"Braille sa tingin mo matutuwa sila mommy dito?"
"Of course lalo na kapag nalaman nilang ikaw mismo ang gumawa ni'yan"
"But this is not a pretty like you"
"Oh c'mon princess, sa panlabas ba nakikita ang kagandahan ng isang bagay?"
"Mommy said everything is beautiful!"
"And also you too"
Bigla na lamang dumilim ang kapaligiran, ang kaninang magandang paligid napalitan ng kadiliman.
"BREEEEEEEILLLLLLE!!!"
--*
"Ms. Celeste I said wake up!!" agad akong napabalikwas ng marinig ko ang boses ng teacher ko, sheyt nasa klase nga pala ako.
"Uhm hehe?" sabay tawa ko na parang natatae.
"Hindi ako nakikipag biruan sa'yo Ms. Celeste, go to the principals office. Mr. Kim want to talk to you" agad na bungad n'ya.
"B-but ma'am 'di na po mauulit" pakiusap ko para hindi na ako mapapunta sa principals office.
"I'm sorry, pero utos mismo ni Mr. Kim" tinalikuran na n'ya ako at bumalik sa harapan.
Halos lahat ng mga kaklase ko nakatingin sa'kin, ganun na din yung apat kong kaibigan. Kita ko ang pagpipigil nila ng tawa kaya inirapan ko na lang sila.
Mag isa na lamang akong naglalakad sa corridor, siguro dahil na din class hours na.Habang naglalakad may nahagip ang mga mata ko na tumatakbo papunta sa likod ng building D kung saan gubat na ang bubungad sa'yo dun. Mahigpit din na pinagbabawal ng principal ang pagpunta doon dahil na din sa mapanganib pero ang nakakapag taka bakit hindi s'ya nakasuot ng uniform? Nakasuot lang s'ya ng kakaibang cloak.
"Sandaliiii! Hoy lalakeng naka cloaaaaak!" agad tumigil ang lalakeng tinawag ko, buti na lang 'di nakasuot yung pangtakip n'ya kaya nalaman kong lalake s'ya.
Agad din akong nakarating sa kinaroroonan n'ya dahil na din sa tumigil s'ya sa pagtakbo. Kita ko ang gulat at pagtataka sa mga mata n'ya.
"Ah bakit?" nagtatakang tanong ko dahil sa nakikita kong reaction sa mukha n'ya.
"N-nakikita mo ako?" 'di makapaniwalang tanong n'ya.
"Oo naman, ano ba namang tanong 'yan nakakatanga ha" sagot ko sabay irap.
"A-ano ahm pa-paano?"
"Anong paano? Syempre may mata ako gosh, makaalis na nga nakakabobo ka kausap" akmang lalakad na ako paalis sa kan'ya ng pigilan n'ya ako.
"Sorry, by the way I'm Brix" pakilala n'ya sabay lahad ng kamay n'ya.
"Ah I'm Lumire, ge una na ako. And oh wag kang pupunta sa likod ng building D mahigpit na ipinagbabawal 'yun ng principal baka may makakita sa'yo" sambit ko sabay lakad na paalis patungong principals office.
Habang naglalakad ako naalala ko nanaman ang panaginip ko, Braille? Bakit lagi na lang ganun ang napapanaginipan ko tungkol sa'yo? Wala naman akong naaalalang nagkaroon tayo ng memories na ganun.
Mommy? Sa pagkakaalam ko lumaki akong walang kinilalang ama't ina kundi kapatid lang, lumaki ako sa puder ng lolo ko kaya paanong lagi ko na lang napapanaginipan 'yun?
"Ms. Celeste mabuti't andito kana, kanina pa kita hinihintay"
Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Mr. Kim ang principal na bata pa, nasa age 20 pataas palang s'ya hindi ko nga alam paano s'ya agad naging principal ang bata pa naman n'ya.
YOU ARE READING
Celestial High
FantasyWhat if kung may natuklasan kang kakaibang puno na may pinto? At dahil sa curiosity mo napunta ka sa isang lugar na hindi mo kailan man naisip na nag e'exist pala? What if lahat ng katanungang bumabagabag sa 'yo ay doon mo matatagpuan ang sagot? M...