Prologue

2.2K 21 10
                                    

(Former Title: My Prince - My Princess Campus Lovestory, Binago ko na po for some reasons.)

Naranasan mo na bang magmahal ng soba-sobra?

Hindi ko naman akalain na aabot ako sa ganitong level.

"Oh, Kanino naman 'to?" Nakapulot ako ng picture sa daan. Tinitigan ko ito ng mabuti. Litrato ito ng isang lalaki. Isang lalaki na hindi nakasalamin pero alam mong nerd. Gwapo ito ngunit hindi pansinin. 

"Denisse! Ano bang tinitignan mo dyan?" Tinatawag na ko ng kaibigan kong si Lorraine. Tinago ko naman ang litratong nakuha ko.

Hindi lang isa, Hindi lang dalawa, Kundi tatlo. Tatlong litrato na bumihag sa puso ko. The hell!?

Nagsimula sa isang litrato. Hanggang lumalim ito. Lagi ko siyang tinitignan. . . ng palihim.

Nagka-crush na nga ba ako sa isang nerd? Palagay ko, higit pa doon.

Lagi ko siyang sinusundan. 

Pero hanggang tingin na nga lang ba ako? Wala bang pag-asa na maging kami din balang araw? Gusto din kaya niya ako?

Napabuntong hininga nalang ako. . .  I guess, I secretly love that nerd. I secretly love him. I secretly love... Thomas Robert Santos.

Secretly Inlove [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon