Today is my fiiiiiiiirst daaaaay!! Yuuuup! Ito ang unang araw na papasok ako sa klase ko. Monday ngayon, sabi naman ni Shanny na pwede naman akong pumasok na sa monday para na din makapag adjust pumayag din naman si Mr. Principal tutal friday naman nung nakapunta ako dito.
After ng pagkain namin ni Shanny sa cafeteria na mukhang restaurant e naglibot na ulit kami para daw kapag mag isa ako hindi ako maliligaw. Nakakashock parin dahil sa nalaman kong isa pala syang guardian kaso hindi pa nya sinasabi kung sino master nya.
"Lumireeee sabay kana samin parehas lang naman schedule natin e. " masayang sambit ni Vela kasama na nya si Shane, sila ang dalawa kong roommate nagulat nga sila kahapon dahil sa pagpasok ko. Hindi sila makapaniwalang makakasama daw nila ang isang mortal na pinag uusapan ng lahat ng students dito.
Akalain mo nga naman na pati dito sisikat ang pangalan ko.
"A sige, wait lang." sagot ko bago kinuha ang sapatos ko.
Nagkukwentuhan lang sila ng kung ano ano na hindi ko maintindihan kaya out of place ang peg ko.
"Ahm Lumire tabi ka samin ni Vela ah." tumango lang ako bilang sagot.
"Alam mo girl ang tahimik mo 'di naman kami nangangain enebe."
"Sorry, medyo hindi pa kase ako sanay e." pagsagot ko na sinang ayunan lang nila.
Agad kaming pumasok sa magiging room namin, pataas ang upuan nya then may maliit na stage sa baba at may table teacher pati white board.
'Iwww, diba sya yung mortal? Seryoso ba talaga si Mr. Principal na dito sya pag aralin?'
'Ano naman kayang gagawin nya sa battle grading e, isa lamang syang mababang uri'
'Okay lang yan, hindi naman na sya magtatagal dito'
'Yeah, yeah! Quin is right. Walang mortal ang mabubuhay dito ng matagal'
"Pwede ba? Wag nga kayong mayabang kung makasabi naman kayo ng mababang uri para namang ang tataas nyo." mataray na sambit ni Vela na nainis na dahil sa mga naririnig na bulungan.
"Wow! Papalag kana ba ha? Isa ka din namang loser bitch." masungit na sambit ng isa sa mga nagbubulungan habang nakapamewang at nakataas ang kilay.
"Okay class back to your proper seat." bumungad samin ang isang binatang naka black cloak na may red lining sa gilid, may hawak na lumang aklat. Sya siguro si Professor Cody yung tinutukoy ni Shanny.
Naglakad na kaming tatlo nila Vela papuntang upuan ng magsalita ulit ang Professor.
"By the way Miss? Come and introduce yourself." napatingin muna ako sa dalawa at nagbuntong hininga bago nagtungo sa harap ng mga kaklase ko katabi ni Professor.
"A-ahm, ano ah h-hi? My name is Lumire Braille Celeste isang--."
"Taga lupa." dugtong ng isang babae.
"Ikaw ba ang kausap ko Miss? Ikaw ba ang inutusan kong magpakilala sa harap?" masungit na tanong ni Professor habang nakatingin sa kaklase kong nagputol sa sasabihin ko.
"I-im sorry Professor Cody." sagot nya habang nakayuko. Tanging pag tsk-ed lang ang narinig kong sagot ng professor.
"Isang Celeste, I see." sambit ng professor habang pailing iling pa. Hindi ko na lang pinansin ang naging reaksyon nya at nagpunta na sa upuan ko sa gitna nila Vela at Shane para daw walang magtangka sakin.
"So para sa hindi nakakakilala sakin hayaan mo akong magpakilala." panimula nya habang nakatingin sakin.
"I'm Cody Cole the head professor in this building, so let's go to our topic." sambit nya habang tinitignan ang lumang libro nya. Pansin ko lang na marami ding libro na nakapalibot sa bawat sulok ng silid na 'to.
"Sa mundong to, hindi lang naman ang Celestial High ang nag iisang school dito. Sa bawat bayan ay may ipinatatayong school ang namununo or ang kanilang Queen and King. At ang Celestial High ang pinaka malaking school sa lahat dahil na din andito ang halos lahat ng history about warriors at mga sinaunang naging Hari at Reyna. Bukod pa du'n ito ang pinaka unang school na pinatayo dito."
Halos lahat kami dito ay tahimik at malayang nakikinig kay Professor Cody. May parang hologram din sa harapan namin at ipinapakita ang mga tinutukoy ni Professor. Nakikita ko din ang mga ibang school sa ibat ibang bayan.
"Nakikita nyo naman siguro kung saan nakatayo ang ating school."
Kita nang lahat na ang school namin ang pinakapuso ng lahat ng bayan. Pinapalibutan kami ng apat na bayan.
"Kaya tayo ang nasa sentro dahil tinatanggap ng eskwelahan ang lahat ng gustong mag aral dito sa ibat ibang bayan. 'yan din ang isa sa dahilan kung bakit tayo ang pinaka nasa tuktok."
"E, Professor 'yung ibang school po?" tanong ni Vela.
"Well about the other schools, sa pagkakaalam ko kung san nakatayo ang bayan nila ang mga taga bayan lang din nila ang hinahayaan nilang makapag aral dun. Like example sa Aqua Land. Ang mga aquarian o mga naninirahan sa Aqua Land ang maaaring makapasok sa Aqua Akademya ganun din sa Aeris, Terra, at maging sa Phyrrus."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko sa hologram ng banggitin ni Professor ang Phyrrus Land. Nakaramdam ako ng excitement at parang gusto kong pumunta dun sa hindi ko malamang dahilan. Shet Lumire! What happening to you! Ano 'tong nararamdaman mo! Umayos ka nga!
Bumalik ako sa realidad ng makarinig ako ng tunog ng bell. Oo nga pala every monday hanggang 11 lang ang klase ko dahil history lang naman tapos bukas about paggamot gamit ng halaman. Then sa Wednesday naman about naman sa lesson katulad sa mortal world para daw hindi nagiging tanga ang mga celestian sa tuwing nagkakamission sila sa mundo nang mga tao. Bukas naman ay hanggang 10 lang ang klase ko sa Wednesday naman whole day then sa Thursday and Friday it depends.
Pabalik na ako sa dorm ko dahil tapos na ang klase ko, kasama ko sila Vela at Shane dahil gaya ko magbibihis din sila.
Patuloy ko paring naiisip ang about sa Phyrrus Land. Ano bang meron sayo? Bakit ganto ang pakiramdam ko? Bakit iba ang epekto mo sa pagkatao ko.
Ahhh! I hate this fucking feeling! Shet!
YOU ARE READING
Celestial High
FantasyWhat if kung may natuklasan kang kakaibang puno na may pinto? At dahil sa curiosity mo napunta ka sa isang lugar na hindi mo kailan man naisip na nag e'exist pala? What if lahat ng katanungang bumabagabag sa 'yo ay doon mo matatagpuan ang sagot? M...