CHAPTER 3

1 0 0
                                    

"Tao po? Tita Stella?" di ko na kailangang tanungin ang aking sarili kung sino iyon. Dahil pamilyar sa akin ang boses nito.

"Andiyan na. Saglit lang!" tugon ng aking Nanang. Nagsimula itong tumayo sa kanyang kinauupuan at saka lumapit at pinagbuksan ang kumakatok.

"Magandang umaga po, Tita. Si Stein po?" nagsimula na namang maghabulan ang tibok ng aking puso.

"Nasa hapag siya, kumain kana ba?"

"Tapos na po ako." dinig na dinig ang usapan nila sa sala dahil magkakonekta lang ito.

Mas bumilis ang tibok ng aking puso ng masilayan ko ito. Naka-uniporme din siya. Longsleeve na polo at itim na pants habang may backpack na itim sa likod. Halatang bago itong ligo kaya basa pa rin ang buhok.

"Anak, bilisan mo na riyan at mahuhuli na kayo." kita ko sa mga mata ni Nanang ang panunukso. Dahil sanay na ako, hinayaan ko na lamang ito.

"Uubusin ko na lamang itong gatas. Sandali lang." mabilis kong ininom ang gatas at dinampot ang aking bag.

"Nang, aalis na po kami." linapitan ko ito saka hinagkan.

"Mag-iingat kayo mga anak."

"Opo."

"Sige po, Tita Stella." paalam naman ni Paul.

Nilakad namin ang mahabang palayan. Isang oras pa bago magsimula ang klase. Tahimik lang kaming naglalakad. Paminsan-minsa'y sinusulyapan ko siya at ganoon din siya. Minsan nama'y nahuhuli nya akong nakatitig sa kanya at nahuhuli ko rin siya. Pakiramdam ko'y may nais siyang sabihin sa akin pero di niya magawang ilabas. Kaya ako na ang naglakas loob na magtanong.

"Paul? May sasabihin ka ba?"

"W-wa..w-wala n-naman.." first time ko siyang narinig na nauutal magsalita.

"Parang meron kasi."

"Ano kasi.." napansin kong namula ang pisngi nya.

"Wala yun. Kalimutan mo na." Dagdag nito at di na ako muling nilingon hanggang sa makarating kami sa school. Hinayaan ko na lamang siya.

"Malabs, good morning. Owwwww!" napanganga si Erica ng napansin niya si Paul.

"Hi Paul." baling nito sa kasama ko.

"Hi, Stein, iwan na kita dito. Sabay tayong umuwi mamaya huh?" di na nito hinintay ang sagot ko at agad na nakihalubilo sa kanyang mga kaklase.

"Ano yun, ha? Totohanan na ba? Nanliligaw na ba?"  tarantang tanong nito.

"Nanliligaw na sinasabi mo. Kaibigan ko si Paul, ok. No choice lang ako nung pageant kagabi kaya nasabi ko yun."

"Huwag ako, Stein. I know you more than you know me. Alam ko na alam mong crush mo si Paul." may halong pang-iirap nito.

"Fine. Oo na, crush ko na. Pero, hanggang dun lang yun."

"Bat ba ayaw mong umamin sakin? May tinatago ka na sakin ha?" kunwari'y nagtatampo ito.

"Wala nga malabs. Tara na nga." di ko na alam kung anong gagawin ko sa timang na ito kaya hinila ko na papuntang classroom.

Tahimik lang si Erica habang naglalakad kami. Nagtataka ako kung bakit natatameme ang mga tao sa paligid ko. Pati ba naman sa pagpasok ko ng classroom, ganun din ang mga kaklase ko.

Di ko na lamang masyadong pinagtuunan ng pansin, nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa aking upuan. Ganun din si Erica. Pagkaupo nami'y biglang sumulpot sa harap ko si Rocky Lloy, kaklase ko dito sa Bio at Math.

"Stein, alam mo ba to?" sabay abot sa aking ng notes niya.

"What is the domain and range of x if you evaluate the function h(x)=9-7^x? Ammmpppp.."

"Domain: (-7,∞), Range: (9,∞)." singit ni Erica.

"Di ikaw ang tinatanong ko Erica!" Irap ni Rocky saka hablot ng papel sa akin.

Binalingan ko si Erica na ngayon ay nakabusangot.

"Malabs, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko.

"Do I look ok, Malabs? Di ko maintindihan kung bakit ang bait-bait niyang si Rocky sayo, while ang sungit sakin!" maluha-luhang sagot nito.

Sasagot pa sana ako ng biglang dumating ang Prof namin sa Math.

"Good morning students." bati nito.

"Good morning Sir Makamtan." bati ng lahat sa kanya.

"I have a meeting today...." di nya naituloy ang sasabihin dahil sa hiyaw ng aming mga kaklase.

"Stop! Sit down! Again, I have a meeting today. But, I have Mr. Gillespie as sub for this subject. So, see you tommorow.Goodbye class."

"Goodbye, Sir Makamtan."

Hindi na naman mapigil ang paghuhurumintado ng puso ko sa narinig. Paul will be the sub of Sir Makamtan. Bakit sya? Mahina pa naman ako sa Math.

"Malabs, yung KAIBIGAN mo raw ang prof natin ngayon." panunukso ni Erica sa akin sabay siko. Kaya naman nag-init ang pisngi ko.

"Makakapagluto na ata ako ng itlog sa sobrang init at pula ng pisngi mo. Guys? May kawali ba kayo jan?"
nagsisisigaw si Erica kaya tinakpan ko agad ang bibig ni Erica saka pinagmasdan ang mga nagtatakang mukha ng mga kaklase ko.

"Nevermind guys. Di lang nakainom to ng gamot niya kanina." nagtawanan ang mga kaklase namin at naramdam ko ang hapdi sa aking braso, kinurot ako ni Erica..

"Ika....." di ko na naipagpatuloy.

"Goodmorning class."

"Goodmorning, Mr. Gillespie." halos pasukin na ng langaw ang bibig ko.

"Ms. Stein Burks. Please sit down." di ko na namalayang ako na lang pala ang nakatayo. Nagtawanan ang aking mga kaklase

"Pssssttt. Please quiet. Ok, according to Mr. Makamtan, you have an assignment right? Ms.Stein, please answer number 1 and please read." di na ko nagtangkang umupo.

"Given f(x)=x+1 and g(x)=2x+1, what is (f+g) (x)? The answer is (f+g) (x)=3x+2." buong pagmamalaki ko sa aking sagot.

"Correct. Thankyou Ms.Stein. Number 2, Mr. Lloy?" di ko maiwasang matawa dahil sa panginginig ng binti at kamay ni Rocky nang narinig niya ang kanyang pangalan at halos mapabalik ito sa kanyang upuan.

"What is the domain of the function f(x)=x+1÷x-1?.... I don't know the answer...."  di na natapos ang sasabihin ni Rocky ng biglang sumingit ulit si Erica.

"(-∞,1)U(1,∞)!! Kasimple-simple di masagutan." pataray nitong singit.

"Please sit down Mr. Lloy. You better study hard. Thankyou for answering Ms.Erica for him."

Nagpatuloy ang klase, marami siyang pinaliwanag sa dating klase ni Sir Makamtan, para daw mas maintindihan namin ito. Nagtagal ang klase ng 1 and half hour.

"Thats all for today class, thankyou for cooperating. Goodbye."

"Goodbye, Mr. Gillespie." bati ng lahat.

"Ang galing niya noh? Ang guwapo pa." bulong ni May, kaklase ko, belong siya sa mga mean girls.

"Gusto ko siya, Rhianna."  baling ni Benith kay Rhianna, isa rin sa mga kaibigan ni May.

Andami mo nang tagahanga Paul. Mauulit na naman at yung dati. Sana hindi. Sana wag.

ILOVEYOU but WHY .?Where stories live. Discover now