CHAPTER 7: WELCOME BACK SURPRISE

0 0 0
                                    

I was a strong girl, my Nanang told me when Im still young. I am the genius one, they exclaimed. Sabi pa nila sa akin, kapag lumaki ako'y walang makakaloko sa akin dahil sa talino ko. Walang magtatangkang saktan ako dahil andyan sila para protektahan ako.

Noon yun, iba na ngayon. I better choose to be hurt alone kaysa makita kong nasasaktan si Nanang. Mas gugustuhin kong ako ang umiyak, wag lang siya. She's my life at siya na lang ang natitira kong pamilya. Kaya gagawin ko lahat para maprotektahan siya.

But now, di ko alam ang gagawin ko. Umiiyak si Nanang sa harap ko at di ko malaman kung bakit.

"Tahan na po Nanang." pag-aalo ko sa kanya.

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi ng lingunin ako.

"Nanang, kailan po ba ako makakalabas dito?"

"Sabi ng doktor, bukas daw ay maaari na. Pero, kung ako ang tatanungin ay sana ngayon na." lalong kumurba ang guhit sa gilid ng mata ng Nanang ko. Pati lungkot ay umukit na rin sa kanyang labi.

"Si Paul po?" nilinga-linga ko ang buong kwarto at wala akong makita ni anino niya.

"Umalis siya saglit, anak. Uuwi daw muna siya at babalik din."

Hindi na ako muling nagtanong pa, dahil alam kong babalik siya kapag sinabi niya.

Lumipas ang buong araw kong naghihintay. Ngunit, palubog na ang araw ay wala pa rin siya. Di ko na maiwasang mag-alala at mainip.

Mag-isa ako ngayon sa kwarto dahil umalis si Nanang. Di na ako mapakali sa kakahintay.

Ano na kayang nangyari dun? Di ko maibulalas sa sarilu ko. Maraming pumapasok sa isipan ko na hindi matanggap ng puso ko. Na baka napagbawalan na naman siya ng Mommy niya o baka naman iniwan niya na naman ako. Di ko alam kung ano ang gagawin ko pag nagkataon.

Sobrang sakit at hirap na ng mga pinagdaanan ko at ayoko ng makadanas ng ganoong sitwasyon muli, dahil ikamamatay ko na. Ikamamatay ko kapag nawala siya, ikamamatay ko kapag inilayo siya ulit sa akin. Bakit ba kasi may mga taong tulad ng Mommy niya? Bakit may mga taong hindi matanggap ang isang tulad ko?

Gusto kong magwala. Gusto kong umiyak. Durog na durog ang puso ko noon, unti-unti kong binubuo ngayon, ngunit dahil sa mga pumapasok sa isip ko, lalong nadadagdagan ang pagkadurog nito.

Bakit ka pa kasi nagmahal ng isang mayaman, Stein. Dapat nakuntento ka na lang doon sa mga manliligaw mong katulad din ng estado ng buhay niyo. Bakit di mo pinigilan ang sarili mo!

Naramdaman kong namumuo ang luha sa mga mata ko. May bumabara sa lalamunan ko.

"Malabs!!!"

"Ay palaka kang buhay na namatay!!" di ko na napigilang sumigaw sa gulat, umatras ang luhang namuo sa gilid ng aking mga mata. Agad namang pumasok ang mga nurse.

"May masakit po ba, Ma'am?" humakbang ito palapit sa swerong nakatayo sa kaliwa ko.

"Wala naman po. Nagulat lang ako dahil sa kanya?" sabay turo ko sa nagdadabog na si Erica.

Binalingan ng nurse si Erica atsaka pinagsabihan.

"Ma'am, kung maaari po sana'y wag nyo pong gugulatin si Ma'am Stein para mas mapadali ang paggaling niya." malumanay na sermon nito.

"Sorry po. Di na po mauulit." binalingan ako ni Erica saka inirapan.

Muling tiningnan ng nurse ang swero ko bago lumabas sa silid. Agad namang lumapit sa aking si Erica.

"Malabs naman! Anong nangyari sayo? Diba sabi ko naman sayong magstay ka na lang samin?" biglang nagbago ang emosyon nito at napalitan ng hikbi dahil sa pag-aalala.

"Sorry."

"Yun lang? Asan yang Paul na yan, ha? Siya may kasalanan nito ei." Inikot niya ng tingin ang buong paligid at natigil sa akin ng matapos ito.

"Kanina pang tanghali siya wala rito. Ang sabi niya, babalik din daw siya agad." di na napigilang pumatak ang mga luha ko.

"Malabs, paano kong iniwan niya na naman ako? Paano kung di niya na ako balikan? Erica, di ko kakayanin. Tama na yung isang beses nilang nilayo sa akin si Paul."

I know, hindi marunong sumira ng pangako si Paul. Alam kong hindi niya ako iiwan.

Naramdaman kong humawak sa mga kamay ko at hinaplos ito ng dahan-dahan.

"Lloyd? What are you doing here?" bulalas ko.

"I heard about what happen, Stein. Hindi ko mapigilang hindi mag-alala. Kaya agad akong umuwi. I miss you so much, Stein. Tapos, malalaman kong nasa hospital ka, na muntikan ka ng ma-rape? My goodness!"  hindi nawala ang pag-aalala sa tono nito.

"Salamat sa pag-aalala, Lloyd. Si Erica? Asan siya?"

"She's not here nang dumating ako. Nag-iisa ka dito habang natutulog." hinila niya ang silya at itinabi sa kama ko.

Lloyd was my another bestfriend since elementary. Nagkahiwalay lang kami kasi nag-aral siyang States. But now, he's here. He's wearing stripe polo na nakatupi hanggang siko and then black slacks. It looks like, dumiretso siya dito pagkababa niya pa lang sa eroplano.

Its been 3 years nang huli kaming nagkita. I know he likes me. Isa siya sa nagpursue para mapaoo ako. But, si Paul lang talaga ang laman ng puso ko.

"Stein, I think I need to tell you something?" Aniya.

Sumilay ang kaba ko. I don't know why, pero pakiramdam ko'y tungkol ito kay Paul.

"Naalala mo si Mincy?"

Mincy! Mincy! Wait..

"Siya yung inerereto kay Paul ng mommy niya diba? I heard nasa States din siya tulad mo. Why?"

Mincy. The most gorgeous girl in town. Mayaman, maputi, mabait at matalino. Biniyayaan ng sobra, financial, physical and everything.

"Yes. Nasa States siya until now. But, my point is...." naputol ang sinasabi nito ng bigla siyang pumasok.

"Did I miss something?" lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Wazzup, bro. Your Lloyd, am I right?" nalaglag bigla ang panga ko.

Saan sila nagkakakilala?

ILOVEYOU but WHY .?Where stories live. Discover now