CHAPTER 5: SECRET BEING TOLD

0 0 0
                                    

Wala pa kong lakas loob na harapin ang mommy ni Paul. Baka kasi, kung ano pang masabi ko. Kaya ako na ang lalayo at iiwas.

Pupunta na sana ako sa ibang direksyon at akmang hihilain si Erica nang bigla niya akong tinawag. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko may sakit na ko sa puso sa palagiang pagtibok nito ng mabilis.

"Oh. Hi Stein, long time no see. Have you seen your ex?" inismiran ko lang ang matanda at binalingan ko si Erica.

Naalala kong hindi niya pala alam ang lahat. Ang kakarampot na alam niya lang ay ang pagkakacrush ko kay Paul. Yun lang at wala ng iba. Wala din akong naikwento sa kanya about sa past relationship ko.

Guhit na guhit sa mukha ni Erica ang pagtataka.

"Hindi ko po alam kung nasaan siya. Magtanung-tanong na lang po kayo riyan dahil kilala ang anak nyo rito." yun lang at umalis na ko't hinila si Erica. Di ko na hinintay ang sasabihin niya at baka kung ano pang magawa ko. Pagkalagpas na pagkalagpas nami'y bumalik na sa normal ang tibok ng puso ko. Nawala na ang takot at kabang nadarama ko.

All this time, ang alam ng lahat ay magkaibigan lang kami ni Paul at wala kaming past relationship. Akala ko, habang buhay, na kami lang ang makakaalam. Kahit si Nanang ay wala ring alam, kaya wala na rin akong ibang pinagsabihan pa. But, this time mukhang may iba nang makakaalam.

"Malabs, diba mommy yun ni Paul?" halatang halata sa mukha nito ang pagtataka.

"Paano mo siya nakilala?" nahaluan na rin ako nang pagtataka.

"Isa siyang sikat na modelo noong kabataan ng mga magulang natin. Kilala yan sa buong mundo."

Natatakot ako sa sunod niyang katanungan. Di ko na kayang balikan ang lahat sa simula. Di ko pa kayang ipaalam sa iba ang lahat. Dahil sa tuwing maaalala ko ang lahat, naghuhurumintado na ang puso ko sa sakit.

"Tara puntahan natin si Rocky?" pag-iiba ko ng usapan upang di na siya magtanong. Pero....

"Mamaya, Malabs. May itatanong lang muna sana ako sayo?"

Napayuko ako sa kaba. Heto na ang kinatatakutan ko. Alam kong hindi sya makukontento sa sagot na Oo at Hindi. Kailangang may paliwanag ka, dahil kapag wala kang nasabi, hinding hindi ka niya titigilan.

"Si Paul ba yung ex mo na sinasabi ng mommy niya?"

Tumango ako ng dahan dahan saka paunti-unti syang sinulyapan.

"Kyaaahhhhhh... Bat di mo sinabi!!!!" tumili siya ng tumili na parang naging sila ng pinapangarap niyang si Rocky.

"Paano naging kayo?" sabik na sabik sya sa mga kasagutang nais niyang marinig.

"Sinagot ko ng Oo?" walang ibang pumasok sa isip ko kaya yun ang nasabi ko na ikinadismaya niya.

"Wehhhh. Hindi nanligaw? O nagporma sayo?"

"Wag na nating balikan. Wag ngayon, Erica. Please." Natigil siya. Alam niya kasing pagtinatawag ko siya sa pangalan niya, kapag personal na usapan, ibig sabihin "ayoko at di ako mapipilit".

Kaya nanahimik siya habang naglalakad kami. Ngunit, di rin siya nakatiis.

"Malabs? Sorry."  sabay yakap nito sa akin. Yinakap ko rin sya pabalik atsaka hinagkan sa pisngi.

"Hayaan mo na yun, ha? Ayoko lang talagang balikan. Masaya na ako ngayon na magkaibigan na kami."  Tugon ko para makalma sya at hindi na mag-alala.

"Pero, kapag handa ka ng magkwento, promise me na ako unang pagsasabihan mo ha?" pagsusumamo nito.

"How about, Nanang first tas ikaw next?" Wala na siyang nagawa kundi tumango ng paulit ulit.

ILOVEYOU but WHY .?Where stories live. Discover now