Chapter Three

8 2 0
                                    

"Isa kana sa mga student ng Celestial High, congratulations!" masayang sabi n'ya.

"P-po?!" gulat na tanong ko.

"P-pero paano? Agad agad? Isa pa hindi po ako sumunod sa'yo dito para malamang dito na ako mag aaral, gusto ko lang po malaman paano ako makakabalik sa mundo namin."

Pagpapaliwanag ko, kita ko ang pagwala ng malaking ngiti n'ya kanina kaya bigla nanaman akong kinabahan dahil sa nakita ko kanina du'n kay Ms. Lauren baka mamaya gawin din n'ya sa'kin 'yun.

"I'm sorry to tell you but." nagbuntong hininga muna s'ya bago ituloy ang pagsasalita.

"Ang mga katulad natin ay hindi dapat namumuhay sa mortal world, dahil malaking kapahamakan kapag may nakaalam ng existence natin." dagdag n'ya.

"W-wait mga katulad natin? Anong ibig n'yong sabihin sa natin Mr. Demagago?"

Kita ko ang pag ngiwi n'ya ng marinig ang sinabi ko.

"Bakit po?"

Nagtatakang tanong ko.

"Pwede bang Mr. Principal na lang ang itawag mo sa'kin? Ang sakit sa tenga nung Mr. Demagago e, hahaha."

Sabay tawa n'ya na para bang may nakakatawa sa sinabi n'ya na s'ya lang nakagets.

Naka poker face lang ako habang nakatingin sa kan'ya.

"*Ehem!*

Nag fake cough s'ya ng mapansing s'ya lang 'yung tumatawa sa sinabi n'ya.

"Alam mo Ms. Celeste, hindi ko gusto na sa'kin pa mismo magmumula ito pero, hindi ka isang mortal." seryosong sambit n'ya.

Napangunot naman ang noo ko sa aking narinig.

"Anong hindi mortal? Mr. Dema--." pagputol n'ya sa sasabihin ko.

"Mr. Principal." sambit n'ya.

Napairap na lang ako sa kawalan dahil naiinis na ako, sa sinabi palang n'ya na hindi ako mortal tapos sa pagputol n'ya ng sasabihin ko.

"Okay fine whatever, so ayun Mr. PRINCIPAL. Paanong hindi ako mortal? Doon ako lumaki kasama 'yung lolo ko, tapos sasabihin mong hindi ako mortal?"

Inemphasize ko pa 'yung word na Principal ng wala na s'yang masabi.

Nagbuntong hininga muna s'ya bago sumagot.

"Hindi mo ba alam na hindi nakakapasok ang kahit na sinong mortal sa mundong 'to, dahil masyadong malakas makahigop ng energy ang portal na nasa mahiwagang puno." seryosong sabi n'ya.

"Y-yung puno?" naalala ko nung hinigop ako papasok nung puno feeling ko nga masusuka ako sa sobrang hilo.

"Ang mahiwagang puno na nasa gitna ng mga buildings dito ang s'yang nagiging daan papunta sa mortal world, ang s'yang puno na nilabasan mo kanina."

Sabi n'ya pero kita sa mga mata n'ya ang pagtataka.

"Paano naman po ako nakalabas sa puno na 'yun?" pagtatanong ko.

"Iyan din ang bumabagabag sa'king isip Ms. Celeste, hindi basta basta bumubukas ang pinto na 'yun. Tanging isang tao lang ang may kayang bumukas nun pero ngayon mukhang magiging dalawa na kayo."

"Bakit nasama ako d'yan? Hindi ko naman sinabing papayag ako na mag aral dito a."

"Weather you like it or not, you're enrolled now."

"B-but--."

"No but kailangan mong mag aral dito dahil kung hindi."

"Kung hindi ano?"

Celestial High Where stories live. Discover now