last night, madali makukuha nito yon at  tiyak mahuhuli siya. Oo nga't walang CCTV sa loob ng presidential suite pero sa labas naman nito ay mayroon.

"Opo gabing gabi, baka po si Manahan ang nagdala, nabanggit niya po kanina na dumaan po siya diyan kagabi." mabilis na palusot niya.

Natahimik ang kabilang linya ng ilang segundo bago niya narinig na muling magsalita ito.

"Okay." one simple word lang ang sinagot nito saka pinatay ang tawag.

Kaagad niyang tinawagan ang kaibigan pagkatapos makausap ang boss.

"Marge, bakit? pwede bang mamaya na tayo mag usap, kailangan ko lang puntahan si boss Austine." nagmamadalìng saad ng kaibigan.

Bago pa maibaba ng kaibigan ang tawag ay halos pasigaw na pinigilan niya ito. "Wait, just listen to me even a minute!"

"Okay, ano yon?" napansin yata ng kaibigan ang pagkakataranta niya.

"Please save me, baka mabuko ako ni Boss Robbie,  pag tinanong ka niya kung ikaw ang nagdala ng mga light snacks at books last night sabihin mo ikaw ang nagdala." mabilis na salitang pakiusap niya.

Bigla niyang narinig ang malakas na pagtawa ni  Manahan. "Umamin ka na kasi kay boss para matapos na yan paghihirap mo. Sabihin mo man ngayon or sa susunod pa na taon if wala talagang balak si boss na mag lovelife wala ka pa rin magagawa. Kaya mas mabuting aminin mo na para makapag start ka na nang moving on process."

"Not now, hindi ko pa kayang malayo sa kanya. Give me another year please, saka mo na ako ibuko kay boss." madamdaming pakiusap niya.

"Okay ako na bahala kay boss pag nagtanong, ikaw lang naman inaalala ko, mahirap na ang one sided love affair." seryosong saad ng kaibigan.

Naramdaman niya ang sincerity sa mga sinabi ng kaibigan. "Thank you for the concern, but just another a year, promise magre resign ako after a year if walang talaga itong patutunguhan." pabulong niyang sabi, naiisip pa lang niya na iwan ang boss, dumudugo na ang kanyang puso.

"Alright, ikaw bahala. Ano pa man, I wish you a very big good luck, si boss Robbie yan, Marge!" malakas na tawa ng kaibigan bago nito patayin ang tawag.

Dreaming Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon