CHAPTER TWENTY EIGHT

616 25 16
                                    

"No! This is not true!" Molly unbelievably shook her head while looming over to her mobile phone.

Norman sent a photos of Robbie with her ate Corraine while hugging each other. Kuha ito sa isang pribadong beach house.

Napaluha siya habang tinititigan ang ibat ibang larawan. Hindi siya makapaniwala na may ugnayan pa pala ang dalawa. She thought matagal nang hindi nag uusap ang mga ito.

Sinubukan niyang tawagan ang kasintahan ngunit nagri ring lang ang mobile phone nito at hindi sinasagot. She also ring her ate Corraine but her calls transfered to the voicemail.

Dahil hindi sumagot ang dalawang tinatawagan, si Norman ang muli niyang kinausap.

"Where's that place Norman?" malamig na boses na tanong niya.

"Nasa may Taal lake po Señorita." nag aalalang sagot ni Norman.

Marahan nalang siyang napatango. "Okay, bumalik na kayo dito.  Dumiretso na kayo sa bahay, pauwi na rin ako." malungkot na saad niya saka pinatay ang tawag.

Pagkatapos magligpit bumaba na siya para umuwi. Sa basement may nadaanan siyang tatlong babaeng guard na seryosong nag uusap.

Nagulat siya nang marinig niyang pinag uusapan ng mga ito si Robbie at ang nangyaring gulo at ang kanyang ate Corraine.

"Nagtataka nga ako sa biglaan paghihiwalay noon nina boss Robbie at Miss Corraine. Aba! super sweet ang dalawang yan. Halos lahat ng empleyado dito ay natutuwa sa kanilang relasyon." saad nang pinakamatanda sa tatlong guard.

"At ang sabi ay napaganda raw nitong si Miss Corraine." saad ng may kaputian guard.

"Pero ang kawawa dito si boss Robbie, niloko na nga tapos ngayon naman ginugulo ng asawa ni Miss Corraine." dagdag naman ng may katabaang guard. "Pero totoo kaya yong may relasyon pa rin sina boss at Miss Corraine?" interesadong tanong nito.

"Aba, hindi ako magtataka na kung may relasyon pa rin sila. Eh, sa una pa naman kitang kita na, na mahal na mahal nila ang isa't isa. Eh, amg sabi sabi ay pinagkasundo lang naman  daw itong si Miss Corraine sa napangasawa nito." muling saad ng pinakamatanda sa tatlong guard.

Napatawa ang dalawang babaeng guard. "Hay naku, huwag na tayong magtaka na kung isang araw ay malaman nalang natin na matutuloy na din ang naudlot nilang kasal." saad ng may katabaang guard na mukhang kilig na kilig pa.

Napapailing siyang nilagpasan ang mga ito, mas lalong bumigat ang kanyang nararamdaman sa mga narinig. Kaya umuwi siyang lulugo lugo.

Pagdating sa bahay ay kaagad siyang nagbihis at  hindi na rin nag abalang maghapunan. Ang hinarap kaagad niya ay ang Netflix at isang galon Ube Ice cream. Nagbabad siya sa panonood hanggang sa makatulog.

Umaga na siya nang magising at napabalikwas na kinuha ang kanyang mobile phone. Napailing nalang siya nang mabasa ang isang simpleng good night galing sa kasintahan.

Naligo siya kahit tinatatamad, binalak pa rin niyang pumasok ng trabaho sa kabila nang mabigat na pakiramdam. Pagkaligo ay bumaba na siya para mag almusal. Sinalubong kaagad siya ni Norman na may pagtataka.

"Morning Señorita. Kay aga niyo po, may lakad po ba tayo?" tanong ni Norman.

Napataas ang  kanyang kanan kilay. "Saan pa, eh di sa opisina." nawiwirduhang tanong niya dito.

Napatawa ang bodyguard."May pasok po ba kayo ngayon Sabado?" tanong nito.

Napahinto siya papasok ng dining hall at hinarap si Norman. "Oh, my! Seriously?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Dreaming Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon