Twenty Eight
"Say it"SHANE'S POV
Habang lumilipas ang araw papalapit na ng papalapit ang pasko,at masasabi kong magiging masaya ang pasko na sasalubong saamin ngayong taon.Masaya ako dahil sa mga tao na nasa paligid ko,pero at the same time nalulungkot pa din ako dahil nga sa hindi pa din kami nagkaka ayos ng mga kaibigan ko.
Sobra akong naiinis sa sarili ko dahil sinayang ko yung pagkakaibigan na meron kami,ang tanga ko lang dahil pinakawalan ko pa sila,isang kaibigan na laging anjan para sayo isang kaibigan na totoo,isang kaibigan na bihira mo nalang makita sa panahon ngayon.
At tungkol naman kay Keifer masaya lang kami,at masasabi kong tuluyan na nga akong nahulog sakanya,masaya din ako dahil sa pinapakita na niya ang totoong siya,ang totoong Keifer na matagal niyang tinago,pero nanatiling blanko kung bakit siya nagkaganun,
Kay Skyler naman,sobra din akong masaya sa tuwing magkakasama kami,hindi siya nauubusan ng jokes,at habang tumatagal may nabubuong kaunting pagtingin,sino ba naman ang hindi?halos lahat ng gusto ko pareho kami.Mahilig siya sa arts ganun din ako,mahilig siya sa music ganun din ako,pareho kami ng specialty sa school,sobrang saya niya kasama at lagi niya akong pinapangiti,pero hindi pa din nito mapapantayan ang pagmamahal na meron ako kay Keifer.
Yung uri ng pagmamahal na hindi mo maipaliwanag,Basta biglaan ang lahat walang dahilan kung bakit ka sakanya nagka gusto,walang dahilan ang lahat basta namalayan ko nalang ang sarili ko na tuluyan na nga akong nahulog sakanya,
Nandito ako ngayon sa park habang hinihintay si Skyler,may sasabihin daw siya saakin ehhh,ang lakas ng trip ng lalaking yun pwede naman niya sabihin kanina habang magkasama kami,hinintay pa talaga sumapit ang gabi at pinapunta pa ako dito sa park.
Naglalakad lang ako habang iginagala ang mata ko at napansin ko na lalo pang nabigyan ng kulay ang park na ito lalo na at papalapit na ang pasko,makikita mo ang kasiyahan na meron sa park na ito.
Habang naglalakad ako may nakita akong isang pusa sa daan,ang cute,sino naman kaya ang walang hiyang amo ang magiiwan ng ganito ka cute na pusa
Lumapit ako sa gawi nito at hindi naman ito tumakbo,hihihi binuhat ko naman yung kuting at umupo sa malapit na bench
"Awww,sino ang walang hiyang amo ang nag iwan sayo dito huh?"pagka usap ko sa pusa
"Meow" pagsagot nito
"Gutom ka na ba?"
"Meow"
May kinapa ako sa bulsa ko at good thing may tira akong pagkain dito,ibinaba ko naman ang karga kong pusa at ibinigay dito ang isang mamon na tira ko kanina.Kinain naman ito nung kuting
Half white at half Black yung kuting,tapos yung mata niya Blue and green,ang cutee.
"Busog ka na ba?"
"Meow"
"Awww....iniwan ka ba dito ng amo mo?"
"Meow"
"Shhhhh,ako na mag aalaga sayo simula ngayon,ang cute mo talaga" at pinisil ko ang ilong nito
"Meow"
At bigla kong naalala,si Skyler baka naghihintay na yun,binuhat ko naman ang kuting at nagsimula ng maglakad.
May narinig naman akong nag aaway,kaya agad akong pumunta sa malapit na puno at nagtago.
"Anong ginagawa mo dito?"walang emosyon na tanong nung guy
Teka,bakit parang familiar yung boses niya?
YOU ARE READING
11:11 [COMPLETED]
RomanceLove isn't all about two people who have the same feelings towards each other, But also loving someone who doesn't love you back but still hoping Consist of 35 chapters Finished Finished:October 7,2018