CHAPTER TWENTY TWO

679 29 16
                                    

Halos wala silang imikan nang pabalik na sila ng Manila. At sa mismong tapat ng kanyang bahay siya nito ibinaba. Magtatanong pa sana siya kung kailan pa nito nalaman na nasa isang subdivision lang sila nakatira ngunit hindi na niya sinubukang itanong.

Naalala niya na galit pa rin pala ito sa kanya at ayaw niyang madagdagan pa ito, at baka pag mas lalo pa itong nagalit ay baka hindi na siya makaapak muli sa opisina kahit makuha man lang ang mga mumunting bagay na iniingatan niya doon.

"I'll see you tomorrow." saad ni Robbie saka mabilis siyang iniwan.

Nakatulalang sinundan niya nang tingin ang papalayong kotse, iniisip niya kung tama ba ang kanyang narinig.

A tapped on her shoulder got her startled, napalingon siya sa kanyang likuran, ang nakangiting si Norman ang bumungad sa kanya.

"Señorita, pasok na po tayo." anyaya ng bodyguard.

Mariin niya itong tiningnan. "Nasaan kayo kagabi, hindi niyo ako sinundan!" naka kunot noong saad niya.

Pagkagulat ang biglang rumishistro sa mukha ng bodyguard. "Eh Señorita, tinawagan po kami ni Don Pancho, ang sabi niya po ay isinama kayo ni Sir Robbie." nagtatakang paliwanag ni Norman.

Napaawang ang kanyang bibig, hindi siya makapaniwala sa narinig, so ang ibig sabihin lang ay may basbas galing sa ama ang sapilitang pagsama sa kanya ni Robbie sa resthouse ng mga Charles sa Batangas.

Napailing nalang siyang pumasok sa kanyang bahay habang kasunod ang bodyguard.

Papanhik na sana siya sa kanyang silid nang tumunog ang kanyang mobile phone na nasa loob ng kanyang clutch bag.

Mabilis niya itong kinuha at sinagot. She rose her right eyebrow when Manahan's name flashed on the screen.

"Yes, what it is?" masungit niyang sabi, may atraso ito sa kanya, sa hindi nito pagsagot nang kanyang tawag pagka alis ng mga ito sa kanilang hacienda.

She heard he was laughing on the other side of the line.

"Hey, sorry na! Seryoso? Galit ka sa akin?" tanong ni Manahan.

Napaismid siya sa sinabi nito. "Why, may dapat ba akong ikainis sa'yo?" pamaldita niyang sagot.

Lalong natawa si Manahan sa kanya, kilala nga siya nito, sa tono palang ng kanyang boses ay alam na nito na nagtatampo siya.

"Huwag ka nang magalit, sorry na. Alam mo naman si boss Robbie na bawal sa amin ang gumagamit ng mobile phone pag kasama siya sa loob ng sasakyan." seryosong saad ng kaibigan.

Bigla naman siyang naawa dito, alam niya kung gaano ito ka dedicated sa trabaho at alam na alam din niya ang pagka masungit ng kanilang boss.

"Ewan ko sa'yo! Oh, bakit napatawag ka? May problema ba?" nagtataray pa rin tanong niya dito.

Narinig niyang muli itong tumawa, ramdam niya tuwang tuwa ito pag naiinis siya. Sabagay ganun naman ito sa kanya, mas lalong naaaliw pag nagtataray siya.

"Eto naman, huwag ka nang magalit. Heto nga babawi na ako sa'yo." nakangiting saad nito.

Mas lalong napaarko ang kanyang kilay. "Babawi? What do you mean na babawi?" nahihiwagaan na tanong niya.

Kaagad naman sumagot si Manahan. "Yes, kasi alam ko na matutuwa ka sa impormasyong ibibigay ko sa'yo." saad ni Manahan na para bang tinatakam siya.

Biglang sumeryoso ang kanyang mukha, she needs to sit baka hindi niya magustuhan ang sasabihin ng kaibigan at himatayin pa siya.

"Then what is it?" seryosong tanong niya nang komportable nang nakaupo sa sala.

Tumikhim muna si Manahan bago magsalita nang pabulong. "Hinihintay lang namin si boss Robbie na makapagbihis, may date siya ngayon kay Miss Fayette Andrada! Oh ano interesado ka na ba?" tanong nito.

Dreaming Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon